Childhood Friend
(tumunog ang alarm clock)
(Gumising at pinatigil ang alarm clock)
Hii, ako si Allen isang high school novel writer at gumawa ako ng isang nobela tungkol sa crush ko
(Pumunta sa banyo)
kasi parang may something sa kanya na kakaiba
(Nagtooth brush)
parang gagawin niya lahat ng gusto ko
(Nagsuot ng school uniform)
saka nagiiba siya ng ugali bawat araw
(Kumain kasama ang pamilya)
pero hindi naman siya ganun dati
(Nagpaalam sa magulang)
Allen : Ma alis na kami ni abby
Mother : O sige mag ingat kayo ah
Abby : Ba bye
by the way Reign ang pangalan ng crush ko
(naglalakad papuntang school)
Basketball player : Pre ilag!!
Sinalo ni Reign ang bola gamit ang kanyang kamay na muntikan ng tumama sa muka ni Allen.
Reign : Allen tumingin ka naman sa paligid mo habang naglalakad ka baka mapahamak pa yung muka ng pakakasalan ko balang araw
(Nag blush si Allen)
Abby : Ayiee si kuya kinikilig, wag ka kasing maraming iniisip kuya baka daw mapahamak yung muka mo gagamitin nyo payan sa kasal nyo eh, sige una nako ahh.
Allen : Sige mag ingat ka ahh maraming kidnapper dyan, dala moba yung pepper spray mo?
Abby : Oo kuya, ikaw rin kuya mag ingat mahirap maging batang ama
Allen : AHHAHAHAHA loko ka, dumaretso ng school ah wag sa mga kaibigan
(Naglalakad papalayo si Abby at kumaway patalikod)
Reign : Oh ano, ready kana sa date naten?
Allen : Ha anong date? Diba mag iischool study tayo para sa mga school project natin?
Reign : Hayaan mo nayun sa mga kagrupo natin kaya na nila yun
Allen : Ha? Pero...
(Tinakpan ni Reign ang bibig ni Allen)
Reign : Shhh, Walang pero pero tara na sumama ka sakin dadalin na kita sa langit.
(Hinila papuntang langit si Allen ni Reign)
Oopsss.. bago natin ituloy yan, alamin muna natin ang nakaraan at saka pano siya naging ganyan.
Hindi siya nauntog, wala siyang sakit at walang kahit anong gayuma ang ginamit ko dahil ito ang tunay na nangyari :
Noong bata pa ako may bagong lipat sa tapat ng bahay namin at doon ko unang nakita si Reign at doon narin kami nag simulang magkakilala.
Nagsimula kaming maglaro ng bahay bahayan na parang sa kanta lang, ako si hulyo siya si hulya, ako ang hari at siya ang aking reyna, siya ang prinsesa at ako ang prinsepe na sasagipin siya palagi
at dahil sa mga pangyayaring iyon habang lumalaki kami nagsisimula nakong magkaroon ng nararamdaman sa kanya pero bata pa naman kami kaya siguro ganun crush lang naman tingin ko sa kanya kaya sabi ko sa sarili ko okay lang yun saka baka kaibigan lang naman tingin niya sakin okay nayun marami pa namang ibang babae diyan
pero habang tumatanda kami hindi parin nawawala yung pagtingin ko sa kanya hanggang sa naging magkaklase ulet kami sa highschool,
Hala tadhana naba ito? lord bigyan mo naman ako ng sign para masabi kona ang nararamdaman ko para sa kanya.
Dumaan ang maraming araw at hindi ko masabi ang nararamdaman ko para sa kanya kasi maraming nanliligaw sa kanya saka maraming nakaharang para makalapit ako sa kanya sigruo torpe lang ako isang torpe na parang may naka lagay na scotch tape sa bibig ko tas ginamitan pa ng stapler kaya siguro diko mabuksan bibig ko at hindi ko masabi sa kanya na mahal ko na siya.
Dumaan pa ang maraming araw at oras at ayun torpe parin ako. Malapit na ang pasko kaya pinangako ko sa sarili ko na dito nako maglalakas ng loob na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
At dumating na nga ang Christmass break namin sa school inaya ang pamilya namin ng pamilya niya para pumunta sa Baguio para doon mag celebrate ng pasko doon narin magsimba at magbakasyon. Sabi ko sa sarili ko
"Hala eto nayung sign na inaantay ko, thank you lord" dito nako maglalakas ng loob na umamin sa kanya. ahmm ano kayang sasabihin ko, hays wala akong maisip bahala nalang sa mga sasabihin ko. Ang pamilya Perez at pamilya Eugenio ay nagbakasyon sa Baguio at dito na gagawin ni Allen ang plano niya. Nakita ni Allen si reign sa tapat ng christmas tree sa labas ng bahay sa Baguio.
Allen : Hii Reign
(Nahihiyang nag hi si Allen)
Reign : Oh, Allen bat ka nandito? nagkakainan na sa loob ah
Allen : Ahmm, ehhh kasi... ahhhh ... kasi ano... ano kasi eh
Reign : Ha? ano? Di kita maintindihan, ayusin mo salita mo para namang hiyang hiya ka na kausapin ako eh matagal na tayo magkaibigan.
(Nagtitinginan lang silang dalawa dahil hindi alam ni Allen ang sasabihin niya kay Reign)
Ano kaya sasabihin ko? pano nato aarrrggghhhh..
Reign : Ahmm hello? may sasabihin kaba? kung wala papasok nako sa loob ng bahay .
Allen : Ahh Reign... gusto ko lang sabihin sayo na...
Reign : Na?.... na ano?
(Hindi nag salita si Allen ang ginawa niya nalang ay Hinalikan niya ito)
At dito nanga nag simula ang lahat, hinalikan ko siya sa mapula niyang labi, Malambot niyang pisngi, sa malamig na lugar ng Baguio parang lumiliwanag ang paligid habang nakatigil ang mundo naming dalawa
pagkatapos nito ay namula ang muka ko at tumakbo ako ng mabilis papunta sa loob ng bahay sa Baguio at pagkatalikod ko ay nakatulala lang siya habang nakatayo sa tabi ng Christmas Tree
(Pumunta sas loob ng banyo si Allen at hindi mapakali sa ginawa niya)
Allen : Anong ginawa ko??!!! pano nato? anong gagawin ko? anong sasabihin ko? bahala na. Mag sorry kaya ako?
Allen : Ohh Lord Help me please I need your help hindi ko na alam ang gagawin ko.
Sa pangyayaring iyon ay hindi ko na muna kinausap si Reign buong Christmas break at iniisip ko parin ang mga sasabihin ko sa kaniya at iniisip ko rin ang pagkakaibigan namin kasi baka hindi niya nako pansinin, sana patawarin niya ko sa mga nagawa ko sa kanya. Grabe nakakakaba sana magbago ang lahat bakit ba kasi ganun yung nangyari, hays bahala na si lord
Natapos na ang Christmas break at pasukan na ulit sa school, si Allen ay kinakabahan parin at naisipan niyang hindi nalang pumasok sa school pero iniintindi niya parin ang grades niya kaya pumasok parin siya.
Ang oras sa paaralan ay dumadaan at napansin ni Allen na wala si Reign sa kanyang upuan at nagaalala na ang mga kaibigan niya sa kanya pati narin ang mga manliligaw niya
(Tumunog ang bell dahil Recess time na)
Allen : kinakabahan nako, hindi kona alam ang gagawin ko, kasalanan ko to eh dapat hindi ko nalang ginawa yung. Paano na? hindi kona maisip kung ano pang gagawin ko? Dahil lang sa pangyayaring iyon nakasira nako ng buhay ng isang tao at buhay pa ng nagiisang natatalik kong kaibigan ang nasira ko.
(Habang si Allen ay kinakabahan, hindi alam ang gagawin at nanginginig sa kanyang upuan ay biglang may naglagay ng paa sa kanyang lamesa ng kanyang upuan)
Reign : Oyy boy! may atraso kapa sakin
(Nagulat si Allen at ang lahat ng tao sa loob at labas ng classroom dahil hindi nila napansin na si Reign na pala iyon dahil nag iba ang itsura nito pati narin ang mga porhaman nito)
Chelsea : Oyy bes nagaalala na kami sayo pati mga manliligaw mo sobrang alala na sayo san ka ba galing saka bat ganyang itsura mo? bat ganyan yung suot mo? bat parang nag iba ka ng todo?
Si Chelsea nga pala ang president ng buong Classroom at isa sa mga tropa at best friend ni Reign
Reign : Ha? Sino ka? Sorry pero hindi kita kilala. May isa lang akong kilala sa classroom kundi ang bebs ko.
(Nagulat ang lahat sa mga sinabi n Reign lalo na si chelsea na nasaktan at nainis sa mga sinabi ni Reign)
Chelsea : NAGAALALA LANG NAMAN KAMI SAYO TAS GANYAN KAPA? ANONG KLASENG KAIBIGAN KA? Hindi lang pala itsura saka damit mo ang nagbago pati rin pala yang ugali mo.
(Pagalit na sinabi ni chelsea, tumalikod at habang umiiyak ay naglalakad)
Reign : Wala akong pake! Oyy kayong lahat tumingin kayo dito gusto kong sabihin sa inyong lahat na bebs kona si Allen Perez. Alam nyo kung bakit? Kasi may napakalaking atraso siya sakin.
Allen : Reign?? HA? pero bat mo ginawa yun? saka bat nagiba ka mula ulo hanggang paa? saka anong atraso ko sayo?
Reign : pwes ipapaalala ko sayo, naaalala mo ba to?
(Hinalikan ni Reign si Allen)
(Nagulat ulit ang lahat sa ginawa ni Reign kay Allen)
(Tinulak ni Allen si Reign)
Allen : sorry, nabigla ako sa ginawa mo
(si Reign ay biglang umiyak ng napakalakas)
Allen : ahmm ahmm sorry sorry. halika nga dito
(Hinila ni Allen si Reign palabas ng room papunta sa hagdanan habang hindi parin ito tumitigil sa pag iyak)
Allen : Reign, alam ko may kasalanan ako sayo pero hindi ko alam kung ano yung mga nangyayari sayo saka pinaiyak mopa yung kaibigan mo kanina saka kanina siga ka tas ngayon iyakin kana? ano ba talaga nangyayari sayo?
(Nagsalita si Reign habang umiiyak)
Reign : kala ko kasi mahal mo ko eh... para saan ba yung paghalik mo sakin... diba crush mo ko ... gusto ko lang naman maging masaya kasi ang lungkot lungkot ng buhay ko.
(Patuloy na umiiyak si Reign habang
sinisinghot yung sipon sa ilong niya)
Allen : O sige tahan na tahan na, mahal kita okay hindi mona kaylangan maging malungkot. Nandito lang ako palagi sa tabi mo ahh wag kanang umiyak. Tahan na.
(Hindi parin tumitigil sa pag iyak si Reign)
Reign : Sige nga kung mahal mo talaga ako. halikan mo nga ako sa lips... matagal ah mga 100 seconds
Allen : Ha? pero....
Hinatak ni Reign si Allen papunta sa kanya at dahil dito ay muntikan na silang mag kahalikan ulet pero nakahawak si Allen sa pader pero habang nakahawak ito sa pader ay nagkatitigan silang dalawa Namumula ang muka ni Allen
habang nakatitig sa cute na muka ni Reign habang umiiyak At dahil dito ay hindi napigilian ni Allen na ituloy ang paghalik ni Allen kay Reign at tumigil ang mundo nilang dalawa for 100 seconds.
Pagkatapos namin gawin iyon ay tumahan na sa pag iyak si Reign, pero hindi pa pala nagtatapos dun ang lahat ng iyon.
Reign : ang cute mo pag nakangti and then onting taas lang ng buhok at ayan ang pogi mona ay wait tanggalin mo nayang salamin mo ay Pak! pogi na moreno pa.
At ayun nag iba nanaman ang ugali niya at hindi ko alam kung bakit
Reign : Tara na balik na tayo sa classroom may next subject pa eh
Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari kaya ang ginawa ko nalang sinabayan ko nalang kung ano ang trip niya baka siguro trip niya lang yon para makalimutan yung nangyari saming dalawa.
Nakabalik na kami sa classroom at nagulat ulit ang lahat dahil parang nag iba nanaman ang presensya niya sa classroom.
Reign : Hii, guys!! musta kayo? bat parang gulat na gulat naman kayong lahat? Hindi ako wulto,manananggal or isang halimaw na nangangain kaya isara nyo nayang mga bibig nyo kasi hindi bagay sa inyo. At ikaw Chelsea hindi bagay sa president ang umiiyak dapat strong ka girl sige ka maaga ka tatanda niyan ang ganda mo pa naman
At ang sumunod na nangyari ay parang bale wala nalang lahat ng nangyari kanina kaya niyakap ni Chelsea si Reign at humingi ng sorry.
Chelsea : Reign sorry sa mga nasabi ko kanina nabigla lang ako kasi bigla kang nagbago
Reign : Okay lang yun bes ako rin naman ang may kasalanan dahil sa mga pinagsasabi ko, saka bestfriend tayo diba
Bea : Group huggggg
At nag yakapan na nga silang lahat na mag kakaibigan, ahmm wait si Bea nga pala yung top 1 namin sa klase kasi napaka talino niyang babaeng yan at siya ang sponsor ng sagot sa kanilang magtotropa.
Naantig ang lahat sa mga sinabi ni Reign na para bang sobrang sweet,bait at humble niya parang ibang iba siya sa tunay na Reign pati sa dalawang ugali niya kanina, hays kaya na in love ako sa babaeng to eh may something talaga sa kanya na magugustuhan mo.
Natapos na ang klase at pauwi na kaming lahat at naisipan kong yayain narin si Reign na sumabay sa amin ng kapatid ko na si Abby sa paguwi tutal magkatapat lang naman kami ng bahay. Kaso nagsimula nanaman ako mahiya kahit na kinalimutan kona yung mga nangyari kanina saka nung christmas break.
Abby : Ate Reign dahil crush ka ng kuya ko sumabay ka na samin sa pag uwi.
Allen : Uyy Haha... hehe ... hihi ... hoho ...
Reign : Huhu ... Sige ba
Napakamot tuloy ako ng ulo dahil dun
Abby : Oh ayan na kuya ahh wag ka kasing masyadong torpe.
Reign : HAHAHAHHAHAHAH ayan kasi masyadong torpe naunahan kapa tuloy ng kapatid mo.
Allen : Ahhh AHAHAHHAHAHAH
Kumamot ulit ako ng ulo, napahiya ako dun ah. Tinitigan ko ng masama ang kapatid ko at sinabi ko ng pa sweet na :
Allen : Abby una kana. Una kana dali dumaretso ka na ng bahay ha. ihanda moyang pepper spray mo saka diba marami kapang assignment. heyy diba?? diba?!
Abby : Ayyt oo nga pala sige kuya mag ingat kayong dalawa kasi gabi na basta ninang ako sa binyag ahh
Reign : HAHAHAHAHA makulit na bata sana may ganyan din akong kapataid
Allen : Ba bye Abby labyu!
Abby : Ba bye lang walang labyu!
Allen : AHHAAHHA ganyan lang talaga yang kapatid ko
Allen : Tara hatid na kita sa inyo
Reign : Ahmm sige para may kausap narin ako habang naglalakad
At ayun kaming dalawa ay naglalakad habang naguusap sa madilim at sa ilalim ng puting ilaw ng buwan.
Allen : Ahmm Reign about nga pala dun sa nangyari kanina sa school
Reign : Hays wag mo na alalahanin yun past is past dapat ng kalimutan
Allen : Haha oo nga, pero about dun sa sinabi mo na crus.. ahm cru .. Crrrr
Reign : Oo crush din kita
AT Boom!!! Keleg napangiti ako dahil ansaya saya ko
Reign : Nandito na pala tayo ahmm
Allen : Ahhmm so pano kitakits nalang bukas ah
Reign : sige sige
Hindi namin alam dalawa ang gagawin namin kaya ...
ayun naghalikan nalang kami
Allen : Ahmm sige uwi nako ba bye
At sa hindi nakakagulat na pangyayari habang ako ay pauwi ay may humawak sa balikat ko sa napakadilim na paligid at tumitibok ng malakas ang puso ko dahil naalala ko ang sinabi ng lola ko sa akin nung bata ako kapag daw ay may naghalikan sa gabi ang kasunod non ay maselang pangyayari
AHhmm AHAHAHAH iba yata yun AHAHAHAHA
At pag katingin ko sa likod ko ay may nagsalitang babae at sinabi
Reign : Allen, akin kalang, walang makakaagaw sayo dahil akin kalang.
Si Reign pala yun na nag iba nanaman ng ugali na para bang isa nasiyang mangkukulam na aswang ngayon kasi sobrang nakakatakot siya saka andilim dilim pa kaya ang ginawako nalang ay...
Allen : Hii Reign!!! ba bye
Sabay takbo....
Reign : BWAHAHA akin kalang Allen, Akin kalang Allen sa oras na may umagaw sayo ay sarili kong buhay ang iaalay ko. BWAHAHA.
Ako ay nakabalik na sa bahay at natulog
Allen : Nababaliw na ata yung babaeng yun ano kayang nangyari dun?
At ako ay nakatulog.
Allen : Panibagong araw at panibagong umaga. Unat dito unat doon grabe ansarap ng tulog ko ansaya saya ko.
Biglang bumukas ang pinto
Allen : nanay ko po
Abby : Kapatid moko kuya hindi moko nanay, kakain nadaw sabi ni mama sinigang ulam
Allen : Sige sabihin mo bababa nako pagkatapos ko maligo
Abby : By the way kuya ano nga pala nangyari sa inyo ni ate Reign kagabi? saka sabi ni aling puring may parang bakla daw na tumatakbo papunta sa dito sa bahay. Ikaw yun no?
Allen : Hindi ahh umalis ka na nga
Abby : Bilisan mo kuya ahh, ayaw ko malate
Allen : OO na sige na alis na.
Hays nakakainis na kapatid, pagkatapos ko maligo ay kumain na kaming buong pamilya at biglang may nag doorbell. Ayyt wait wala pala kaming doorbell. kumatok lang pala siya.
Abby : Oh kuya si ate reign na ata yan
Mama : Yan bayung kapitbahay natin? ay pwede maganda
Papa : Bilisan mo anak gusto nanamin ng mama mo ng apo
Abby : At syempre ako ang ninang
Allen : Hays puro kalokohan
Mama : Sige na buksan mo na yung pinto. Ikaw na magbukas Allen baka future mo nayang nasa likod ng pinto.
Allen : Sige na nga ako na
At binuksan ko nga ang pinto kala korin talaga si Reign yung pero
Bea : Oh Hi Allen, Hi Abby, Hi ninong at ninang
Papa : Oh si pamangkin pala yun oh
Mama : Tara nak kain ka dito sakto oh mainit patong sinigang bagong luto
Bea : Ahmm busog pa po ako eh pero thank you po ninang. Nandito lang po ako para kausapin si Allen
Mama : Ahh ganun ba sige sige
Nakalimutan ko sabihin sa inyo na hindi lang pala siya yung top 1 sa klase pero siya din yung inaanak ng parents ko na kinukumpara nila sakin na napaka talino and naging isa rin siya sa childhood friends ko.
Allen : Bat ka nandito Bea? may kaylangan ka?
Bea : Wala, tatanong ko lang sana kung ano yung nangyari kay Reign saka bakit nag iba ugali niya? Diba kasabay nyo siya pag uwi? natanong mo ba sa kanya? saka bat ka niya tinawag na bebs? kayo naba?
Allen : Andami mong tanong, isa isa lang ganto kasi yan So....
Biglang may sumigaw ng pangalan ko
Reign : Allen!!!! niloko moko, niloko moko, bat mo nagawa sakin to? anong kasalanan ko?
Tumakbo ng mabilis si Reign at hinabol namin siya hanggang sa makarating na kami ng school
Allen : Reign nagkakamali ka ng iniisip. Hindi kita niloloko
Chelsea : Umakyat ng 4th floor si Reign!!!! tatalon na ata!!! mga manliligaw niya saluhin nyo si Reign
AT yun nga sobrang daming nangyayari at gulong gulo na ang mga brain cells ko, hindi ko alam kung sino o ano ba talaga ang magulo
pero isa lang masasabi ko
"Baliw si C.R.U.S.H."