Curious
Napanguso ako habang nasa loob ng SUV ng mga Saavedra. We're on our way back to their house now. Nandoon na rin ang mga magulang ni Levi na naghihintay sa amin.
Dapat ay susunod sila sa hospital pero hindi naman malala ang lagay ni Levi at talagang paa lang nito ang napuruhan kaya sa bahay na sila naghintay.
Levi doesn't like the ideas of staying at the hospital neither. Siguro dahil buong buhay niya ay nasa hospital na siya kaya gano’n.
And while we're on our way to their house, I couldn't stop thinking about Levi's words earlier. Iyong mga gusto niyang gawin ko just to be his friend.
I'm thinking how can I do such thing. Doon pa lang sa dahon na lumulutang ay wasak na ang utak ko paano gawin! Iyon pa kayang bituin?
I sighed deeply and take a glance at Levi. Nasa tabi ko lang siya. We're both on the backseat of their SUV. Siya'y kanina pa tahimik at nasa labas ng bintana ang tingin habang ako naman ay nababaliw na rito.
Napanguso ako bago bumuntonghininga ulit. He tilted his head toward me and furrowed.
"Ano?"
"I was thinking of what you said earlier," Mahina na sinabi ko.
Mahina siyang natawa. "Gagawin mo talaga?" I can even hear the amusement of his voice.
"Malamang kailangan kong gawin iyon in order to be your friend."
He shifted his weight. Nakita ko ang mapungay niyang mata na tumingin sa akin. It seems like he's full attention was on me right now.
"Gustong-gusto mo ba talaga akong maging kaibigan para gawin ang mga bagay na 'yon, Astraea?"
Tumango ako. "Oo. I was serious when I said that I want us to be friends."
"So, you will literally do everything that I will say?" He said in amusement.
"Gusto kitang maging kaibigan, Levi. And I know that I was really a troublesome to you these past few weeks. Kaya gusto ko sanang bumawi… para rin makita mo na maganda ang intensyon ko sa'yo."
Marahan niya akong tiningnan. The amusement in his eyes didn't fade. Hindi ko alam kung para saan iyon.
"Then, you'll gonna have to take care of me, Astraea. Lalo na't may ganito ako sa paa," may ngisi na sinabi niya.
"Oo naman, ‘no," sagot ko sa kanya. "I will take care of you and I promise, I won't cause you any trouble."
He smiled. "Okay…"
Ngumiti rin ako bago dumungaw sa kanya. This is the first that I saw him smiling. He always pulled a long face, ngayon nakangiti siya'y nakakagaan lang sa pakiramdam.
"So, pwedeng kahit wala na iyong ni-request mo kanina? Aalagaan naman kita habang hindi pa okay ang paa mo. Iyon na lang, Levi."
He raised his brows and a devilish smile plastered on his lips. "You are still going to do it. Kasama iyon."
Halos malaglag ang panga ko. "Huh?"
"Sa community service bukas, ikaw ang bahala sa akin."
"Levi!"
I can't believe him! Talagang pahihirapan niya ako?!
Tumingin siya sa akin ng mapang-asar. “Good luck, Astraea!”
Ngumuso ako sa harapan niya. “Ang hirap ng mga request mo, Levi. I was okay taking care of you. Kahit ako na rin ang umako ng gagawin mo bukas! Please…”
“Sabi mo lang kanina, you will do everything. Tapos ngayon, susuko ka na?"
“Wala akong sinabi na susuko na ako!”
“Bakit ka nagrereklamo ngayon?”
Inirapan ko siya. “Hindi ako nagrereklamo! I was suggesting on a better idea.”
“Iyon nga ang gusto ko, eh! Unless, you really don't want me to be your friend kaya ang dami mong reklamo.”
Masama akong tumingin sa kanya. "I will definitely do it!” Mariin na sagot ko.
Sinalubong naman niya ang tingin sa akin. He was now looking at me with his mocking smile.
“Kung magawa mo mga iyon.”
Nayukom ko ang kamao. He knew that his wish was really impossible!
Damn him! I should have a better idea!
“I will do it on my way, Levi.”
Yes! I will definitely! I should start thinking the alternative way to do his wishes. Alam kong imposible ang mga iyon na mangyari kaya dapat may iba akong paraan para gawin 'yon.
That is right, Astraea! Think the other way around!
Nakarating kami sa mansyon nila na naghihintay ang parents ni Levi sa sala. I saw the relief on their faces when they saw their son.
Agad na lumapit si Tita sa anak at sinapo ang mukha ni Levi. Makikita ang badya ng luha sa mata ng matanda.
"Are you really okay, son?" May pag-aalala pa rin sa boses nito.
Levi just smile. "Yes, Mom. I'm fine now. Medyo hindi nga lang makakalakad ng ilang araw."
"Sure ka ba? Wala bang ibang masakit sa'yo? How about your heart? Hindi ba sumakit? Doctor Manzano should check your heart too.”
"Mom, okay po ako. I feel great right now. Paa ko lang po ang napuruhan. Bukod doon, wala na."
Tumango si Tita. "You should be careful next time, okay?" Anito sabay tingin sa akin. "Ikaw din, Hija. Okay ka lang ba?"
"Yes po, Tita. And I'm sorry. Nagulat po kasi si Levi sa akin…"
Nakagat ko ang labi at napayuko na lang. Kinakain na naman ako ng guilt.
"Don't think about it, Astraea," I heard Tito's baritone.
"Bukas na ang community service niyo, hindi ba? Huwag ka na lang kayang sumama? I will just tell your homeroom teachers about this."
"Mommy, I will go. You know it's mandatory."
"Nag-aalala ako, Levi! Accident is everywhere! Baka mapano ka bukas."
"Nandoon naman po si Astraea. She will take care of me… right, Astraea?"
Napatingin ako agad kay Levi. He looks at me with smirk on his lips. I know he was planning on something. Ayoko na lang isipin pa iyon lalo na't malaki ang kasalanan ko sa kanya.
Tita Leanne stares at me. Ngumiti ako sa ginang.
"Ako po ang bahala kay Levi bukas, Tita."
Parang nabunutan ng tinik si Tita. She nodded and went close to me. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Salamat, Hija. You've been so good to us. Hindi na namin alam paano makakabawi."
Umiling ako. "Malaking tulong na po ang pagpapatuloy niyo sa akin sa bahay niyo."
"That's not enough, Hija. Sa dami ng natulong ng pamilya niyo sa amin, kulang pa 'to." It's Tito Peter's.
"What you guys are talking about?" Boses ni Levi na nalilito.
He looked at us. Nasa mga abo niyang mata ang pagkalito. He didn't really know about everything.
"It's nothing, son. Take a rest. Kayong dalawa ni Astraea. Maaga pa kayo bukas."
"Ano ba talaga ang meron? Mom, I know all your friends and I don't remember that you're friends with Astraea's family especially when she's from Cebu. Kung hindi sa Manila, nasa states ang mga kaibigan niyo ni Dad. So, what's with this?"
Napahalukipkip ako ng makita siyang naguguluhan na talaga. I know he will ask about this. Hindi naman siya tanga o manhid para hindi makaramdaman.
He stared back at his parents. Nakataas ang kilay at halata sa mukha niya na gusto niyang makakuha ng sagot sa mga ito.
"Since when you and Astraea's family become friends?" Levi is still asking and I just keep quiet.
Hangga't maari, I don't want to butt in. Baka kasi mabigla siya. Sobrang dami nang nangyari sa mga dumaan na linggo, ayokong dagdagan pa 'yon.
I will tell him soon… not today. Maraming oras para roon. But I couldn't stop thinking if he was curious or asked his parents about his heart donor.
Naisip ko lang kasi mukhang wala na sa kanya ang bagay na 'yon. I'm just wondering if he knew who was his heart donor? O nagtanong na ba siya tungkol doon sa magulang niya? Hindi man lang ba siya curious sa taong iyon?
I don't know… I don't really know.
"We became friends in particular reason," si Tito Peter ang sumagot sa anak.
"Magpahinga na kayong dalawa. Maaga pa bukas."
I heard Levi sighed. Tumingin ako sa kanya. Sakto rin kasi nakatingin siya sa akin.
"Bakit?" Tanong ko.
I saw how his eyes almost rolled. "You said you're going to take care of me!"
Napakurap-kurap ako. "Oo nga. Sinabi ko nga iyon." Hindi ko naman nakalimutan 'yon.
"Help me, then!"
That's when I realized he was on a wheelchair. Hindi siya makaka-akyat sa taas at sa kwarto niya.
"Aw!"
I immediately went near him. Agad ko siyang inalalayan para tumayo.
"Levi, marami tayong kasambahay!"
"Mommy, Astraea is okay with this. Siya raw ang bahala sa akin habang hindi pa magaling ang paa ko."
Gustong umikot ng mga mata ko kaso pinigilan ko. I know he was up to something! Kung ano man 'yon, ayoko nang kontrahin. Ayokong dagdagan pa ang guilt ko sa mga nagawa sa kanya.
"Tita, okay lang po ako," I assured her.
Walang nagawa ang mga ito. I help Levi to get to his room. At dahil mabigat siya at malaking tao, nahirapan talaga ako. Luckily, we finally made up to his room.
Inalalayan ko rin siya papunta sa kama niya. Umupo siya sa kama niya at kinuha ang cellphone mula sa cargo short niya.
He immediately handed me his phone. Napatingin ako sa kanya.
"Save your number so I could just call you when I need something."
"Oh…" tumango ako saka kinuha ang cellphone niya para i-save ang number ko.
Nang matapos, agad kong binalik sa kanya ang cellphone. I smiled at him after.
"Just call me, then. Nasa kwarto lang ako," ani ko.
He nodded. "Hmm…"
I went out to his room. Pumasok ako sa kwarto ko at inayos ang mga dadalhin ko bukas. We still have a morning class tomorrow. Sa hapon ang punta namin para sa community service.
After I fixed my things, I went to my bed and slept. Nagising ako sa alarm clock ko. It's already 5 a.m and I have to prepare for school.
Bumangon na ako. Lumabas sa kwarto ko at pupunta na sana sa baba ng lumingon ako sa kabilang silid. I'm sure Levi is still sleeping. Maaga pa.
I groaned. "I should wake him up."
Mas maganda na 'yon lalo na't hirap siyang gumalaw ngayon. I sighed and walk toward his room. Kumatok ako ngunit walang sumagot.
"Levi, gising na! Maaga tayo ngayon!"
Bumuntonghininga ako nang walang narinig na sagot. Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya. Mabuti na lang at hindi naka-lock.
"Levi, may morning class pa tayo," ani ko habang palapit sa kanya.
I saw him sleeping peacefully. Natigilan ako nang makita siyang tulog. His lips were parted a bit and his thick eyebrows were furrowed.
Nakagat ko ang labi habang nakatingin sa kanya. And when my eyes went down to his chest, hindi ko mapigilan na lumapit pa lalo sa kanya.
Dahan-dahan ang bawat galaw ko. Tahimik ang bawat galaw ko hanggang sa makalapit na ako sa kanya.
I stared at him for a moment before I lowered my head. I slowly put my head on his chest, just enough for me to hear his heartbeat.
At halos mapapikit ako nang marinig ang t***k ng puso niya. It was calm. Ang sarap sa tenga. Napangiti ako.
I'm really glad that he's really okay. Mukhang wala na talagang komplikasyon sa puso niya.
"What are you doing?"
Agad akong lumayo sa kanya at umayos ng tayo.
"G-gigisingin sana k-kita," sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya.
"Gising na ako."
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Alam kong nakita niya ang ginawa ko! Nakakahiya! Baka kung ano ang isipin niya!
Hindi ako makatingin sa kanya kaya nagpatuloy ako. Tumikhim ako.
"O-okay. Baba ka na."
Hindi na ako naghintay sa sasabihin niya agad na akong kumaripas ng takbo palabas ng kwarto ng niya.
Geez! Nakakahiya ka, Astraea!