Guilt
I am in shock! Hindi ko na alam kung paano napunta si Levi sa hospital. Nakarating kami doon na hindi ko alam ang gagawin ko. All I think was him and his situation!
Hindi ko naman alam na madudulas siya. At lalong hindi ko rin alam na magugulat siya, eh hindi ko naman sinadya na gulatin siya ng ganoon. Oh… I was planning pestering his life! But not like this!
What did I do? Lagot ako lalo nito!
"Ano ba kasing nangyari, Astraea? Bakit na aksidente kayo ng ganoon?" Tanong sa akin ni Ate Ising.
"N-nadulas po siya…" mahina na sagot ko sabay yuko.
Lagot talaga ako nito sa parents niya pag nalaman nila ang nangyari! Minus points na naman ako nito sa kaniya. Hindi pa nga kami okay sa ginagawa ko noong nakaraang araw, ito na naman at sinundan ko na naman ang kahihiyan sa buhay niya.
"Namumula ang paa niya! Jusko po!"
Nagtaas ako ng tingin sa babae. "Nasaan po ulit si Levi?"
"Nasa emergency room na."
"Emergency room!" Napalakas ang boses ko sa gulat.
Halos magpantig ang tenga ko. Anong ginagawa niya sa emergency room? Baka napaano siya. Iyong puso niya?!
Dahil sa naisip, agad akong tumaripas ng takbo papasok ng emergency room. Nagpalinga-linga ako roon para makita si Levi dahil maraming tao. When I saw him sitting on the hospital bed, agad akong lumapit sa kaniya.
Bago pa ako makarating sa kanya ay may nakita akong doctor. Imbis na kay Levi ako lumapit, sa doctor muna ako lumapit. I immediately grabbed his hand.
"Doc, I need your help. Nadulas po 'yong kaibigan ko! Paki-check po siya kung okay siya!" Nagpa-panic na ako sa sobrang guilty na nararamdaman.
"Hey, easy. Calm down, Hija."
"Doc, baka nagkaroon ng komplikasyon ang puso niya!" Naghehisterikal na ako sa sobrang kaba.
Nasubsob ako sa dibdib niya kanina no'ng natumba kami! Baka kung anong nararamdaman niya ngayon!
"Astraea, okay lang ako!" I heard a cold baritone voice that made me stop.
Napatingin ako kay Levi. Medyo malayo siya sa akin pero narinig ko ang sigaw niya. Blanko ang ekpresyon ng mukha niya habang nakaupo.
"Levi, I'm on my way to see you," rinig ko namang sinabi ng doctor.
Nagsalubong ang kilay ko. I saw the doctor stared at me. Ngumiti siya ng marahan pagkuwan.
"Is Levi the friend you were telling me?" Tanong niya.
"Opo."
"She's not my friend."
Napalingon ako kay Levi sabay sumangot. Umiling lang siya sa akin habang ang doctor naman ay mahina na natawa. Lumapit siya kay Levi kaya sumunod ako sa kanya.
"Are you okay? One of your maids told me na nadulas ka raw?" Tanong ng doctor kay Levi.
"Yes, doc."
"May I ask why?"
Tumingin sa akin ng masama si Levi. Napanguso na lang tuloy ako sabay yuko sa tabi nila.
"Someone is pestering my life," Levi simply answered.
Tumango ang doctor. Sunuri naman niya ang paa ni Levi na namumula. Nakatingin lang ako sa kanila na tahimik.
"I need to see the result of your ct scan first. Kung okay, saka na kita papauwiin."
Tahimik kami ni Levi na sumunod sa sinabi ng doctor. Sumakay siya sa isang wheelchair. Habang si Ate Ising naman ay lumapit sa amin nang makalabas kami sa emergency room.
"Ano raw?" Tanong niya.
"Kailangan daw pong i-ct scan ang paa ko. I'll be okay, Ate Ising," sagot ni Levi.
"Jusko! Salamat naman at iyon lang!" Ramdam ko na parang nabunutan ng tinik ang babae.
Tumingin si Ate Ising sa akin. "Ikaw muna ang sumama kay Sir. Tatawagan ko lang sila Madame Leanne. Susunod ako."
Tumango ako. "Okay po, Ate."
Nang makarating kami sa isang kwarto, humarap ako agad sa doctor.
"Doc, pwedeng pa-check lahat kay Levi? Lalo na ang puso niya. Kung pwede ipa-full CT scan siya baka kasi may nabale na sa buto niya. O kaya pati ulo niya, i-ct scan niyo na rin kasi tumama sa sahig. For sure lang naman—"
"Astraea, hindi pa ako mamatay," Levi's words cut me off.
Bumaling ako sa kanya. "Hey! Can you stop thinking like that? Natatakot na nga ako kasi kasalanan ko na naman bakit nalagay ka sa ganitong sitwasyon tapos magsasabi ka pa ng gan'yan! I'm just making sure that you're okay especially your heart!"
Ewan ko pero naiyak ako sa sinabi niya. How can he say those words? Hindi niya alam na sobra akong natatakot para sa kalagayan niya tapos sasabihin niya ang ganoon sa akin?
Death scared me the most. Lalo na't kinuha no'n ang kuya ko! Ayokong pati siya mawala! Nakakainis siya! He shouldn't say something like that! Sobrang bigat no'n!
Nakita ko siyang nakatingin sa akin na magkasalubong ang makapal niyang kilay.
"Why are you crying?" He asked then.
Wala tuloy sa sarili na napahawak ako sa pisngi ko. Basa nga 'yon. Natigilan ako.
I cried.
His eyes soften as he stars at me. "Are you that worried over me?"
Nakita ko ang paglambot ng ekspresyon niya. There's something in his eyes. Iba sa palaging kong nakikita sa kaniya.
Suminghot ako bago tumango ako. "I'm scared something might happen to you. It's all my fault, Levi. I'm sorry. I didn't know you'd be slipped. Sa sobrang kulit ko, ikaw ang na aagrabyado ko."
I wiped my tears. Nagiging over-reacting yata ako, pero natatakot talaga ako. It feels like I'm losing my brother again if something might happen to him. Hindi ko mapapatawad ang sarili kung dahil sa akin madisgrasiya siya.
"Masakit lang ang paa ko. Hindi ang katawan ko. Mas lalong hindi masakit ang puso ko. So, it means I'm okay, Astraea." His voice changed. Lumambot ang boses na niya na para patigilin ako.
Suminghot ako ulit. "Talaga?"
He smiled lightly before he nodded. "Yes. Kaya kung ako sa'yo, maghintay ka na lang dito sa labas nang matapos na 'to at makauwi rin tayo."
Tinuyo ko ang pisngi bago tumayo sa harapan niya. "Okay. Dito lang ako sa labas."
He didn't say anything in return. Pumasok sila ng doctor sa loob habang ako'y umupo sa labas. Pinakalma ko ang sarili at iniisip ang mga nangyari nitong mga nakaraang linggo sa aming dalawa.
It's only been a weeks since we first met but it's seems like a lot already happened. Not to mention na puro kaguluhan ang nangyari. Napabuga ako sa hangin.
Ang guilt na nararamdaman ko ay naging doble dahil alam kong magulo talaga ako sa buhay niya. Imagine, we just already knew each for weeks and yet ganito na agad lahat ng nangyari.
I'm really a troublesome for him. Hindi dapat ganoon lalo na't gusto kong maging kaibigan siya. I should do something in return for him to forgive me for all the things that I did to him. Sa lahat ng pagpapahiya, sakit at lahat ng kagagawan ko sa kanya.
I need to do something. Something that will make him feel that it's okay for us to be friends. Kailangan hindi ko siya mapahiya sa katangahan ko. I also need to respect him. Kailangan mapakita ko sa kanya na deserving akong maging kaibigan niya.
Napatango ako sa naisip. I don't want to cause any trouble. I don't want to lose this chance that I have to be close to him. Kailangan kong maipakita sa kanya na totoo ang intensyon ko sa kanya.
Napangiti ako sa naisip. I waited for almost an hour before I stood up. Kailangan kong pumasok sa loob ng kwarto para masigurado na walang ibang masakit kay Levi.
I stepped inside the room and saw Levi. Nakaupo pa rin siya sa wheelchair at may cast na ang paa niya. Nanlaki ang mga mata ko.
"Anong nangyari sa'yo?" I started panicking again.
"Na-strain lang ang paa ko. I need days… much more weeks to recover," sagot niya.
Guilt filled my system again. Agad akong lumapit sa kanya.
"Sorry na talaga, Levi! I know I caused you too much trouble this past few weeks but please, let me do something for you to forgive me. Kahit ano gagawin ko basta maging okay lang tayo ulit. Promise hindi na rin ako mangugulit sa'yo. Basta mapatawad mo lang ako sa mga nagawa ko sa'yo. Simula noong una sa bike lane hanggang dito… sige na. I'll do anything to make it up to you."
I'll do anything… everything to make up it to him. Kahit ano, basta huwag lang siyang magalit sa akin ulit.
"Really? Gagawin mo ang lahat?"
Napataas ulit ako ng tingin sa kanya. I saw him, his lips twist like he was planning on something. Mapungaw ang mga mata ko na tumango sa kanya. Naluluha rin ako at pinipigilan lang.
"Hmm… I promise. I'll do anything to make it up to you."
He raised his brows. "Talaga?"
Parang hindi pa siya makapaniwala na gagawin ko nga ang lahat para lang mapatawad niya. I've never been so guilty in my whole life. Ngayon lang kaya sobrang sarado ng isip ko.
I just want him to know how sorry I am for everything that I did to him in the past weeks since we met. Gusto kong maramdaman niya na sincere ako sa kanya at na maging kaibigan niya.
"Oo nga. I'm sorry for doing this to you… for pestering your life for weeks now."
Mas nakita ko na tumaas lalo ang gilid ng labi niya. I don't know what he's thinking right now but I don't care.
"So, whatever I say, you'll gonna do it? Without hesitation?" May kung ano sa boses niya.
Tumango lang ako na nagsusumamo sa kanya.
"Para magkaayos tayo?" He continued.
"I want us to be a good friend, Levi," I answered him. "That's why I'm doing this. Kasalanan ko naman talaga bakit nangyayari sa'yo ang lahat ng 'to. Kaya para makabawi, gagawin ko ang lahat."
Bahagya siyang lumapit ng kaunti sa akin. Medyo nagulat pa ako kaya napalayo rin ako ng kaunti. A small smirk appeared on his lips… and I don't know, it made me shivers.
"Do you really want me to be your friend, Astraea?" Malalim ang boses na sinabi niya habang nakapaskil ang ngisi sa labi niya.
I nodded once again. "Yes…"
He shifted his weight. "Kung makakaya mong palutangin ang dahon at ibaba ang bituin... papayag na akong maging magkaibigan tayo."
Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. My mouth fell open.
"Huh?" Naguguluhan na tanong ko.
He smirked at me. "You'll do whatever I say, right? Do it, Astraea."
Halos malaglag ang labi ko sa harapan niya. My mouth literally fell open!
"Ang hirap naman no'n, Levi!"
How can I do that? Is that even possible? How?
Kailan pa lumutang ang dahon? At paano ko ibaba ang bituin? Hibang ba siya?
He stared at me with his casual look. "Hindi mo kaya?" Nanghahamon na wika niya.
"Paano ko gagawin 'yon?"
I literally didn't know kung totoo ba siya sa mga sinabi niya. Sobrang hirap no'n! Paano ko gagawin 'yon? Talaga bang pinapahirapan niya ako?
"That's up to you, Astraea. Gusto mong maging kaibigan ko, ‘di ba? Do it."
"Pwede bang iba na lang?"
I heard him chuckle. "No. Iyon ang gusto ko."
Narinig ko na natawa rin ang doctor sa gilid.
"Ang hirap kasi no'n, Levi!" Parang gusto ko g magdabog ngayon sa inis.
Tumaas ulit ang kilay niya. "So, sumusuko ka na?"
Agad naman akong umiling.
"Walang akong sinabi!"
Ay! Bahala na! Kung ito ang paraan para maging kaibigan ko siya, then I have no choice but do it. Kahit na mukhang imposible, pag-iisipan kong mabuti para magawa ko ng tama.
Kaso nga, paano? Ngayon pa lang wala na akong maisip.
"Ang hirap kasi, Levi," Mahina na bulong ko.
"Nakita mo ‘to?" aniya sabay turo sa paa niya. "Bayaran mo."
Bumagsak ang balikat ko.