09: ANG HUKBO NG MGA SAGING

1249 Words
Tahimik ang kusina matapos sabihin ng matandang multo ang katotohanan sa kanyang apo. Ang mansyon… ay isang kulungan. Hindi lang basta bahay. Hindi lang plantasyon ng saging. Kundi, isa itong lugar na nagbabantay sa isang bagay na matagal nang dapat nakabaon sa lupa. Pero sa gitna ng napakabigat na rebelasyong iyon. May isang saging na dahan-dahang lumutang at tumama ulit sa ulo ni Alfred. Tok! “Araaaay!” Napahawak si Alfred sa ulo. “Bakit ako lagi?!” Hindi napigilan ni Sheryl ang tumawa. “Pasensya na… minsan talaga pasaway sila.” “SILA NA NAMAN?!” reaksyon ni Alfred. Napalingon siya sa tatlong saging na paikot-ikot sa hangin. “Bakit parang may sariling barkada ang mga saging dito?!” Sumingit ang lolo niya. "Imported kasi ’yan.” Natahimik si Alfred. Napatingin siya sa lolo niya. “Lolo…” “Ano ’yon?” “Hindi ’yan nakakatawa.” Tumawa bigla ang matandang multo. Habang nag-uusap sila… patuloy na kumakaluskos ang mga dahon sa labas ng mansyon. Pero dahil sa kaguluhan sa kusina, halos hindi na nila napapansin ang pag-atake ng multo na mula sa labas. Hanggang sa.... KRAAAAGGGSSSH! Biglang nabasag ang isang bintana sa sala. Napatalon si Alfred. "Ano ’yon?!” Tumakbo si Sheryl papunta sa hallway. At sumunod si Alfred. Pagdating nila sa sala… nakita nila ang basag na bintana at ang kurtinang hinihipan ng malamig na hangin. May bigat, parang may kasamang galit. Napakunot ang noo ni Sheryl. “May pumasok.” Napatingin si Alfred sa paligid. “Tao o Multo?” “Hindi.” “Masama ba?” tanong ni Alfred. “Mas masama.” Napahawak si Alfred sa dibdib niya. “Hindi ako ready sa ganitong level ng problema…” Biglang umalingawngaw ang isang boses sa loob ng mansyon. Mas mababa, pero malamig. “Constanante…” Nanlaki ang mata ni Alfred. “Okay… narinig ko ’yon.” Sa gitna ng sala… unti-unting nagdilim ang sahig. Parang may usok na umaakyat mula sa pagitan ng mga tiles. Dahan-dahan itong nagkaroon ng hugis. Isa siyang hugis tao, pero hindi buo. Parang gawa sa anino. na parang pinunit mula sa kadiliman. Napaurong si Alfred. "Ano ’yan?!” Mahina ang boses ni Sheryl. "Isa siyang nakakulong na kaluluwa…” Lumapit ang matandang multo. Nanlilisik ang kanyang mata. “Hindi siya basta kaluluwa.” Napatingin si Alfred. “Kundi ano?” “Siya ang mangkukulam.” sagot ng matandang multo Natahimik ang sala. Unti-unting nabuo ang mukha ng anino. Isa rin itong matandang lalaki na may mahahabang buhok at puti na ang balbas. Ang mga mata nito ay parang dalawang butas na walang laman. “Constanante…” ulit ng nilalang. Napahawak si Alfred sa dibdib niya. “Bakit parang galit siya sa akin eh hindi ko naman siya kilala?!” Sumagot ang lolo niya. "Kasi kami ang pumatay sa kanya.” “AY WOW!" Napalingon si Alfred sa lolo niya. "Lolo… pwede bang hindi mo na sabihin ’yan habang nandito siya?!” Parang narinig iyon ng anino. Unti-unting lumapit ang itim na anino mula sa labas. Hindi ito naglalakad, kundi lumapit siya na parang galit na usok, na dumudulas sa sahig. “Ang lupang ito…” bulong ng mangkukulam. “…ay akin.” “Hindi kailanman.” Sumagot ang matandang multo, ang Lola ni Alfred. Biglang lumakas ang hangin sa loob ng mansyon. Lumipad ang mga kurtina. Nagkalansing ang mga plato sa kusina. At... lumipad ulit ang mga saging. Nagpaikot-ikot sa hangin at lumipad ito, diretsong tumama sa mukha ng anino na galing sa labas. PAK! PAK! PAK! Natahimik ang lahat. Maging ang mangkukulam ay parang napahinto. Napatingin si Alfred sa mga saging. "…salamat?” Biglang sumigaw ang mangkukulam sa galit. Nagliyab ang kadiliman sa paligid niya. “CONSTANANTE!!!” Napayuko si Alfred. “Hindi ko kasalanan ’yon! Sila ’yon!” Tinuro niya ang mga saging, na tahimik na nakalutang sa gilid. Parang inosente'ng mga bata na natatakot na ngayon sa nakakatanda. Lumapit si Sheryl kay Alfred. “Hindi pa siya ganap na malakas.” “Talaga?” “Kung malakas na siya… patay na tayo.” sunod na sinabi ni Sheryl. “Wow, comforting na naman.. sinabi mo pa talaga..” Napabuntong-hininga si Alfred. "Okay… question.” Napatingin si Sheryl. “Ano?” “Paano natin lalabanan ’yan?” Sumagot ang lolo niya. "Hindi ninyo.” “Excuse me?!” paglilinaw ni Alfred. “Ang trabaho mo… ay bantayan ang kulungan.” sagot ng matandang multo sa tabi ni Alfred. Napatingin si Alfred sa sahig. "Kulungan…” Tumango ang matanda. “Nasa ilalim ng mansyon ang tunay na selyo.” Napakunot ang noo ni Alfred. “Basement?” “Mas malalim pa.” “Secret dungeon?” pangalawang tanong ni Alfred. “Pwede.” Napahawak si Alfred sa ulo niya. “Bakit parang lumalala ang buhay ko bawat minuto…” Biglang nagsimulang gumalaw ang sahig ng sala. Grrrrrrr…uuuuhhhh Parang may bumubukas sa ilalim. Sumunod ay unti-unting naghiwalay ang mga tiles. At sa gitna ng sala… may lumitaw na isang lumang pintuan na bakal. Kinakalawang na ito, senyales na napagiwanan na ng panahon. At may mga simbolo na hindi maintindihan. Napaatras si Alfred. "Okay… hindi ko alam ’yan.” Napatingin si Sheryl sa pinto. “Ang selyo…” Tumango ang matandang multo. "Diyan siya nakakulong.” Biglang tumawa ang mangkukulam. Isang nakakakilabot na tawa. "Hahahah. Huli na…” Unti-unting nag-c***k ang mga simbolo sa bakal na pinto. Tik… tik… tik… Napatingin si Alfred. “Lolo…” “Ano ’yon?” “Parang nasisira.” “Oo nga no...” sagot ng matanda matapos ito makita. “Hindi ba dapat ayusin natin ’yon?!” sagot ni Alfred “Oo.” “E bakit nakatayo lang tayo?!” reaksyon ni Alfred. Sumunod ay biglang bumukas ang kalahati ng pinto. Lumabas ang isang napakalakas na bugso ng malamig na hangin. Iyon ay parang galing sa ilalim ng lupa. Kasama nito ang mga bulong, napakaraming bulong na binibigkas sa hindi maiintindihang lingwahe. Napahigpit ang kapit ni Alfred sa braso ni Sheryl. "Okay… hindi na ’to funny.” Sumagot si Sheryl. “Hindi talaga.” Biglang lumutang ang lahat ng saging sa kusina... Lahat. Dose-dosenang saging na bumuklod sa bawat grupo, parang hukbo ng sandatahang Pilipino. Napatingin si Alfred. "…army ba ’yan?” Tahimik na sinabi ng lolo niya. “Proteksyon ng lupa.” Unti-unting pumwesto ang mga saging sa harap ng pintuan, na parang mga sundalo. Natahimik si Alfred. Tumingin siya uli sa lolo niya. Tapos balik sa hukbo ng mga saging. Tapos kay Sheryl. “Alam mo…” Huminga siya nang malalim. “…kung ikukuwento ko ’to sa ibang tao…” “Hindi sila maniniwala.” sagot ni Sheryl. “Oo nga.” Unti-unti siyang napangiti. “Pero at least…” Tinignan niya si Sheryl. “…hindi boring ang buhay ko.” Napailing si Sheryl. "Tumahimik ka at bantayan mo ang iyong lupa” Kasabay nito ay may kung anong gumalaw sa ilalim ng sahig. Isang napakalakas na kalabog ang umalingawngaw mula sa kailaliman ng mansyon. BOOOOM! Nanlaki ang mata ng matandang multo. "Hindi maaari…” “Ano na naman?!” Mahina niyang sinabi ni Alfred. “May ibang bagay na gumigising sa ilalim…” Napatingin si Alfred sa pinto. “Mas malala pa sa mangkukulam?” Tumango ang matanda, saka tahimik na sinabi.. “Mas matagal na siyang nakakulong.” At sa kailaliman ng lupa, may dalawang mata ang biglang nagbukas sa dilim. At sa unang pagkakataon matapos ang isang siglo, may halimaw na nagising sa ilalim ng mansyon ng mga saging.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD