Isang napakalakas na kalabog ang muling umalingawngaw mula sa ilalim ng mansyon.
BOOOOM!
Parang may dambuhalang kamao na bumabangga sa ilalim ng sahig.
Nanginginig ang buong sala. Kumalansing ang chandelier sa kisame at halos mahulog ang isang lumang painting ng ninuno ng pamilya Constanante.
Napahawak si Alfred sa mesa. "Okay… hindi na talaga funny ’to.”
Sa gitna ng sala, ang kalahating bukas na bakal na pintuan ay patuloy na umuungol.
Grrrrrrr…
Parang may humihila mula sa ilalim.
Ang malamig na hangin na lumalabas doon ay parang hininga ng isang bagay na matagal nang hindi nakakita ng liwanag.
Sa tabi ni Alfred, nakatayo si Sheryl. Kahit isa siyang kaluluwa ay ramdam pa rin niya ang takot. "Hindi na nga maganda ’to…”
Napatingin si Alfred. "Yung mangkukulam ba ’big mong sabihin?”
Umiling ang matandang multo na lolo ni Alfred. “Hindi.”
“Mas masama pa?”
Sandaling natahimik ang matandang multo, bago sumagot. “Mas matagal siyang nakakulong.”
“Great…” bulong ni Alfred. “Fantastic news.”
Sa kabilang gilid ng sala, ang anino ng mangkukulam ay muling nag-anyo. Parang lumalakas ang kanyang presensya habang nababasag ang selyo sa ilalim. Sumunod, ay unti-unti siyang tumawa.
"HAHAHAAHA"
Isang tuyong tawa na parang kinakalawang na pinto.
“Sa wakas…” Umangat ang kanyang madilim na mukha. "…nagigising na siya.”
Nanlaki ang mata ni Alfred. "Wait… may kakampi ka pa?!”
Hindi sumagot ang mangkukulam.
Sa halip ay naglabas siya ng usok mula sa katawan niya na gumapang sa sahig.Parang mga itim na ugat na lumalapit sa bakal na pintuan.
Napansin iyon ni Sheryl. "Teka! Pinapalakas niya ang selyo para mabasag!”
Napalingon si Alfred. "Paano natin pipigilan ’yan?!”
Ngunit bago pa makasagot si Sheryl, ay lumipad ang isang buong kumpol ng saging mula sa kusina. Dosena, may sampo at tatlumpo. Ito ay nagmistulang parang dilaw na missile.
PAK! PAK! PAK!
Tinamaan ang mangkukulam sa ulo, dibdib, at mukha. Napaatras ang kanyang anino.
Napatingin si Alfred sa mga saging. "…I love this house.”
Ang mga saging ay nag-hover sa hangin, paikot-ikot na parang maliliit na helicopter. Parang proud pa ang mga ito.
“Protektor sila ng lupa,” sabi ng lolo niya.
“Hindi ko akalaing may araw na aasa ako sa saging para mabuhay.” paliwanag ni Alfred na tila naglabas ng totoong saloobin.
Ngunit pagkatapos, ay muling umalingawngaw ang kalabog mula sa ilalim.
BOOOOM!
Iyon ay isang malakas na kalabog. Nag-c***k ang sahig ng sala. Ang bakal na pintuan ay unti-unting bumukas ng mas malaki. Mula sa loob… may maitim na usok na lumabas. Pero hindi lang ito basta usok lang, dahil ito ay may amoy, amoy lumang lupa at kung ano pang nabubulok sa ilalim ng mundo.
Napaatras si Alfred. "Hindi ko gusto ’yan…”
Biglang may narinig silang mabigat na paghinga mula sa ilalim.
Hooooooo… Hooooooo…
Parang isang dambuhalang nilalang na kakagising lang.
Nanlaki ang mga mata ng lolo ni Alfred. "Hindi maaari…”
“Ano na naman?!” sigaw ni Alfred.
Mahina ang boses ng matanda. "Ang Tagabantay…”
Napakurap si Alfred. "Ang ano? may another tagabantay pa?!"
“Ang tagabantay ng sumpa.” sunod na sinabi ng kanyang lolo na multo.
Napatingin si Sheryl sa pinto. "Akala ko alamat lang ’yon…”
“Hindi.”
Napaupo si Alfred sa sofa. "Of course not…”
Biglang may gumalaw sa loob ng butas ng pintuan.
Isang napakalaking kamay ang unti-unting lumabas. Ito ay kulay abo, magaspang na parang bato. May mga ugat ng itim na usok na gumagalaw sa balat nito.
Napasinghap si Alfred. "Okay… hindi na ’to usaping multo. Guys! baka may paraan pa para tumigil ang lahat nang ito. Any idea?"
Sumunod ang isa pang kalabog. Lumabas ang kalahati ng ulo ng nilalang. Ito ay malaki, halos kasing laki ng ulo ng isang kotse. Ang mga mata nito ay kulay kahel na parang baga. At nang bumuka ang bibig nito, ay may lumabas na usok na parang lava.
Napaupo si Alfred nang tuluyan. "Patay na!"
Hindi na niya pinigilan. “Patay na tayo.”
Tahimik na nagsalita ang lolo niya. "Hindi pa.”
“LOLO MAY HALIMAW SA SALA!” sigaw ni Alfred.
“Protektor iyon ng selyo.”
“PROTEKTOR?!” reaksyon ni Alfred.
Tumango ang matanda na multo. "Kung buhay siya… ibig sabihin buo pa ang kulungan.”
Napatingin si Alfred sa halimaw, na kasalukuyang sinusubukang lumabas sa sahig ng sala. "Hindi siya mukhang protector… mukha siyang demolisher.”
Biglang sumigaw ang anino ng mangkukulam.
"Lumabas ka!”
Tumingin ang halimaw sa kanya. At sa isang iglap, isang higanteng saging ang lumipad sa hangin, diretso sa bibig ng halimaw.
PLOK!
Natahimik ang sala. Maging ang halimaw ay napakurap.
Napalingon si Alfred sa kusina. "Seriously?”
Isang buong kumpol ng saging ang lumutang na parang proud na sundalo. Biglang ngumanga ang halimaw, at ngumanga ulit. Pagkatapos ay nilunok ang saging.
Glok.
Natahimik ang lahat. Unti-unting nagliwanag ang mga mata ng halimaw. At sa pagkakataon na ito, biglang siyang nagsalita. Isang malalim na boses na parang lindol. "Masharap…”
Napakurap si Alfred. “Excuse me?”
Napakamot ang halimaw sa ulo nito. "May… iba pa ba?”
Natahimik ang buong sala. Napatingin si Alfred kay Sheryl. “…ang halimaw, gusto niya ang saging..."
Sumagot si Sheryl. "Plantasyon kasi ng saging ’to.”
Lumapit ang halimaw nang kaunti sa sahig. Parang aso na naghihintay ng pagkain.
“Gutoooom…”
Napahawak si Alfred sa ulo niya. “Hindi ko alam kung matatakot ako o magbubukas ng fruit stand.”
Napailing ang lolo niya. “Siguro… kung pakainin natin siya… hindi siya magwawala.”
Napatingin si Alfred sa hukbo ng saging. at dahan-dahan siyang tumayo.
“Kayo…” Tinuro niya ang mga lumulutang na saging.
“National heroes ko kayo ngayon.”
Pagkatapos magsalita ni Alfred ay tila naiintindihan siya ng mga saging na may sariling isip. Sapagkat biglang lumipad ang dose-dosenang saging papunta sa bibig ng halimaw.
Glok! Glok! Glok!
Tahimik na ngumanga ang halimaw habang kumakain. Parang bata sa isang birthday party.
Sa gilid ng sala… ang mangkukulam ay nanlilisik sa galit. Hindi niya inaasahan ang ganitong eksena, kaya sumigaw siya.. "Isa kang hangal!”
Pero bago pa siya makagalaw uli, ay isang saging ang lumipad sa mukha niya.
PAK!
Napahawak si Alfred sa dibdib niya habang nanonood, “Hindi ko akalaing darating ang araw na ang buhay ko ay nakasalalay sa lumilipad na saging.”
Ngumiti si Sheryl. “Masasanay ka rin.”
Huminga nang malalim si Alfred. Pagkatapos ay napangiti. "Alam mo…”
“Ano?”
“Kahit kaluluwa ka na…”
Napatingin si Sheryl sa kanya.
“…ang saya mong kasama sa apocalypse.” dugtong ni Alfred.
Napairap si Sheryl. Pero hindi niya napigilan ang maliit na ngiti.
Habang masayang kumakain ng saging ang halimaw na tagabantay ng sumpa sa gitna ng sala. Ang mangkukulam ay lalong nagngangalit sa galit.
Napahawak si Alfred sa dibdib niya habang nanonood, “Hindi ko akalaing darating ang araw na ang buhay ko ay nakasalalay sa lumilipad na saging.”
Ngumiti si Sheryl. “Masasanay ka rin.”
Huminga nang malalim si Alfred. Pagkatapos ay napangiti. "Alam mo…”
“Ano?”
“Kahit kaluluwa ka na…”
Napatingin si Sheryl sa kanya.
“…ang saya mong kasama sa apocalypse.” dugtong ni Alfred.
Napairap si Sheryl. Pero hindi niya napigilan ang maliit na ngiti.
Masayang kumakain ng saging ang halimaw na tagabantay ng sumpa, sa gitna ng sala, parang wala itong pakialam sa tensyon na bumabalot sa buong mansyon.
Pero sa oras na ito, ang multo ng mangkukulam ay lalong nagngangalaiti sa galit.
Si Alfred ay napapailing habang nakatitig dito.
“Hindi ko talaga maintindihan ang buhay ko ngayon…” bulong niya. “May multo na nga akong kasama, may multong halimaw pa sa sala. Ang matindi pa, ay saging lang ang makaka talo sa lahat. Amazing!"
Bahagyang napangiti si Sheryl ng marinig ito.