👻 ANG PUTING VAN AT ANG ANINO SA DILIM

2044 Words
“Pasensya ka na...” bulong ni Alfred kay Sheryl. “Bakit?” “Pag nakikita kitang nakaupo sa harap ko, hindi ko maiwasang kausapin ka.” Napangiti si Sheryl ng bahagya. “Matagal nga kitang pinagmamasdan bago mo ako kinausap kagabi...” Napakunot ang noo ni Alfred. “Talaga?” “Oo... Mag-isa ka lang kasi sa dalampasigan... parang may iniisip ka.” sinabi ni Sheryl. At napatawa siya nang mahina. "Ibig sabihin ikaw ang nambato sa akin kagabi?" Bahagyang napahagikhik si Sheryl. "Oo" "Bakit mo ginawa yon?" "Gusto lang kitang subukan.. di ko naman akalain na matatamaan ka" paliwanag ni Sheryl. "Nakakahawak ka ng mga bagay, pero hindi kita mahahawakan?" "Parang ganoon na nga.." paga-amin niya. “Future ko...” “May problema ka?” Napatingin siya sa dagat. “Hindi ko alam kung anong gusto kong gawin. May negosyo ang pamilya namin sa Davao. Malawak na plantasyon ng saging. Gusto nila bumalik ako doon at tumulong. Pero hindi ko alam kung iyon ba talaga ang gusto ko.” Tahimik na nakinig si Sheryl. “Ang swerte mo...” sabi niya. “Bakit?” “May pamilya kang naghihintay sa’yo. May direksyon ka. Ako... hindi ko alam kung may naghahanap ba sa akin.” Tumahimik si Alfred. Biglang may dumaan na batang lalaki sa likod ni Sheryl. Tumagos ito sa kanya nang hindi namamalayan. Napapikit siya. “Masakit?” tanong ni Alfred. “Hindiii... pero parang may nawawala tuwing nangyayari iyon.” May kung anong kumurot sa puso niya. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “Parang... paunti-unti akong kumukupas.” Napatigil siya. “Hindi puwede iyon.” “Siguro kailangan ko nang umalis...” “Hindi...” mabilis niyang sagot. Nagulat si Sheryl. “Bakit?” “Dahil hindi ko pa alam kung sino ka... at bakit ako lang ang nakakakita sa’yo.” Saglit silang nagkatitigan. May kung anong namuo sa pagitan nila. Iyon at isang tahimik na pangako. Kinahapunan... Nagpasya si Alfred na umuwi na sa Davao. “Hindi ba maaga pa?” tanong ni Tito Raul. “May kailangan akong asikasuhin doon.” Hindi niya sinabi ang totoo. Sumakay sila ng sasakyan. Habang umaandar ang kotse, nakaupo si Sheryl sa tabi niya. Nakatingin lang sa mga tanawin na parang unang beses niyang makita ang mundo. “Ang ganda pala talaga, ng Pilipinas...” bulong niya. Napangiti si Alfred. “Hindi mo ba maalala kung saan ka nakatira?” Umiling siya. “May pakiramdam ako na malapit lang... parang dito rin sa Davao.” Mas lalong naging seryoso ang mukha ni Alfred. “Kapag nakarating tayo sa bahay namin... doon ka muna.” Napatingin si Sheryl sa kanya. “Sa bahay mo?” “Oo... kung may koneksyon man kung bakit ako lang ang nakakakita sa’yo, baka doon natin malaman.” Tahimik siya sandali. “Hindi ka ba natatakot na baka may mangyari sa’yo?” “Tulad ng ano?” “Baka mapahamak ka dahil sa akin.” Huminto sandali ang sasakyan sa traffic light. Tumingin si Alfred sa kanya. “Kung mapapahamak man ako... gusto kong malaman muna kung bakit.” Napatitig si Sheryl sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero sa unang pagkakataon sa loob ng isang buwan, nakaramdam siya ng init. Hindi lamig. Hindi takot. Kundi init. Pagsapit nila sa malaking mansyon ng pamilya Constanante sa Davao, napahinto si Sheryl. Malawak ang bakuran nito. May matataas na gate. Ay maliwanag ang ilaw sa loob. Parang...parang may naaalala siya. “Anong nangyayari?” bulong niya habang hinahawakan ang ulo. “Sheryl?” nag-aalalang tanong ni Alfred. May sumagi sa kanyang isipan. Isang lalaki na nakasuot ng itim. Isang tawag sa telepono, at may sigaw...At ang puting van. Napahawak siya sa pader. “May naaalala ka?” tanong ni Alfred. “May naghabol sa akin...” nanginginig niyang sagot. “Sheryl...” “May galit sa pamilya ko...” Napatigil si Sheryl.. Ang pamilya niya. May pamilya pa siya. “Anak ako ng negosyante...” bigla niyang sabi. Nanlaki ang mata ni Alfred. "Sigurado ka?” “Oo... may mansyon din kami... may mga tao sa paligid... at may kaibigan ako... may bestfriend ako...” napahagulhol siya. “Hindi ko maalala ang mukha niya...” Lumapit si Alfred at tumayo sa harap niya. “Okay lang... dahan-dahan lang.” Unti-unting kumalma si Sheryl. Sa loob ng mansyon, hindi nila alam na may isang pares ng matang nakamasid sa kanila mula sa bintana sa ikalawang palapag. Si Lola Beatriz. Napakunot ang noo ng matanda habang pinagmamasdan ang apo na tila may kausap sa hangin. “May kasama na namang hangin ang batang iyon...” bulong niya. Hindi pa niya alam... na ang hangin na iyon... Ay isang kaluluwang hindi pa handang magpaalam... Tahimik ang gabi... ngunit sa loob ng isipan ni Sheryl, parang may bagyong handang manalanta anumang oras. Ang mga alon ay marahang humahampas sa dalampasigan, tila ba may sariling lihim na ibinubulong sa dilim. Ang buwan ay nakabitin sa kalangitan, malamlam ang liwanag, sapat lamang upang iguhit ang anino ng isang babaeng naglalakad nang mag isa sa buhanginan. Si Sheryl. Mabagal ang kanyang mga hakbang ngunit mabilis ang t***k ng kanyang puso. Sa isip niya, natutulog na si Alfred sa kanyang kwarto. Gaya ng nakasanayan. Tahimik at malayo siya sa resort. Parang may pagitan na hindi masukat ng distansya. Humigpit ang kanyang pagkakayakap sa sarili nang maramdaman ang malamig na hangin mula sa dagat. Ngunit hindi iyon ang nagpapalamig sa kanyang damdamin. "Isa na akong kaluluwa, ngunit bakit nakakaramdam ako ng lamig." nasabi niya ito matapos siyang hampasin ng isang malaki at namumuong hangin mula sa malayo. Ang nangyari ay hindi nagdulot sa kanya ng isang pangamba o pagtataka man lang, kundi ang isang paghampas sa kanya ng isang masamang alaala. Isang puting van. Ang mga sigaw. Isang gabing kasing dilim ngayon. Napapikit siya saglit at pilit itinaboy ang mga imaheng pilit bumabalik. Ayaw niya munang isipin iyon. Hindi ngayon. Hindi habang naririnig niya ang pagragasa ng alon na tila kumakatok sa kanyang alaala. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Mabilis na ngayon ang kanyang hakbang, para bang may hinahabol... o tinatakasan. “Hindi ito totoo...” bulong niya sa sarili. Ngunit kasabay ng pagbugso ng hangin ay may narinig siyang yabag. Huminto siya. At nanlaki na lamang ang kanyang mga mata. Huminga siya nang malalim at dahan dahan siyang lumingon. Wala. Walang tao, at wala na kahit anino.. Tanging ang kanyang sarili lang ang naririnig, na hinahabol ng alon at unti unting binubura. Napasinghap siya at muling naglakad, mas mabilis pa kaysa kanina. Ngunit sa bawat hakbang, pakiramdam niya ay may matang nakamasid. May presensyang sumusunod. “Sheryl...” parang may boses na sumabay sa hangin. Napahinto siya muli. Hindi iyon guni guni, iyon ay malinaw na narinig niya. “Sheryl..." mas malinaw na boses, at mas malapit. Napaatras siya. “Alfred?” halos pabulong niyang tawag. Ngunit ang sagot ay isang malakas na hampas ng alon na tila sumabog sa dalampasigan. At doon niya nakita. Sa di kalayuan, may isang aninong nakatayo malapit sa tubig. Hindi gumagalaw. Hindi malinaw ang mukha. Ngunit ramdam niya ang titig nito. Napatda siya. Bumilis ang t***k ng kanyang puso. Ilang hakbang ang ginawa niya papalapit sa anino. Isang hakbang pa. At sa sandaling tinamaan ito ng liwanag ng buwan, bumaliktad ang kanyang sikmura. Dugo. May bahid ng dugo ang damit ng nakatayong anino. At sa likuran nito... Isang puting van ang tila nakaparada sa gitna ng dilim, kahit imposibleng naroon iyon sa dalampasigan. Umiling si Sheryl. “Hindi ito totoo...” nanginginig niyang sabi. Ngunit biglang bumukas ang pinto ng van. Isang malakas na kalabog ang umalingawngaw sa kanyang tenga. At sa isang iglap, bumalik ang lahat sa nakaraan. Ang mga lalaking naka itim. Ang pagkakasakal sa kanyang braso. Ang pagtili niya at ang nangyaring pagbanga. “Takbo!” mga boses nang nagsisigawang mga lalaki. Napamulat siya ng ilang beses. At tila naninikip ang dibdib niya habang naaalala ang pangyayari. Sapagkat alam niya na iyon ang dahilan ng lahat.. Ang pangyayaring hindi niya inaasahan, at hindi niya matanggap. “Alfred?” sigaw niya ngayon, puno ng takot. Naalala niya si Alfred, ang lalaking tanging nakakakita at nakakausap niya. Ngunit malayo na siya sa resort, kailangan niyang gumapang para bumalik sa piling ni Alfred. At iyon ay gagawin niya. Ngunit sa halip na makalayo sa lugar na kinaroroonan niya, ang aninong nasa harapan niya ay biglang naglaho. Kasabay nito, naglaho rin ang puting van. Tahimik muli ang dalampasigan. Para bang walang nangyari. Humihingal si Sheryl habang umiikot ang paningin sa paligid. Nanginginig ang kanyang tuhod. Hindi niya alam kung guni guni lamang iyon o may mas malalim na kahulugan. Ngunit isang bagay lang ang malinaw sa kanya, ito ay hindi siya nag iisa. May kung anong humahatak sa kanya para bumabalik. Ang bumalik sa piling ni Alfred. May katotohanang pilit umaahon mula sa kailaliman ng kanyang alaala... gaya ng alon na hindi mapipigilan. At sa mismong sandaling iyon, may boses na parang dumampi sa kanyang balikat. Napasinghap siya at mabilis na napalingon. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Alfred. Si Alfred na totoong taong nakakakita sa kanya, Isang taong buhay na buhay, at nakatayo sa kanyang likuran, magulo ang buhok, tila kagigising lamang. Ngunit ang mga mata nito ay hindi mapakali, bakas ang pagaalala, na parang kanina pa siya hinahanap. “Akala ko natutulog ka...” nanginginig na wika ni Sheryl. “Hinahanap kita,” sagot nito, mariin ang tono. “Bakit ka naglalakad sa ganitong oras? Tsaka next time, magpa-alam ka sa akin" Hindi agad nakasagot si Sheryl. Pinagmasdan niya ang mukha ng lalaki. Walang dugo. Walang bahid ng kahit ano. Ngunit sa kanyang isipan, sariwa pa ang imaheng nakita niya. “May nakita ako...” bulong niya. “Kailan ka pa natutong matakot sa dilim?” pilit ngumiti si Alfred, ngunit hindi umabot ang ngiting iyon sa kanyang taenga, at nagcross ng kanyang mga braso. Napatingin si Sheryl sa braso nito. “May nakita lang kasi ako..” mabilis nitong sagot. Ngunit ang alon ay muling humampas nang malakas, tila ba tumututol sa sagot na iyon. Dahan dahang lumapit si Alfred kay Sheryl. “May bumabalik sa alaala ko, Alfred...” diretso niyang sabi. “At pakiramdam ko... malapit ko na maalala ang nakaraan ko.” Isang malamig na hangin ang dumaan sa pagitan nila. Sa unang pagkakataon, hindi lang si Sheryl ang nanginginig, kundi si Alfred ay kinakabahan na rin. At dito na naikuwento ni Sheryl ang nangyari kanina.. Tahimik ang gabi... ngunit sa loob ng isipan ni Sheryl, parang may bagyo na bumabalot. Nadagdagan pa ito, nang biglang nakita niya ang isang anino na tila nakatingin sa kanya at ang puting van sa likod nito. Biglang nag-flash sa kanya ang isang alaala, isang eksenang hindi niya lubos maipaliwanag, ngunit ramdam niya ang bawat takot at pangamba sa kanyang katawan. Nasa loob siya ng isang puting van. Ang mga lalaking may balot ng itim ang ulo, ay nakapaligid sa kanya. Ang mukha nila ay mabagsik, malamig, at walang pakundangan. Sinubukan niyang lumaban, at sumigaw, subalit ang bawat pag-ikot ng kanyang katawan ay parang pinipigil ng invisible na tanikala. “Tumahimik ka!” sigaw ng isa sa kanila. Ngunit hindi siya makakibo. Ang pintig ng puso niya ay bumibilis, na parang sumasabog ang kanyang dibdib. Ang mga salita ng lalaki ay parang boses mula sa ilalim ng lupa, nakakapanibago at nakakatakot. Nang biglang... nawalan ng kontrol ang driver ng van. Ang manibela ay kumatok sa kanyang mga kamay, at sa isang iglap, ang puting van ay lumusong sa madilim na kalsada, tumatalbog sa bawat lubak, tila hinahatak ng isang puwersang hindi niya makita. “Ahhh!” sigaw niya, hindi na nakontrol ang takot. Ang bawat segundo ay parang isang siglo. Ang malamig na hangin ay dumaan sa kanyang mukha, at ramdam niya ang matinding kawalan ng kapanatagan. Ang mga ilaw ng kalye ay nagkaroon ng mabilis na flashes, at ang mga anino ng mga puno ay nagmistulang mga demonyo sa kanyang paligid. Ang van ay lumundag at dumampi sa poste. Isang matinding dagok, dugo, at sakit... at ang mundo niya ay naging puti at itim. Sa huling sandali bago tuluyang mawalan ng malay, narinig niya ang isang boses sa kanyang isip, malambing ngunit matatag. “Sheryl… Sheryl…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD