KABANATA 40

2243 Words

Akmang isusulat na ni Hayden ang sunod na salita mula sa pinakokopya ng kanilang adviser nang mapadalawang-sulyap siya sa gawi ni Reyshan. Namilog ang kanyang mga mata nang makitang naghahanda na ito sa pag-alis dahil kasalukuyan na nitong inililigpit ang mga gamit. Ang kondisyon din kasi ng kanilang adviser ay puwede nang umuwi ang mga tapos nang magsulat kaya batid niyang paalis na ang kanyang nobya. Nataranta si Hayden at nagmamadaling tinapos ang kinokopya. Wala na rin siyang pakialam pa kahit nagmumukha nang kinayod ng manok ang kanyang sulat-kamay dahil ang mahalaga lang sa kanya ng mga panahong iyon ay si Reyshan. At ang makasabay rin ito sa paglalakad pauwi kahit magkaiba sila nang daang uuwian. At kahit sabihin din na mukhang kinalimutan na siya nito matapos ang dalawang araw na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD