Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon nga ay nasa huling taon na sila sa highschool. Bagama't lumilipas ang mga araw at buwan ay walang nagbago sa relasyon nila ni Hayden. Pakiramdaman pa nga niya’y mas lalo pang tumingkad iyon at tumatag. At kahit madalas ay busy ito bilang isa nang ganap na C.A.T officer ay hindi pa rin nito kinaliligtaan ang bigyan siya ng oras at panahon kahit hindi naman niya iyon hinihingi sa nobyo. Nagbago man ang mga araw at panahon pero hindi nagbago ang pagkakaroon nang pagtingin ng ilang kababaihan kay Hayden. Naroon pa rin sa mata ng mga ito ang paghanga at paghahangad. Naroon pa rin sa puso ng iba ang inggit sa relasyong mayroon silang dalawa. Hindi niya mapipigilan ang damdamin ng mga ito pero natuto siyang ilugar ang selos niya. Natuto siyang ilugar an

