Sabay-sabay na inihagis ng lahat ng mga estudyante ang kanilang toga bilang hudyat nang pagtatapos ng kanilang graduation—ng kanilang buong taong pamamalagi sa highschool. Masaya ang lahat pero nakikihati rin doon ang lungkot lalo na’t umpisa na iyon ng kanilang paghihiwa-hiwalay, nang pagtahak sa kanilang mga sariling landas patungo sa kanilang mga sariling pangarap. Ngunit gayon pa man, pinili ng lahat na waglitin ang lungkot upang tanggapin ang hinaharap at katotohanan. “Congratulations sa ating lahat!” masayang bati ni Leonora. Bago sila magpasyang magsipag-uwian upang i-celebrate ang kanilang pagtatapos sa highschool ay kanila munang minabuti na magkita-kita sa labas ng gymnasium; matapos ding magpaalam sa kanilang mga magulang sa nais gawin bago umuwi at mag-celebrate. Kasama ni

