Tulalang nakatitig pa rin si Reyshan mula sa natanggap na text message galing kay Hayden. Dulot yata ng puyat, stress at pressure na dala nang kanilang nalalapit na final defense ay parang nablangko na ang isip niya. Hindi mag-process sa isip niya ang sinabi nito. Parang wala siyang maramdaman at naisip na lang kalaunan na nagbibiro lang ito. Four years na silang magkasama. Four years na ang relasyon nila at sa darating na Abril nga ay ang ikalima nilang anibersaryo. Magfa-five years na rin sila! Ano’ng naisip nito at gusto nitong makipaghiwalay sa kanya? Maayos naman sila. Wala naman sila naging problemang dalawa kahit bihira na lang silang magkita dahil nga sa Maynila ito nag-aaral. Hindi rin naman nawawala ang komunikasyon sa pagitan nilang dalawa dahil nagsisikap pa rin silang pareh

