Hindi na napigilan pa ni Reyshan ang sarili na muling humagulgol habang ang mga palad ay nakatakip sa kanyang mukha. Nanginginig din ang kanyang katawan dahil sa mga emosyon na rumaragasa ngayon sa kanyang damdamin. Wala na rin talaga siyang pakialam pa sa kanyang mga kaklase na nakaririnig ng kanyang pagpalahaw. Nang bawat hikbi niya. Nang mga nagtatanong kung napaano siya. Agad na dinaluhan siya ng kanyang dalawang matalik na kaibigan na lumuluha na rin dahil sa sitwasyon na kinauusungan niya. Niyakap siya ni Jane at Leonora at hinayaan ng dalawa na ubusin niya ang kanyang mga luha ng mga sandaling iyon. Hindi alam ni Reyshan kung gaano siya katagal na umiyak sa bisig ng mga kaibigan. Pinahid niya ang mga luhang namalisbis sa kanyang mga pisngi habang pilit na kinakalma rin ang sarili

