Naiwang tulala si Hayden sa bilis ng mga pangyayari. Napukaw lamang ang kanyang atensyon nang may humawak at marahang humaplos sa kanyang bisig. Ibinaba niya ang kanyang tingin upang makita lamang ang mukha ni Andrea at ang simpatya na nakabalatay sa mukha nito. “Uuwi na muna ako. Sabay na tayo ulit lumuwas ng Maynila bukas ha, hintayin mo ako.” tipid itong ngumiti sa kanya. Hindi siya umimik sa sinabi nito. Nanatili lang din siyang tahimik at malayo ang lakbay nang isip hanggang sa makaalis ito. “Anak,” nag-aalalang saad ni Ingrid nang lapitan ang bunso. “Ano’ng nangyari sa inyo ni Reyshan? Bakit siya umiiyak? At tama ba ang narinig ko kanina, nakikipaghiwalay siya sa ‘yo?” Sa mga sinabi ng ina ang muling umagaw sa kanyang atensyon. Kumibot ang kanyang labi at naluluhang napasulyap di

