KABANATA 46

1650 Words

Gaya nang sinabi ng kanyang mama, nagpunta nga si Hayden ulit sa kanila nang sumunod na linggo mula Maynila, pero hindi pa rin niya ito pinakiharapan. Ayaw na niya itong makita gaya nang sinabi nito sa kanya. Wala na rin naman silang dapat pang pag-usapan dahil tapos na kung ano man ang mayroon sila noon. Subalit masigasig si Hayden, hangga't may pagkakataon itong makauwi ng probinsya ay talagang sinasadya siya at sinusuyo. Hindi niya alam kung ano pa ba ang nais nito at hinahabol-habol pa rin siya. Sa isip niya marahil ay nakokonsensya na lang ito sa ginawa nitong panloloko sa kanya kaya gusto siyang makausap. Pero kailangan na nilang umusad na dalawa. Kailangan nilang magpatuloy sa buhay nang magkahiwalay. Sa ilang linggo na pagluha niya para sa kinahinatnan nang relasyon nila’y tila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD