KABANATA 47

3018 Words

“Tita Laura?” Hindi makapaniwala si Reyshan na makikita niya ito sa loob ng kanilang bahay pagpasok niya. Napalingon sa kanya ang babae at matipid na ngumiti mula sa pakikipagkuwentuhan nito sa kanyang mga magulang. “Ano pong ginagawa n’yo rito? At paano n’yo po nalaman ang bahay namin?” Hindi naman siya galit nang sabihin niya ang mga salitang iyon bagama't naroon sa kanya ang pagpipigil lalo na’t sa isiping ang anak nito ang ipinalit sa kanya ni Hayden. Sabihin mang bitter siya pero iyon ang tunay niyang nararamdaman. Minahal niya si Hayden at naging tapat siya rito pero nagawa nito sa kanya ang mga hindi niya inaasahang magagawa nito. “Kumusta ka na?” Marahan siyang pumasok sa loob ng kanilang bahay at inayos ang pagkakasukbit ng shoulder bag sa kanyang balikat. Wala naman itong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD