Nag-inat siya bago iminulat ang mga mata. Ilang saglit din siyang nakatitig sa kisame bago itinuon ang pansin sa kanyang bintana na nahaharangan ng kurtina. Batid niyang maaga pa pero hindi iyon kasing aga ng gising niya tuwing araw ng pasukan. Bumangon na siya sa kanyang higaan at umalis doon upang tunguhin ang bintana, hinawi ang kurtina saka binuksan isa-isa ang jalousie. Agad siyang sinalubong nang malamig na simoy ng hangin nang umaga kasama ng tilaok ng mga manok. Hindi ni Reyshan mapigilan ang muling mag-inat kasabay ng paghihikab. Alas seis na nang umaga base sa malamyos na sinag ng araw. Kung gayon pala ay maaga pa rin ang bangon niya. At habang nakatanaw rin sa mabining mga galaw ng dahon ng punong mangga at iba pang puno at halaman, hindi niya mapigilang i-hum ang awitin ng M

