“Malapit na ulit magpasukan,” ang narinig niyang iwinika ni Jane isang hapon habang nakatambay sila sa ilalim ng punong mangga sa bukid. Itinupi niya ang kanyang mga binti sabay yakap sa mga iyon. Ipinatong din niya ang baba sa ipinagtabing mga tuhod. Umihip ang panghapong hangin at kasama nitong tinangay ang halimuyak ng mga d**o at dahon sa paligid. Nananatiling tahimik lang din sila habang pinanonood ang ilang sasakyan na dumaraan sa GoVic highway buhat sa malayo at habang naririnig din ang ingay ng mga batang naglalaro hindi rin kalayuan sa kanila. Nakagat niya ang ibabang labi. Dalawang buwan na niyang hindi nakikita si Hayden, pero dahil malapit na uli magpasukan... Itinago niya ang kanyang mukha sa kanyang mga tuhod upang itago ang sumisilay na ngiti at pamumula ng mga pisngi n

