“Uyy, si ate ngumingiti.” Naputol ang kanyang hindi sinasadyang pagbabalik-tanaw sa nangyaring eksena sa library noong first year high school siya mula sa pambubuskang iyon sa kanya ng kapatid. Nakita niya ang naglalarong pilyong ngiti sa mga labi nito bago sumubo. Nabasa kaya nito ang laman ng isip niya kaya ganoon na lang kung makangiti ito? Hindi pa rin mawala-wala sa isipan niya ang kaganapang iyon sa library kahit noong first year high school pa siya nangyari iyon at ngayon nga ay nasa ikalawang taon na siya sa high school. At sa tuwina nga'y nagpapabalik-balik pa sa alaala niya ang memorable day na iyon. Naglalaro sa balintataw at dumadalaw sa kanyang mga panaginip. Iyon na yata ang resulta nang palagian niyang pagbabalik-tanaw sa kaganapang iyon dala ng kilig at sayang hatid niyon

