Twelve

1263 Words
. --- "Baby, you ignore me. Kanina pa" "Galit ako, wild. Wag mo akong pansinin at mag trabaho kana doon. Hindi uunlad ang kompanya mo kapag sa akin ka lang nakatuon" Kanina pa kasi nangungulit, nag Babasa ako dito at imbes na ang trabaho niya ang harapin niya andito sa tabi ko...naglalambig. Ganito pala maglambig ang isang 'WILDER HENDERSON' parang gusto ko na tuloy magtampu-tampuhan araw-araw. Kanina pa tanong nang tanong. 'Anong kainin ko, anong kailangan ko, anung gusto ko, 'bat daw hindi siya kinakausap,' ang kailangan ko 'wag niya na akong kulitin lalo lang uminit ang ulo ko. "Say first that you are not angry"nakanguso niyang sabi. Masama ang tingin na ipinukol ko dito. "diba sabi ko galit ako? " Pero bat ang kyut niya!Hindi ko tuloy mapanindigan ang pagtatampo ko. " Hays ... How can I work na alam ko galit ka. Tell me why?" sabi nito na nakayakap sa bewang ko. "Napipikon ako sayo, masyado mo ako inaasar!" "Sege na hindi na kita aasarin, basta kiss muna--arrayyyy babyyy! Sadista ka talaga" nakatikim naman ng isang kurot. "hindi mo ako aasarin Pero may kabayaran! Buraot ka din ano?! Mambuburaot kapa ng halik e!." "Sege na halik lang, magtratrabaho na ako! pampagana lang" panlalambing nito. "Malandi ka talaga!" "halik lang e.,hindi naman kita nilalandi. " nakanguso nito sabi. Mukha siyang alaga kong aso tuwing nanghihingi sakin ng pagkain, 'why so cute Wild'. Hinarap ko siya. "Bumalik kana sa trabaho mo pagkatapos, kasi inaasahan ka ng kompanya tapos ikaw andito nakapulupot sakin. Malandi ka talaga." ngumisi siya habang patango-tango. Kaya Di ko maiwasan pangiti. May kung ano nagtulak sakin na hawakan siya sa pisngi ng dalawang palad ko. Pinakatitigan ko ang kabuo-an ng mukha niya. Ang mga mata niyang kulay asul,ang matangos niyang ilong. pekpektong mukha niya na kahit isa wala kang maiipintas. Bakit may mga ganito ka gwapong nilalang at nag uumapaw din ang yaman. Kung ikukumpara sakin walang-wala ako. Isang masakit nakatutuhan kahit sabihin kong akin ka ngayon Pero hindi ko alam kong Hanggang Kailan. Pero akin ka nga ba talaga? Kahit ngayon lang. "Zia, why? Wag ako masyado pakatitigan nanghihina ako sa nga tingin mo... " naramdaman ko ang pagpisil niya sa tagiliran ko. Tinugunan ko lang siya ng isang ngiti at buong pusong siniil siya ng makapamugtong-hininga na halik. Binigyan ko siya ng halik na tumutugma sa nararamdaman ko. Agad niya naman itong tinugunan. Halik na puno ng pag-iingat, marahan, ninanamnam ang sandaling iyon. Habol-hininga nang maghiwalay ang mga labi namin at pinakatitigan ang isa't-isa. Pagkuwan ay naramdaman ko ang mga labi niya sa noo ko na nagpangiti sa'kin. Kakaiba kasi ang naidulot na pakiramdam sa akin nito. ———— "Saan tayo pupunta?" tanong ko, alas tres palang kasi ng hapon nag out na siya. "Mag ikot-ikot tayo sa mall. Bibili tayo ng mga kailangan mo." pagkatapos ako pagbuksan. Umikot siya sa driver seat banda.. "Wala naman akong kailangan, wild. Halos kumpleto naman mga gamit sa condo."sabi ko nang tuluyan na siyang makapasok. "Mga damit, shoes, bags,jewelries, etc. Ayaw mo ba?" "Jusko, andami 'nun sa condo aanhin ko pag suot ang mga iyon? Kung pwede ko ibenta lahat iyon at ibili ng libro para sa mga mag aaral ginawa ko na..." "Ikaw bahala kung aanhin mo iyon, para naman sa'yo,,,at ang card na bigay ko gamitin mo ibili mo kung ano ang gusto mo." oo nga pala binigyan niya pala ako ng card noong isang araw bago siya umuwi sa kanila. Tiba-tiba siguro lahat ng mga babae nito sobrang galante. Tsk. ————— "manong, ito bayad ko." Abot ko ng sikwenta kay manong. Bayad ko sa kwek2x, fish ball at kalamares. Dito kami dinala sa sobrang pag iisip namin kung saan kami mamasyal. Nakapunta naman ako noon dito. Sabi nga ni Aemie igagala ako rito ulit kaso Hanggang sa hindi na tuloy... "salamat, ineng" sabi nung mama at binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Dalawang kamay ko ang may hawak ng plastik Cup na pinangbili ko. Napalingon ako kay wild. Nakarinig ako nang pag 'click' ng camera. At nakita ko hawak niya ang phone niya na nakataas at nakatuon sakin. Taka ko siyang Tiningnan at narinig ko ulit ang pag tunog. Ngumisi siyang binaba ang phone niya, kinuha ang binibitbit ko. "Sabihin mo naman kung kukunan mo ako ng picture 'yung naka posing ako nang maayos, baka mamaya mukha akong taga dikwat dito sa luneta niyan" ngumuso ako. Ngumisi lang siya at hinalikan ako sa noo. Andoon naman ang kakaibang pakiramdam kaya hindi ako nakahuma sa kinatatayuan ko. " Ayieeeeh, sana all!" Naiilang ako na bumaling sa mga kabataan na sabay-sabay tumili...mga teenager halos at talaga lang may mga partner pa. "Ang sweet niyo naman...hehe"kinikilig na sabi ng teenager na may kasamang mga kaibigan niya. "kuya ano na may free ba? Mukhang susuwertehin ka naman ngayon... Kita mo naman mukhang may nagpapamalas ng totoong pag-ibig dito." sabi naman ng lalaki sa kabilang grupo na sinamahan pa nang pagkumpas ng kamay habang nakabaling sa mamang nag bebenta. "Sana all! May libre!" sabay na sigaw ng ilan. Napakamot tuloy ng sintido ang mama. Nakita kong dumukot ng pera si wild kaya napangiti ako. Hindi ko na siya pinigilan marami naman siyang pera. "Manong ito...ipakain mo lahat iyan sa mga tao." sabi ni wild na Inabot ang pera sa palagay ko mga sampong libo. "Nako, sir. Sobra-sobra po ito" napanganga pa ito pero kalaunan nakabawi at hindi maipinta na saya ang  makikita sa mukha. "Wow" "Yeah" "Sana all" "Sana all, may lablyf para may libre!" "naol!!" "salamat po" "humayo po kayo at magpakarami... Hehe" Biro ng isa at nagtawanan ang lahat at napatawa nalang ako. Mga kabataan talaga ngayon. Tinawag na din ang ibang tao na nasa malapit. Lalo na ang mga batang kalye na namumulot lang ng mga bote't plastic...pinakain ni Manong. May softdrinks din kasing benta si Manong kaya solved. Akalain mo may ganitong side din pala ang manyak na ito. Kaya hindi ko maiwasang pakatitigan siya at mapangiti. Napapiksi ako ng bumaling siya sa akin at kinindatan ako na nagpalakas ng kabog sa puso ko. Nahuli pa tuloy ako na nahuhumaling sa kanya. Nakikain na rin kami ni Wild kasabay nila... Isa ito sa pinaka masayang araw. Salamat po! Sabi ko sa isip sabay tumingala sa langit. Habang abala sila'y umalis kami ni Wild sa eksinang iyon. Nagikot-ikot pa kami sa kabuoan ng Rizal Park. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko dahil magkasalikop ang mga palad namin habang nag iikot. Tiningnan ko siyang may pagtatanong. "kanina kapa ngiti nang ngiti." "Masaya lang ako at ito ang isa sa pinakamasayang araw...kaya salamat wild" binigyan ko siya ng matamis na ngiti. "Ang babaw naman ng kasayahan mo." "Siguro mababaw lang tingnan, Pero para sa akin sobrang lalim at maka hulugan.Ang makapagbigay nang kunting kasiyahan sa iba, Wild, ay hindi mapapantayan nang anumang material na bagay Mundo." at tumingin ako sa kawalan. "Ang paghahangad ng material na bagay iyon ang mababaw dahil hindi mo makikita ang puso doon. Bagay lang iyon na gusto mong maangkin,... gusto mo magkaroon... Gusto mo ipagyabang. Pero ang pinaka gusto talaga ng puso mo at higit sa lahat ...ang kasiyahan, Wild. Kasiyahan sa pagiging kuntento ng mga bagay na meron ka lang. Kasiyahan na nararamdaman dahil sa pag ibig. Kasiyahan na pwede mong maipamalas rin sa iba." tumingin ako sa kanya na ngayon ay nasa malayo nakatanaw. 'Kasiyahan wild na ngayon ay nararamdaman ko dahil sayo. At kung matapos man araw na ito, bukas, sa makalawa o sa susunod na linggo, buwan. hindi ko pagsisihan dahil sa kunting panahon naramdaman ko ulit ang maging masaya. At hindi ko pagsisihan na hindi ko pinigilan ang sarili kong lumapit sayo.'sabi ko sa isip ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD