Mabilis ang mga araw na lumipas halos magta-tatlong linggo na kami magkasama. Magta-tatlong linggo na ang bawat gabi ay nagliliyab nang pagnanasa. Ang bawat araw na puno ng kulitan at asaran. Pero dahil ma's malakas mang-asar si Wild, I'm always the loser.
Kapag Maaga ang uwian namin sa condo na kami nagluluto ng hapunan. Pero kapag late sa labas nalang kami kumakain. Nakapag mall din kami magkasama, mapapailing ka halos lahat bilhin. Ganun ba talaga ang mayayaman walang pakialam kung magkano ang magasto problema lang ata nila kung paano mag waldas ng pera. Aanhin ko naman ang mga iyon, bags, shoes, sandal,mga burluloy... Pero gold huh.
Bilang babae naghahangad naman tayo ng mga ganoon na klasing gamit. Mukhang makalayas na nga ako dito di ko pa masusuot lahat iyon, di naman ako mahilig sa mga material na bagay. Nag mukha tuloy siyang sugar daddy.
Ilang milyon na ba ang nagastos niya sa mga babae niya?.
Araw-araw akong sinasama niya sa opisina na wala naman gawin kundi ang magbasa at mag hintay nang uwian niya. Di ko alam kung anong klasing trip ng isang ito, di ba ito nagsasawa sa pagmumukha ko na Hanggang office niya bitbit ako?.
"Baby, dito ka muna. I have a meeting with investors" at ginawaran ako sa labi nang mabilis na halik.
Sinundan ko siya ng tingin habang hinahayon ang pinto palabas.
We will have lunch outside... dahil di ako nakapagluto kanina, nagkape nga lang kami at bread. Pag dating kanina dito nag order si wild para makapag agahan kami.
It's his fault because he made me tired last night,nagising din ako madaling araw dahil naramdaman ko nag bigat niya sa ibabaw ko. Naka dagan siya sa'kin habang nilalantakan ang dibdib ko. Kahit antok na antok. I did nothing, I let him do what he wanted.
Mga kalahating oras ang lumipas nang biglang bumukas ang pinto at walang pakundangan na pumasok ang isang babae. Mahaba ang buhok, balingkitan ang katawan, at parang coloring book ang itsura sa kapal mag make-up nito. Siguro para sa kanya'y sakto lang, para sa'kin na di naman nagme-makeup pag di kailangan ay parang ganun ang tingin ko. Kasunod niya ang secretary ni Wild.
Sa magta-tatlong linggo na pagsama-sama ko dito kay Wilder hindi na lingid sa kaalaman ko ang pakay ng mga babae na pumupunta dito. Sa totoo lang ikatatlo na ito.
Nakarami na siya!
"nasa meeting po si Mr. Henderson,Mam sabel"
"I'll just wait for him here" sabi nito at inirapan ang secretary ni wild.
"But, Mam Sabel. Ako ang pagagalitan ni Mr. Henderson... So I hope you can just wait outside———
"Why? Dito naman ako sa loob nag aantay before!
"Pasensya na mam sabel, iyon kasi ang tugon ni Mr. Henderson... At malilintikan talaga tayong dalawa." lakas loob nitong sabi.
"Urgh!I hate you Wild! "padyak nito at lumabas nang padabog.
Di man lang ako nakita.
Lumipas ang isang oras ay dumating si Wild kasunod ang secretary niya na may bitbit na case at nilapag ito sa mesa. Nakita ko umupo ito,,, mulling humarap sa laptop. Lalabas na sana ang secretary niya nang walang pakundangan na pumasok ulit ang babae kanina. Nakita ko pinigilan ito ng secretary ngunit tuloy-tuloy parin ito.
"Hon!———
"what are you doing here?" gulat ang rumehistro sa mukha nito.
"Na miss kita, Di kana nagtetext o tumatawag——
"Get out of here!" medyo tumaas na ang boses ni wild kaya na alarma ang secretary na nilapitan ang Sabel.
"Andrew ! I told you many times na wag kang magpapasok dito sa opisina ko!"
"Sorry, Mr. Henderson" hinging paumanhin nito at inakay si Sabel, pero pumiglas lang ito.
"Urgh. Don't touch me!" sabi nito sabay habang pumipiksi at hinayon ang kinaroroonan ni Wilder. Dumiretso ito sa likuran niya at pinulupot ang braso nito sa liig ni Wilder habang nagsasalita.
"oh God, Hon! I miss you badly"nakita ko ang pagsalubong ng kilay ni wild.
"Get off your f*****g dirty hands on me! And leave!" kahit ako naalarma sa sigaw ni wild.
"Hon——
"I said, get off your f*****g hands, and leave, Sabel!!!
Nataranta ang babae at namumula nang muling sumigaw si wild kaya kumalas ito. Bago mag simulang maglakad palabas natapunan niya ako ng tingin habang nasa ganoon pain ang pwesto.Nakaupo hawak nag libro na binabasa ko kanina bago ang eksena. Salubong ang kilay nito habang naka tingin nang masama sa'kin.
"f**k SABEL! I SAID LEAVE!!!" sigaw ulit ni wild. Pero bago tumalikod ay inirapan pa ako.
Nang makabas ang babae ay tinawag ni wild ang secretary nito bago pa man ito sumunod palabas sa babae.
"Once again...someone enter here without my permission ,,, I will fire you! Iyan nalang ang binilin ko sayo na bantayan mo dito si Miss. Natividad, you didn't!!!"
Saan naman niya nalaman nag apilyedo ko? Ah, baka nabanggit ko.
"I'm really SORRY ,Mr. Henderson...It will never happen again" hinging paumanhin nito at bakas ang takot sa mukha at kilos.
"LEAVE!!!"
Taranta naman ito na lumabas Pero bago iyon binalingan pa ako at humingi ito ng pasensya.
Nang bumaling ako kay Wild ay nakatingin ito sa akin, halo-halo ang emosyon sa mukha kaya nginitian ko siya nang tipid bago bumalik sa pagbabasa ko. Ngayon ko lang siya nakita na ganito magalit.
Pero kakaiba ang nakita ko sa mga mata niya.
'di ko naman kailangan 'yon. Ano naman ang pakialam ko sa babaeng 'yon? Hindi niya kailangan aalahanin ako at magpaliwanag. kahit sugudin pa siya ulit dito kahit isang katirbang babae wala akong pakialam.Kahit tawagin pa siyang... Hon!.
"are you OK?" nagulat ako sa gitna nang makikipagtalo sa isipan ko.
"Huh?"
"I'm asking if you're OK?"
"Ahhhh! OK lang naman" mabilis na sagot ko't ngumiti.
"meron bang gumugulo sa iyo? Kanina kapa kasi bulong nang bulong... I don't understand.
"Ah—–eh, may iniisip lang ako hehe" kamot batok kong sabi.
He sighed
" I'm sorry for what happened... Did she bother you earlier"
"Hindi. 'di niya nga ako nakita dahil lumabas din agad"
"I'm sorry" mahina niyang sabi habang nakatingin sakin kaya napatingala ako dahil nasa harapan ko siya nakatayo habang nakapamulsa.
"Wala ka naman dapat ihingi nang paumanhin, Wild. Bukod sa wala naman siyang ginawa sa'kin...wala rin akong pakialam kung ano ang namamagitan sa inyo" nakita ko ang pagguhit nang pait sa mukha niya't bigla itong tumalikod.
"Let's go outside, nagugutom na ako!"padabog nitong sabi.
Suplado.
May mali ba sa sinabi ko? bakit parang bad mood ata?. Tama naman ang sinabi ko, wala naman talaga akong pakialam at ano naman ang Lugar ko para mangialam, diba? Diba?.
At kung mangialam ako baka maisampal sa'kin ang katutohanan... isa lang ako sa mga babae niya at magiging babaeng dumaan lang saglit na nagbigay aliw sa kanya. Dahil pagkatapos nito. Kapag nagsawa siya iitsupwera na ako! Katulad kanina kung panu niya pinagtabuyan 'yong 'sabel' na iyon.
Masakit! May biglang kirot akong naramdaman.
Mabilis rin akong tumayo at tiniklop ang librong binabasa ko, pinatong ko ito sa table at sumunod sa kanya.
Paglabas sa opisina niya at deretso kami sa elevetor. Mula sa gilid niya at binalingan ko siya, nakabusangot ito.
Bakit pakiramdam ko may kasalanan ako? Pero baka sa 'Sabel' na iyon kaya di maganda ang mood niya.
"Wild" kalabit ko sa kanya pero di sumagot.
"Wild, are you-"
"Gutom lang ako"
Gutom nga lang diba hindi dahil sayo! Dapat ang nararamdaman ko ang kailangan pagtuonan nang pansin dahil sa palagay ko nanganganib ako. Nanganganib na masaktan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.
Tahimik kami sa isa't isa.
May mga bumati sa kanya na empleyado na nasasalubong kami Pero tulad ng inaasahan ko di niya man lang ito tinapunan ng tingin .NAPAKASUPLADO! Kaya ako nalang ang tumutugon at nakikibati din kahit meron mga nagtataas ng kilay sa'kin. Sinusuklian ko nalang sila ng matamis na ngiti.