Fourteen

1498 Words
*** "What do you want to eat, Zia" tanong nito habang sinusuri niya ang menu. Nang hindi ako sumagot umangat ang tingin nito sa'kin. "Zia! " maawtoridad na tawag niya. Nginusuan ko lang siya. "Zia---" "Anything" sabi ko at naghalukipkip sa harap niya. "Wala namang anything na putahe dito, Zia" "Alam ko" pagmamatigas ko parin. Akala mo huh ikaw lang marunong magsungit. Bulong ko sa sarili. "Zia, what's the problem ?!" "Anong problema? Hindi mo ako tinatawag na baby! Sinusungitan mo pa ako! ... Kaya 'wag ka magtanong kung ano ang problema...'yan ang mahirap sayo nagtatampo na ako pero hindi mo parin makuha...! " di ko alintana napalakas ang boses ko kaya tinitingnan na kami ng mga ibang customer kumakain din. Pero wala akong pakialam basta niinis ako sa kanya dahil sinungitan niya ako. Akala niya siya lang ang marunong mag sungit. Puwes nagkamali siya! Narinig ko ang malakas na pag buntong hininga niya. "Baby, what do you want to eat ?" ulit na tanong sa malambing na paraan kaya napangisi ako. Ang sarap lang sa pakiramdam. Marupok. "Kung ano lang ang oorder-in mo OKey na ako" sabi ko habang may malaking ngiti sa mukha. "Tsk! Dapat ako ang magtatampo, pero tingnan mo ako ngayon ang sumusuyo...'yan ang hirap sayo... Kung nagtatampo ako dinadaan mo ako sa toyo mo... "sabi nito na napailing at ngumiti ng tipid. Aba, binabalikan niya ako nang paninisi. Pinanglakihan ko siya ng ilong. Oo, pinalaki ko ang butas ng ilong ko dahilan para lumawak ang pagkakangiti niya. Pagkuwan sumenyas sa waiter. Agad naman kinuha ng waiter ang Inorder ni wild nang makalapit. "iiwas mo mga mata mo...if you don't want to lose your job!" mahina ngunit mariin na sabi ni wild pagkalipas ng mga ilang segundo kaya napa baling ako sa kanya. Nakatingin siya nang masama sa waiter na ngayon ay namumula. "S-sorry po S-sir" hinging paumanhin ng waiter. "Leave!" ma-awtoridad na utos nito. Tarantang umalis naman ang lalaki. "What happened?" wala talaga akong kaalam-alam. Ano naman problema nito. Bigla nalang na galit... "You're just too beautiful"sabi nito nakina nganga ko. Anong konek? Kaya tinikom ko na ang bibig ko mukha akong timang. This one is hard to read ... Or am I the one who doesn't understand?... Hmmm. A few minutes after, our order arrived. I had no idea what kind of dishes it was ...ngayon lang naman kasi ako nakakain sa ganito ka sosyal. I was just hungry!Ang alam ko lang sa probinsya kapag nakakain ka sa Jollibee, MCdo, or saan mang fast-food, feeling rich na iyon. Sarap naman ng mga pagkain sa harapan ko *^-^*... It's like I just want to stay here all day and taste all the dishes. Nilagyan ni wild ang plato ko Hiniwa-hiwa niya sa maliliit ang steak. Kaya pagkatapos niya at walang pakundangan kong sinimulan ang pagkain. "wild? Day off kasi bukas ni Aemie...can I roam with her?" Pagkuwan tanong ko. Nakita ko binaba niya sa plato ang hawak na kubeyertos at mataman niya akong tinitigan na para bang inuusisa kung iyon talaga ang gagawin ko bukas. "Don't worry I will not escape." "Hindi ganyan ang iniisip ko...because if you want to run away. You should have done that before..." "But do you want to?" I asked. "Is that what you want?" balik na tanong nito. "N-no" "Then...stay." 'Then...stay" naging paulit-ulit ang pag ugong niyon sa pandinig ko. Gusto niya ako manatili? May kung anong malakas na pag tambol sa puso ko sa isiping iyon. Kalakip nito ang saya at pag-asa. Oo, gusto ko manatili. Kung noon wala akong balak pero ngayon masasabi ko hindi ko na kaya umalis. Hindi dahil mahihirapan akong takasan siya kundi mahihirapan na akong iwanan siya. Kailangan niya man ako o hindi. Pero sa kabila niyon. May kung anong bumabalakid sa salitang iyon. Gusto niya lang ba ako manatili kasi kagustuhan ko?. Tanong ko sa sarili ko na nagbibigay ng kirot sa puso. "pasama ka driver bukas" pagkuwan sabi nito. "May kotse naman si Aimie-- "Gamitin niyo ang kotse daanan niyo nalang bukas ang kaibigan mo." Wala na akong laban. Pag iyon na ang sinabi...iyon na talaga. Buong Buhay ko hindi ko maisip na mapapasunod ako ng isang lalaki. Kaya dati ayoko mag boyfriend kasi ayoko maging sunod-sunuran. Hays. " Just eat slowly, baby. Baka mabulunan ka niyan" Pagkuwan saway nito, gusto ko ipagtanggol ang sarili baka isipin niya patay-gutom ako. Pero hindi naman ako makapag salita nang maayos sapagkat punong-puno ang bibig ko. Dali-dali kong nilunok kahit 'di pa nainguya pinasundan ko nalang ito ng tubig. "Sorry, gutom kasi ako."parang gusto kong iumpog ang ulo ko' bat iyon ang sinabi ko... sa totoo lang hindi naman ako gutom. Gusto ko lang talaga kumain at katamkam-takam ang mga pagkain. Nakita ko tumaas ang gilid ng labi niya."Talaga lang huh... You ate two boxes of pizza earlier" panunuya nito. Kaya masamang tingin ang naipukol ko dito dahil uumpisahan niya naman akong buwesitin. Pero gusto ko rin lamunin na ako sa kinatatayuan ko dahil sa hiya kahit alam ko gusto niya lang mang-asar. Kasi may katotohanan, dalawang box ng large pizza ang naubos ko kanina. At 'di ko mawari kong saang sulok sa tiyan ko nilagay lahat iyon. Napapitlag ako nang maramdaman ang pagdampi ng hinlalaki niya sa labi ko. "para kang bata kumain..."ngumiti ito pagkatapos at isinubo ang daliri na ipinahid niya sa bibig ko dahilan para mapanganga ako. --- Pagkabalik namin sa building. Muli nagpaalam si Wild dahil may isa pa siyang meeting na naka sched.Tango lang ang nasagot ko dahil ang atensyon ko ay nasa bitbit kong paper bag na may laman na pagkain, pina take-out ni Wild kanina sa restaurant. Pumasok ako sa loob ng office niya pagkaalis niya... Inilapag ko sa table ang pagkain. Mamaya kana, kailangan ko muna mag pahinga kaunti. Kinindatan ko pa naakala mo'y tao ang kinakausap ko. Napalingon ako sa pinto ng bumukas at pumasok ang secretary ni Wilder. "Good afternoon mam." "Hello, dito kana umupo. Baka mangawit ka diyan sa kakatayo." iwinistra ko ang kamay sa kaharap na couch nakita ko kasing nakapirmi lang siyang nakatayo sa pintuan. Ano ba ito si wild. Pati secretary niya ginawa niya ng bodyguard ko. Hinayo naman nito ang pwesto papunta sofa at maupo sa harapan ko. Kimi siyang ngumiti. " Pagpasensyahan mo na kanina na pagalitan ka... Lagi bang nagagalit iyon?" gusto ko lang makipag chismis. "Ahhh-eh, hindi naman Mam.kapag may ayaw lang siya na ginawa mo nagagalit...But if you did it right ... he doesn't get angry. He was just strict lang talaga." Pano kaya kong malaman nila kong gano ka abnoy ang boss nila. Mapang-asar. "Sino pala ang babae kanina?" "Huh? Aha mm!" "Saka wag mo subukan itago ang pagkatao mo, tayo lang naman dito OK lang kong mag kilos binabae ka. Hehe" Halata naman kasi. Kapag may lunch meeting si wild ang secretary niya ang kasama ko kumain sa labas kaya nakikita ko ang kilos niya kahit gaano pa siya ka galing magtago. Saka mabait naman si Andrew Tulog. "Huh?" napanganga ito. "Hindi ba?" "Aheeehe. Yes po mam. Hays salamat,,, wag mo ako isumbong kay Mr. Henderson, baka tanggalin ako nun" maarti nitong sabi. "Pano mo nalaman?,,, grabi ka girl dalawang taon na ako dito pero wala pang nakakilala sakin ikaw palang! ." "Nahahalata ko lang, pinapapantasyahan mo ang boss---" "Omayyygaad! "nanlaki ang mata nito at napatakip pa sa bibig." Nakita mo iyon? "tango ang sinukli ko. " Omayyy! Please I begging you,,, wag mo sabihin kay Mr. Henderson yan girl huh. " " Pag-iisipan ko" "oh no! Please" pagpapacute nito habang nakikiusap. Gwapo ka sana, sayang ka. "Sege. Pero Sino ang babae kanina?" "mmmm. Hays! Si Mam Sabel iyon, Lagi yan dito habol nang habol kay Mr. Henderson. Pero hindi naman sila. Ka momol lang ni Sir. Hehe. Wag mo sabihin yan na sakin nanggaling lagot ang pislak ko! Huhuhu" at ngumuso ito. Iba din iyong babae na nakita ko sa bar noong unang gabi namin ni wild. Na kung makaligkis wagas. At iba rin ang dalawang pumunta dito noong nakaraan. " Dami naman sumusugod dito na babae hindi lang si Mam Sabel...balita ko e naglaho nalang ang mga iyon pagkatapos bayaran ni Mam Jessica---ahh-- hehe. Next topic."sabi nito at naging malikot ang mata niya dahil pilit kong hinuhuli. "And...who's Jessica? " I asked.Pero pakiramdam ko bumilis ang pagtambol ng puso ko. "Mam, forget it ...wala po iyon"napangiwi ito. Tiningnan ko siya nang masama. "Mam, I'm not in the right place to tell you ... Kalimutan niyo na po iyon ---" "nasimulan mo na...just finish" sabi ko habang tinatatagan ang loob. . I feel different about this one...parang malaking balakid at malaking pangamba. "Ah-eh.,,,hays anong klasing bunganga ito di maka preno." malungkot na sabi niya. "Don't worry, I won't tell" "But, mam--" "please?" pakiusap ko na sana hindi nalang ako namilit. "Hays... OK. Basta maawa ka ayoko mawalan ng trabaho." tumango ako bilang tugon. "Si Mam Jessica Samson...fiancée siya ni Mr. Henderson...Tatlong taon na silang magkarelasyon at ngayon nasa state siya at balita ko sa susunod na buwan ang uwi at... At balita ko rin next month na ang kasal nila...sorry huh. Hays na kwento ko tuloy... Sorry talaga"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD