Fifteen

1547 Words
--- fiancée siya ni Mr. Henderson' 'tatlong taon na sila magkarelasyon' 'next month na ang kasal nila' Paulit-ulit na umugong sa pandinig ko. At may isang butil na luhang tumulo galing sa mata ko. Hindi ko namalayan. Hindi ko naramdaman na gusto ko na pala umiyak. Kusa nalang kumawala sa mata ko hindi ko na napigilan at nasundan pa iyon. "ammmp. Sorry. Na puwing ako..."sabi ko habang kinukusot ang mga mata ko." Hays k-kailangan ata natin ipalinis ulit itong opisina ni wild,,,m-masyadong maraming alikabok.Haha" di ko alam kung katanggap-tanggap dahil nakita ko ang awa sa mga mata niya bago ako tumayo at hinayon ang comfort room. Sa muli bumuhos ang sandamakmak na luha sa mga mata ko at di ko na napigilan ang munting hikbi na kumakawala sa bibig ko kahit anong pigil. Tama nga sabi nila kung ayaw mo masaktan 'wag mo alamin-Bakit ba kasi ako nag tanong tigas din kasi ng ulo. Bakit ako nasasaktan? Siguro kasi I expected too much. Siguro kasi I didn't prepare myself for whatever may happen. Sa magta-tatlong linggo na pag sasama namin ni Wild, pinanghawakan ko ang maliit na pag-asa na baka meron, baka pwede kami, pakiramdam ko kasi sa lahat nang pinakita at pinaramdam niya sakin pareho kaming nararamdaman. Di ko maiwasang tingnan na may magandang kahinatnan ang lahat. Pero sobrang sakit pala. Sobrang sakit na baka hanggang mamaya nalang kayo, baka hanggang bukas nalang. O magugulat ka nalang hindi kana niya kailangan. --- "Zia, are you ok ?" "huh? U-uwi na tayo?"utal na tanong ko. Tugma ba iyon sa tanong niya? Di ko kasi naintindihan. "No. Mamaya pa... I ask if you're ok... Is there a problem? You seem to be thinking too deeply" Sunod-sunod na tanong niya. Nakanganga lang akong nakabaling sa kanya. I don't know what I will answer to his question. Kung okey lang ba ako. I really do not know. Naramdaman ko ang hinlalaki niya sa pisngi ko."Why are you crying?"He asked worriedly. I didn't know I was crying again. Kaya iniwas ko ang mukha ko at pinunasan ang luha. Nang makapa kong may basa nga sa pisngi ko parang lalong nadurong ang puso ko. Why am I so emotional right now. "Does anything hurt?" he asked again at pilit pinapaharap ako sa kanya. Oo, nasa puso ko ang sakit. Nasagot ko sa isip ko. "N-nothing. I just remembered my nanay."si lola ang tinutukoy ko dahil nanay ang tawag ko sa kanya." na m-mi-miss ko lang siya. Tama! Hehe. Na mi-miss ko siya. "And smiled to face him. Pero traidor ang mga luha ko. Naramdaman ko ang paghigit niya sakin and he hugged me tightly. " shhhh, tahan na anak. Andito lang ang tatay---aray!" kinurot ko siya sa tagiliran. Nakanguso niya akong hinarap nang kumalas siya sa pagkayakap sa'kin. "haha. Baliw ka kasi,,, nasa kalagitnaan na ako nang pagdadrama hinaluan mo pa nang biro." Kinurot niya ako sa ilong. Buti nalang matangos ang ilong ko hindi nakakahiyang ipakurot. (N/A: sana all!) "pinapatawa na nga kita tapos sasaktan mo pa ako" 'Sinasaktan mo nga rin ako na hindi mo na mamalayan'. Sabi ko sa isip ko. "Sorry!" ngumisi ako. Tinanguan niya naman ako at ngumiti din. "Don't think about it too much ... I'm here when you're sad.. .I am here to hug you to alleviate all the sadness you feel. Do not be afraid to share with me, ... Any time I am willing to listen. Let me be a part of your resentments in the world as well. Just say it. Im here... "Dumampi ang maiinit na labi niya sa noo ko bago ko naramdaman ito sa labi ko. ---- "are you sure sa condo nalang tayo... Let's just eat before we go home..." he asked nang makalabas kami sa elevator. Nakikita ko naman ang mga mapanuring mata na nakasunod sa amin. Mga nagtataas ng kilay. Meron namang nakangiti na animo'y fan nitong walang level naming relasyon. "Oo,Doon nalang. Sayang ang mga meat at gulay baka masira lang." "ikaw bahala... Gusto-gusto ko naman ang putahe mo." pero mapanukso ang huling sabi niya. Kumindat pa habang nakangiti. Ilang beses akong napalunok pakiramdam ko umiinit ang buong katawan ko. Inakay ako habang magkasalikop ang mga palad namin. Napalingon kami nang may tumawag sa pangalan niya. Nang mapagsino niya ay agad na kumalas sa pagkahawak sa akin. Aray. Nasaktan na man ako ng hindi mo sinasadya. "WILDER!!!" Isang lalaki medyo may katandaan pero Bakas ang pagiging makisig nito at istriktong aura. Malalim na boses na makapagbigay ng kilabot sa iyo. "D-dad!" medyo may gulat na sabi nito sa kaharap. Daddy niya. Pero ang daddy niya ay matalim lang akong sinuyod mula ulo hanggang paa. At pagkatapos ay bumaling sa anak at sumenyas bago tumalikod. Tiningnan ko si wild na estatwa sa kinatatayuan niya. Nang makahuma'y agad ako binalingan. "Mauna kana sa condo... Nasa labas ang driver" tatango na sana ako pero tinalikuran na ako. Ginala ko naman ang paningin sa paligid na ang iilan ay nagbubulungan. Bumuntong hininga ako bago lumabas sa building na iyon. Nakita ko naman si manong driver na nag-aantay sa labas. Ngumiti siya sa akin at pinagbuksan ako. Nang makarating ako sa condo ay binagsak ko ang katawan ko sa sofa. KRING* KRING* Nagulantang ako mula sa malalim na pag muni-muni nang tumunog ang cp ko hudyat na may tumatawag. Dali-dali kong kinuha at bahagyang nakaramdam nang dismaya na hindi si wild ang tumawag. "Hello besh! Day off ko bukas huh gagala tayo!" bungad nito sakin. "mmm" "nakapagpaalam kana ba sa jowa mo?" "mmm" "good! Kasi may surprise ako bukas sayo!" "mm--" "Ano ba yan! Wala ka na namang kwentang sumagot!"reklamo nito. " OK ka lang ba? " dagdag na tanong niya. " not really. " " want to talk about it?. " "not really" "hays. Basta besh...andito lang ako. Isumbong mo lahat sakin yan at babanatan ko lahat ng problema mo..." "hehe. Baliw. Sege na. Magluluto pa ako...magkita nalang tayo bukas at siguraduhin mong matutuwa ako sa surprise na iyan..." "Ariglado!" ---- Tiningnan ko ang oras sa nakasabit na Wall clock, 11:00 pm na pero wala parin si wild. 6:00 pm kami kanina naghiwalay pero hanggang ngayon wala parin siya. Uuwi pa ba iyon? Hanggang sa umabot sa hating gabi walang wilder na umuwi. Kaya malungkot akong kumain mag—isa dahil nakaramdam na ako nang matinding pagkalam sa sikmura. Baka pagalitan niya naman ako na hindi kumain at hinintay siya. Di man lang siya nag text. Di niya ba alam na may nag aalala sa kanya. Ang dami tuloy gumugulo sa isip ko Hanggang sa natapos ako at nakatulog. K I N A B U K A S A N Napabalikwas akong nang gising dahil umabot na sa panaginip ko ang pag alala kay Wilder. Nilibot ko ang buong silid pero kahit maliit na bakas niya walang patunay na umuwi siya. Sinuri ko rin ang phone ko baka na kapag text siya,,, bigla may tuwa akong naramdaman ng may mensahe Pero bumagsak rin ang balikat ko na hindi ito galing kay wild. Nakita ko rin ang iilang missed call. From: Beshy 'Beshy! gising na, ano na plano?' From: Beshy Murat, tumatawag ako. Bat di ka nasagot?! From: Beshy 'Hala siya!!!!. Sarap ba matulog na may jowang kayakap... Ayaw paistorbo e... Kanina pa ako tumatawag. Langya! Ede wow!' From : Beshy 'Ok...ok. Text mo ako kapag tapos na ang labing2x niyo,,, kahiya e. Baka nakaistorbo ako. Tsk.!!!!!!' Ano ba 'tong pinuputok ng butsi nito ang aga-aga. Jowa ka diyan! ' Di nga ako inuwian... 'Di ko alam kung na iisip pa ba ako nun!!! Ano ba iyan. Nasasaktan tuloy ako sa mga iniisip ko. Bumuntong hininga ako ng malakas kalakip ang pag asa na mawala na itong gumugulo sa isip ko. Hindi ito nakaka-healty. Nang tuluyan akong bumaba ay doon ko naramdaman ang pagkalam sa sikmura ko tiningnan ko ang oras sa phone ko pasado 9:00 am na. Ngayon lang ako nagising... kahit noon umaga na ako nakakatulog pero nagagawa ko paring magising ng 6:00 am kahit ilang oras lang ang tulog ko. Ganuon nalang siguro ka pagod ang utak ko sa kakaisip. Dumeretso ako sa kitchen naghahanap nang makain pero kahit gutom ako parang wala dito ang gusto kong kainin. Kaya pilit akong nagtimpla ng kape kasi pakiramdam ko antok na antok parin ako. Pagkatapos kong matawagan si Aemie na sinabi kong dadaanan nalang siya...namin ng driver gamit ang isa pang kotse ni wild na iyon ang lagi kong service. Tamad na tamad ang katawan kong pinilit maligo parang gustong magbago ng isip ko na hindi nalang aalis at matulog nalang buong araw. Bakit ba nakakatamad ang araw na ito?!. Dahil ba hindi ako inuwian ni wild? Nakaka walang gana diba? Iyong nag hihintay ka sa wala. Ilang hintay pa ang dapat kong gawin. O dapat ba ako maghintay? May hihintayin pa ba ako?. Kasi nung mga panahong nag aantay ako nasaktan ako. Hinihintay ko lagi sina Mama at Papa tuwing may mahalagang okasyon na nangyayari sakin. Tuwing birthday ko hiniling ko kahit walang regalo silang bitbit...kahit mahuhuli silang dumating. OK lang basta makita ko sila. Tuwing pasko ang presensya nila ang hinihingi kong regalo. at kahit ang mga dumaang graduation ko hinintay ko parin sila para maisabit sa kanilang liig ang mga napagtagumpayan kong medalya. Hanggang sa nagsawa ako kaka baling sa pinto kung kailan bubukas at iluluwa silang dalawa.  ///// don't forget to follow my account...Grazie /////
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD