Sixteen

1368 Words
--- "Besh?" Napabaling ako kay Aimie nang tawagin niya ako. "Oh?" "Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo... Ano ba iniisip mo panay buntong hininga mo?" she asked worriedly. Pagkatapos siyang daanan kanina napagka sunduan naming kumain muna. Sa jollibee ulit bagsak namin. I look at her. "OK lang,,," tipid na sagot ko at binalingan ang pagkain na halos hindi pa nabawasan kahit isang subo... Sunod-sunod ang ginawa kong subo para maubos na...patapos na si Aemie ako hindi pa. "Mag aantay ako kong kailan mo uumpisahan ikwento kung anong gumugulo sa isip mo...kahit di mo sabihin ramdam ko..." I just smiled at her."OK lang ako... Ano pala ang surprisa mo?" pang iiba ko sa topic namin at ngumiti ng malapad. Pero alam kong hindi siya kumbinsido sa sinabi ko dahil nakita ko siya napangiwi. Ayoko muna problemahin niya ang problema ko dahil alam ko na hindi pa siya okey. Alam ko nasa stage pa siya nang pagmo-move-on sa nangyari sa relasyon nila ni Julien. "Hmmm... Bilisan mo diyan kasi sa mall nalang natin puntahan" Gusto ko man usisain pero minabuti ko nalang manahimik at mag antay. Pa suspense pa e. Nang makatapos, dumeritso kami sa ayala mall dito sa parañaque. Naupo kami sa bench habang hinihintay kong sino mang poncio pilatong ka text ni Aemie. Nakita kong duma-dial siya at nilagay sa tenga at tumalikod sakin habang nagkukuda... "Ano ba asan kana, kanina pa kami dito!!! ... Hays ano ba yan!!!" reklamo nito sa kausap Pero napa-iktad ako, may tumakip sa mata ko mula sa likuran. Patuloy parin ang pagkukuda ni Aemie Pero ang atensyon ko ay nasa mga palad na nakatakip sa mga mata ko. Isang tao lang ang naalala kong gumagawa nito--- "Shandon?" napahinto naman si Aemie nang sabihin ko iyon kaya kahit nakatakip ang mata ko alam kong napalingon siya sa akin. "Huh---hay salamat andiyan kana pala... Balak mo talaga akong hayaang magsisigaw dito...!" narinig ko naman ang bungisngis ng nasa likod ko kaya alam ko siya na iyon. "Taran!!!" sabi niya sabay kuha ng dalawang palad niyang nakatakip sa magkabilang mata ko... Pagmulat ko nasa harapan ko na siya na todo ang ngisi kaya di ko din mapigilan ngumiti. "Anong ngiti yan...? Sabi ko na! na miss mo din ako!!!" panunukso nito habang nakataas-baba ang isang kilay niya.. "Medyo"mataray ko na sabi. " AWTS. Kala ko pa naman miss na miss mo ako na gusto mo na akong pakasalan! "sabi niya at ngumuso. Gamit ang isang palad ko ay tinakip ko 'yon sa mukha niya at iniwas... masyado malapit. Nakakailang. " Asa ka!!! " at inirapan siya. Napa-' ouch ' na reaksyon siya habang naka hawak sa dibdib niya. " Ang taray mo parin! "sabi niya at piningot ako sa ilong. Paborito niya talagang pisilin ang ilong ko. Hinawakan niya ako sa kamay ay hinigit papalapit sa kanya at niyakap. " Sobrang miss huh! " sarcastic kong sabi at niyakap ko rin siya pabalik. " Sobrang miss huh! " pabalik na sabi niya sa akin at mahina kaming napatawa. "Ehem---baka nakalimutan niyo may kasama kayo...hello!" Kakalas na sana ako pero lalo lang naging mahigpit ang pagkayakap ni Shan. "Wag ka muna iistorbo" biro niya. "Ay ganun pala 'yon! ... Di niyo naman sinabi! sana nag cinema muna ako... Diba?" sarcastic nitong reklamo. Natawa kami ng malakas ni Shandon bago kumalas sa isat-isat. "Halika nga dito... Yakapin din kita" akma siyang hihilain ni Shandon ay mataray siyang umiwas. "no need na,,, sinanay ko na ang sarili kong walang kayakap" at umirap sa kawalan. "Ang drama mo parin" at pinitik si Aemie sa noo. "Aray---ouch! naman Shan!!! Di porket sanay na akong masaktan,,, wala na akong pakiramdam...!!! Huhuhu! Ganito na ba talaga ang papel ko sa Mundo!!! sinasaktan nalang lagi! ..." nagkatinginan kaming dalawa at umiling-iling bago tinalikuran si Aemie. "Oy?!---hintayin niyo ako!!!... Pakshet oh!!!! saktan niyo lang ako nang paulit-ulit...pero wag niyo naman akong iwanan!huhuhu!" habang habol niya kami. ---- "so kamusta kana?... Kailan balik sa probinsya nako wala na magandang dilag doon dahil lumuwas na dito... Gusto mo sabay nalang tayo pauwi?" Napagod kami sa kakaikot kanina at nang makaramdam ng gutom ay dagli naman humanap ng makakainan. Napunta kami sa isang eat all you can na restaurant at pabor sakin. Sa tingin ko kaya ko ubusin lahat na naka display na pagkain... Kung puwede sana e take-out... Bakit kaya hindi ako nagdala ng malaking bag. E sana palihim ko na naisuksok ang mga hiniwang lechon sa bag. Napangisi ako sa isiping iyon. Hindi ko lubos maalala kung kailan ako naging patay-gutom... Actually, ngayon lang. Bumaling ako kay Shan na ngayon ay hinihintay pa ang sagot ko. "ano ba ang ginawa mo rito at lumuwas kapa." naitanong ko kaysa sagutin siya. Nag-aalala ako baka malaman niya ang tungkol sa amin ni Wilder at masaktan ko pa siya na hindi ko sinasadya. "Pinuntahan ka dito,,, at sakto naman may pinaasikaso si Dad sakin dito" sabi nito habang todo ang ngiti niya. Ngiti na kinababaliwan ng mga babae sa kanya noon hanggang ngayon. "May inasikaso ka dito,,, yon! yon!... Hindi iyong... ako ang pinunta mo dito." Mataman niya akong tinitigan at umiling.. "Ikaw. Alam no naman sa lahat-lahat. Ikaw ang pinakamahalaga at uunahin ko..." "Iwan ko kung bakit nahihirapan ka makita iyon." malungkot na dagdag nito bagaman nakangiti parin. Parang ma's lalo akong nakukonsensya. Yumuko ako at pinagpatuloy ang walang humpay na pagsubo at pagnguya. Kung maari nga lang ayokong masaktan ko siya... Ayoko ko nakikita siyang nahihirapan kakaantay sa akin. "Ehem!" agaw atensyon ni Aemie. "awkward ano?,,, respito naman kayo sa walang nagmamahal." sarkastikong dagdag nito.. "Pero maghihintay naman ako hanggang sa handa kana, Zia.,,,kahit gaano pa katagal iyan." masigla nitong sabi. "Shandon..." napaangat ang tingin ko sa kanya. "Hangga't wala ka kina huhumalingan ay may pag-asa ako" todo ngiti nito. Sinuklian ko rin siya ginalingan ko para hindi magmukhang pilit iyon. Ma's lalo ako nahihirapan sa pahayag niya. Sa totoo lang... sobrang gwapo nito na hindi rin magpapahuli sa hanay sa pag dating sa physical appearance nito. Saksi ako mula Grade School hanggang College kami kung gaano karami ang pinatili na babae nito. Kung paano ito hinangaan sa angking talinong pinamalas nito noon. Mayaman ito.,,,hindi man kasing-yaman ni Wilder pero may ipagmamalaki rin. Bukod sa Gobernador ang ama ay may iba't iba silang negosyo. Alam ko natuturuan ang puso at ilang beses ko na sinubukan na mahalin siya pero hindi umayon ang lahat. At tanging pagka-kaibigan lang ang maiibigay ko. Napakurap-kurap ako sa kaharap ko, itinaas niya ang tinidor na may nakatusok na karne. "Aaaaaahh" sabi niya habang nakanganga din. Walang malisyang ibinuka ko ang bibig ko para maisubo niya sa akin. Si Shandon parin ang pinaka sweet na lalaki na una ko nakilala... Bukod sa papa ko. Halos pagkamalan na kaming mag-jowa noon. Kahit ang mga magulang niya ay botong-boto sa akin. Lahat ng mga nakakakilala sa amin nag-aantay kung kailan kami magiging official. "Pasubo din ako, Shan!" singit ni Aemie na nilapit pa ang mukha sa kaharap at ngumanga. "Matanda kana, kaya mo na iyan!" "Ay grabi! Grabi! 'Pag sa akin, ang daming rason." at inirapan si Shan... Pinanglakihan naman ako nito ng mata. Sabay naman kami napatawa ni Shandon at sa huli nakisabay na rin si Aemie. Halos gabi na maisipan naming magsiuwi...pinauna namin si Shan sakay ng kotse na dala niya bago kami umalis ni Aemie. "Hindi ka muna ba tutuloy sa loob?" she asked. "Hindi na Aimie...magkita nalang ulit tayo. Gabi na e." sabi ko Sabay baling sa relo ko na suot. Alas 10 na pala. Masyado naparami ang kwentuhan namin at pag-iikot. "Sege,,, text2x nalang huh." sabi niya at nag beso-beso kami bago siya bumaba. "Ingat ka,,," "Ikaw din,,,pasok kana sa loob." "Mahal no talaga ako e no.,,,pakipot ka alang" "Tsk,,, bilisan mo para makauwi na ako." "Hahaha...miss na miss a" panunudyo nito. "Sege na Aemie,,, mahamogan kapa e." "Hahaha. Sege na nga..." sabi nito pero andoon parin ang panunukso. Isang 'ingat' pa ang sinabi niya bago pumasok sa Gate. "Salamat kuya sa paghintay" pagkuwan ay sabi ko sa driver ni Wild. "Wala iyon mam,,, trabaho ko po iyon." sabi niya na saglit akong sinilip sa salamin. At pinasibat ang sasakyan. Inihilig ko ang ulo sa likod ng upuan. Nakauwi na kaya iyon?. /////Ciao! Don't forget to follow my account. Grazie!!! /////
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD