————
Nang makapasok ako sa loob. Hinanap agad ng mga mata ko si Wilder. At nadatnan ko siya sa mini bar niya may hawak na wine glass na may laman. Nakatalikod ito sa kinaroroonan ko.
Kumabog nang matulin ang pag t***k ng puso ko na halos lumuwa na ito sa sobrang bilis. Parang gusto ko siyang takbuhin at yakapin nang mahigpit para maibsan ang sandaling pangungulila ko dito... Ngunit sa huli pinigilan ko ang sarili ko. May takas na luhang dumaloy sa pisngi ko at mabilis ko itong pinahid.
Sobrang miss ko talaga siya. Ang O. A ko.
"What time is it now... Bakit ngayon ka lang nakauwi?." napapitlag ako nang marinig ang boses niya na parang kay tagal ko ito pinangungulilaan.
"AHH, nasobrahan kami sa kwentuhan hindi namin namalayan ang oras." pinilit kong hindi magkanda utal-utal. Nakita ko siyang tatango-tango.
"sino kasama niyo?" napayuko at napaisip ako sa tanong niya.
Sasabihin ko ba na kasama namin si Shan baka alam niya na may kasama kami kanina. Hindi impossible kay wild iyon. Baka naipaalam din ng driver sa kanya.
"Kababata namin galing probinsya..."mula sa pagkatalikod, humarap siya sa'kin nang dahan-dahan at pinakatitigan ako bago umupo sa couch. Hinayon ko ang kinaroroonan niya at habang papalapit ma's naging malinaw sa'kin ang mukha niya.
" Naghapunan kana? " I asked.
" done... You? "
" tapos na rin,,, kumain kasi kami kanina bago umuwi."
"good"
Nang matitigan ko na siya sa malapitan dumapo ang tingin ko sa gilid ng labi niya na may pasa. May kirot akong naramdaman. Pakiramdam ko, ako ang dahilan nito.
Inangat ko ang kamay ko at akmang hahaplusin iyon nang mabilis niyang iniwas ang mukha sabay hawak sa kamay ko. Mabilis niya rin pinulupot ang isang braso niya sa bewang ko at hinila ang katawan ko papalapit sa kanya. Napabitaw din ang isang kamay niya sa kamay ko para maiyakap din sa bewang ko.
"Wild, OK ka lang ba? May problema kaba? " isang malalim na buntong hininga lang ang pinakawalan niya at lalong humigpit ang pagkayakap sa akin. Kahit ang maiinit na hininga niya'y naramdaman ko sa puson ko banda kung saan nakasiksik doon ang ulo niya.
"Wild———"
"I need your hug ... Just your hug. After having a bad day"
Ikinawit ko sa liig niya ang braso ko at iniyakap. "Kung may problema ka sabihin mo sa akin,,, handa ako makinig"
"Don't worry about me, baby... I don't want you to worry...nahihirapan ako"
"I'm sorry, if I didn't come home last night... Umuwi ako sa amin." dagdag pa niya.
"OK lang wild, hindi naman kita na miss"pagbibiro ko.
Halos muntik lang kinaguho ng mundo ko. Sabi ko sa isip.
" You really don't miss me? "
" oo"
Tiningala ako nito. "really?"
"Oo nga,,, ang kulit" inirapan ko pa kunyari.
" really huh...I almost jumped on the terrace just to get home last night... Then you won't miss me anymore" pinaninigkitan pa ako nito ng mga mata habang umiling-iling.
" Ang O.A, wild...bakit sa terrace kung pwede ka lang naman dumaan sa tamang daanan?"
Naramdaman ko ang marahan na pagpiga niya sa bewang ko." tsk, sinisira mo ang banat ko"
"haha! Banat pala iyon!" pang-asar ko na tawa. "OK na sana, iyong na miss mo ako pero ang tatalon ka talaga sa terrace? Binobola mo ako, wild."
Narinig ko ang mahina niyang tawa at hinigpitan ang pagkayakap sa akin.
Pinakatitigan ko naman siya habang nakatingala parin sa akin. May kung ano nagtulak sa akin upang yukuin siya at gawaran ng isang mainit na halik. May ilang segundo na nakapirmi lang sa pagkalapat ang mga labi namin hanggang sa kusa ko itong ginalaw. At tumugon siya.
God knows how much I miss him.
Pakiramdam ko ilang taon kaming hindi nagkita. Pano na kapag dumating ang araw na hindi niya na ako kailangan. Kakayanin ko ba kung ngayon palang nahihirapan na ako na isiping mawawalay siya?.
Pinagbunggo namin ang ilong namin nang kumalas kami sa mainit na halik na iyon...
"are you OK, baby"
"mmm, na miss lang kita."
Narinig ko ang bungisngis niya
"I thought you would not miss me" at ngumuso pa.
"Maaari ba iyon..."
"Kaya nga sabi ko imposible..."
Mula sa glass table inabot niya ang wine glass at inubos ang laman bago ito binalik sa kinalalagyan nito kanina.
Napatili ako nang bigla niya akong pagkuin napasisik ako sa liig niya. Nalalanghap ko ang paborito ko na amoy niya.
"Ang bango mo" Di ko maiwasan ibulalas.
Narinig ko ang munting ngisi niya.
Narinig ko ang pagsara at bukas ng pinto at kalaunan naramdaman ko ang lambot ng kama mula likod ko.
Kinuha niya ang maliit na bag ko mula sa akin at pinatong ito sa mesa na naroon. Maging ang sandals kong suot ay tinanggal niya at itinabi.
"aren't you hungry?"pagkuwan tanong niya. Tanging pag-iling ang naisagot ko.
Mula sa pagkatayo sa gilid ng kama ay humiga siya sa tabi ko kaya umusod ako nang kaunti. Inangat niya ang ulo ko ipinatong nito sa kanyang balikat.
Naramadaman ko ang paghalik niya sa ulo ko bago ipinatong ang baba niya doon. At ang munting haplos niya sa braso ko na kahit simple lang nagbibigay ng kakaibang kilabot iyon. Parang may kuryenting dumadaloy patungo sa iba't ibang parti ng katawan ko. Pambira. Iniyakap ko ang braso ko sa katawan niya.
"Wild"
"mmmm"
"maglilinis ako ng katawan ko"
"Maya ng kaunti, sabay tayo." sabi niya na nagpainit sa pakiramdam ko. Alam niyo naman ang nangyayari kapag sabay kami.Pinilit ko iwala iyon sa sistema ko dahil umiinit ang katawan ko.
"... Let's stay like this first" dagdag niya.
"Pakiramdam ko ano mang oras mawawala ka..." hindi ko na napigilang ibulalas. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"I'm just here, that won't happen"
"... Pero paano kung mangyari" pinilit ko hindi magkada-utal-utal sa pagsasalita dahil pakiramdam ko gumagaralgal na ang boses ko.
"Let's not talk about that first, baby. The important thing... now! ... We're together...Because now, I know I am happy. I am by your side ... If the day comes you will not be by my side. I know myself, I no longer feel this way" pahayag niya na may biglang bumangon na saya sa puso ko. Gusto ko umiyak sa saya. Dahil ngayon alam ko, ako ang gusto niyang kasama. Bago pa man ako humagulhol sa tabi niya kinalas ko ang braso ko at pabirong hinampas siya.
" At sino naman ang babaeng ipapalit mo pagkatapos ko! ..." bumangon narin ako at hinampas-hampas siya kunyari at may kurot pa na kasama. Habang todo ang ngisi.
"Arayyyy! Baby,,, No ———araaaayy!"
"Tsk, bumangon kana diyan para makapaglinis na tayo katawan."
"Later ,,, I will clean you first"
"Ay kadiri ka...!" sabay hampas sa kanya.
"HAHAHA" malakas na tawa ang namayani sa silid. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya.
Akma na akong tatayo pero hinila parin niya ako sa bewang...
"Later, baby———araaaaay!"
"Magsitigil ka nga, Wild...!" hiyaw ko "Ilang usok at alikabok ang sinuong ko kanina..." baliw talaga.
"HAHAHA!!! don't you ———Aray! sadista ka talaga!"
"Tumigil ka Kung Ayaw mong wala ng ibang makinabang diyan sa kaligayahan mo!"
"Sayo naman ito... Ikaw lang ang nais paligayahin nito———ouch!" ayon ang kinabukasan niya ang hinampas ko. "Baby...pano na ako magka-panganay nito." sabi niya habang sapo ang kinabukasan niya at napapangiwi ako. Nalakasan ko ata.
Bahala siya. Tumayo ako sa kama at hinayo ang shower room.
Pagka pasok ko.Doon ko pinakawalan ang nararamdaman ko. Di ko na napigilan ang sunod-sunod na pagdaloy nang luha ko.
Why are you so emotional, Zia.
Ang O.A mo na! Saway ko sa sarili.
Ikaw kaya, isipin mo ang taong mahal na mahal mo ngayon sa susunod iba na nag katabi. Oo, mahal ko na siya.