16-First day

1863 Words
"Welcome to Amanpulo island Ms. De Guzman and Mr. Yvañez," bati sa'min ng ilang mga tao pagbaba namin ng jet plane. Isang oras lang ang tinakbo nito para makapunta kami rito. Ito ang isa sa mga hindi ko pa napupuntahan dito sa Palawan. Lagi kasing puno ang reservation dito dahil inaalagaan nila ang isla. Kaya iilan ang tinatanggap nila, I heard mahal ang villas per night. "Kami po ang maghahatid sa inyo papunta sa villa. Sumunod na lang po kayo sa'min." Para akong ignorante sa mga nangyayari. Nung una jet plane, tapos ngayon villa na kakasabi ko lang na mahal every night and stay. Katulad kanina, hawak ni Castriel ang kamay ko habang papunta kami sa villa na sinasabi nila. Mangilan ngilan lang ang nakikita kong pagala-gala sa paligid. Ramdam na ramdam mo rin ang preskong simoy ng hangin na nanggagaling sa dagat. Lahat ng isla sa Palawan ay napakaganda. How I wish hindi ito matulad sa Boracay na kailangan pa nilang isara ng ilang months I think, bago buksan. "Goodmorning Ms. De Guzman and Mr. Yvañez! We will be your chef and butler here at your villa." Muntik na akong mapatago sa likod ni Castriel sa unang pagsigaw nila pagdating pa lang namin. Ganito na ba ka-professional ang mga tao ngayon? Pilit na ngiti ang binigay ko bago muling nagpahila kay Castriel papasok sa loob. Paglingon ko sa living room, nakita ko ang dalawang juice sa ibabaw nito kasama ang ilang pagkain. Busog pa ako sa kinain ko, kaya hindi ako naaakit nito. Kung si Castriel siguro ang nasa ibabaw niyan baka maa--baliw ka Miriana! Baliw ka. "Halika may ipapakita ako sa'yo," sabi niya na ikinaalis ng tingin ko sa mesa. Wala na ang suot niyang shades kaya kitang kita ko na ang mata nito. Pinasadahan ko pa ng tingin ang nakabukas nitong polo na nagpalunok ng kaunti sa'kin. Iilang butones lang ang nakabukas pero bat 'yun ang nakita ko? Pwede namang ang buong villa na lang noh? "Close your eyes first." Humarang pa siya sa harap ko na ikinatingala ko. Matangkad pa rin siya sa'kin ng ilang inch lang naman, mas matangkad pa rin si Richard sa kanya. 'Bat napasok sa isip mo si Richard?' Sinunod ko ang sinabi niya, pumikit ako. Hindi ako umaasa sa susunod na naman niyang surpresa, sapat na sa'kin ang makasama siya. Binitawan niya ang kamay kong hawak niya ngunit nanatili lang ako sa aking kinatatayuan. Sa bawat segundo, parang binibilang ko ito, hinihintay ang mga susunod na mangyayari. "Open your eyes." Pagmulat ko, nasa harapan ko pa rin siya. May hawak siyang isang pink rose na nakatapat sa labi niya. It's my favorite flower. Kinuha ko ito't pinagmasdan. Ilang bulaklak pa ba ang ibibigay niya? Bakit? Bakit sumasagi na naman sa utak ko si Richard? Naalala ko tuloy ang araw na sinabihan ko siya ng masasakit na salita. It's my favorite flower, but because of what happened, I can't be completely happy that Castriel gave me this. "Masyado ng maraming efforts ang ginagawa mo. How can I return all of this?" wala sa sarili kong saad. "Just stay by my side, that's all I want. Marami? Hindi pa ako nagsisimula para siguruhing sa bawat araw na kasama mo ako'y nakangiti ka at masaya. Remember... you're my Miriana. I can do everything because you are part of my life," seryoso nitong sagot. Pinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya bago siya bigyan ng isang halik sa kanyang labi. This makes it more natural for me. Imbis na gulat ang makita ko sa mukha niya katulad ng pinapakita nito kapag ninanakawan ko siya ng halik. Nginitian niya lang ako bago ipulupot ang kamay nito sa bewang ko na mas nagpalapit sa'kin. "So... can you promise you will never leave me?" tanong ko. Nilapit nito ang mukha sa'kin, ngunit dumiretso ang mukha nito sa kaliwa kong tenga. "Even if I die, I will never leave you. Because you are mine... and I am all yours, Miriana. I can make you happy more than you can ask for." Napakapit ako sa kanya ng maigi ng dampian niya ng halik ang leeg ko. "Are you really going to let me eat my food in the morning?" bulong niya sa pagitan ng pagdampi nito ng halik. Lumuwang ang pagkakapulupot ng kamay ko sa sinabi niya. Lalayo sana ako pero naunahan niya ako sa biglang pagbuhat nito sa'kin. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil doon. Naglakad siya papunta sa kwarto na mas lalong nagpakaba sa'kin. Napatingin pa ako sa kanya ng ibaba niya ako sa kama. "But of course I know how to wait until my food is ready to eat." Pinisil niya ang pisngi ko. Napakurap ako sa nangyari, don't tell me umasa ka Miriana? Wala pang kayo baka nakakalimutan mo. 'Wala pang kayo pero may nangyari na bago pa man kayo magligawan.' "Rest for a while, I'll be in the other room. Call me if you need something, I'm just going to prepare something." Pinanood ko siyang lumabas ng kwarto ng hindi ito sinasagot. Pag-alis na pag-alis niya, natakpan ko ang mukha ko sa sobrang hiya. Anong itsura ko habang nakatingin sa kanya? Feeling ko mukha akong tanga. "Miriana... ayusin mo ang sarili mo." ▪▪▪ Inayos ko muna ang robe na suot ko paglabas ko ng banyo, napagdesisyunan ko kasing maligo muna dahil nanlalagkit ako. Hindi naman ganun kainit pero mas mape-preskuhan ako kapag naligo ako kahit papaano. "Nasaan nga pala ang gamit ko?" Napakamot ako sa ulo ko ng wala akong makita na bag na nakalapag kahit sa sulok ng kwartong ito. Lalabas na sana ako para magtanong ng mahagip ng mata ko ang isang sticky note sa side table ng kama. 'There are clothes inside the closet, I hope you like them.' ~Yours Napalingon ako sa closet na nasa gilid lang ng kama. Pagbukas ko rito, bumungad sa'kin ang ilang summer dress, off shoulder dress, night gown, silk pajamas and shirt. Even two piece with matching see through summer dress kung ayaw mong magsuot lang ng two piece. May ilan ding hats na iba't ibang klase ang laki. Sa baba nito ay ilang sandals na mukhang bagong bili. Napansin ko ang drawer nito sa gitna na binuksan ko. Pagbukas ko, bumungad sa'kin ang ilang accessories na naaayon sa mga dress na nandito ngayon. "Kaya ba sinabi niyang unti lang ang dalhin ko?" Hinanap ko ang bag ko na nasa gilid lang. Iniisip ko tuloy kung isusuot ko ba ang dala kong damit. Itong hinanda niya rito ay mas maganda kumpara sa mga dala ko. Pero ayoko namang isuot ito dahil nahihiya pa rin talaga ako. Pikit mata kong kinuha ang isang white dress na hanggang tuhod ang haba. Backless ang likod nito at long sleeves siya. Napaka-simple ng itsura pero gusto ko, mahilig kasi ako sa mga simple lang pero maganda sa mata. I prefer wearing clothes na hindi masyadong nao-over power ang itsura ko. Alam kong maganda ako dahil 'yun ang naririnig ko sa mga taong nakakasalamuha ko. Pero mas maganda pa rin ang natural na ganda. Hindi ako against sa mga gumagamit ng make-up dahil maski ako'y gumagamit din. Sadyang hindi lang ako katulad ng ibang babae na halos matakpan na ng make-up ang mukha nila. It can boost their confidence, but it can eventually destroy them if they don't know their limits. Nahihiya man akong isuot ang hinanda niyang mga damit, sinuot ko pa rin ang kinuha ko dahil ayokong makita siyang disappointed sa hindi ko pagsuot ng mga ito. Gusto kong ipakita sa kanyang naa-appreciate ko ang bawat effort na binubuhos niya. I want him to feel comfortable in every action he does, as well as how comfortable I feel with him. Pinatuyo ko lang saglit ang buhok ko. Balak ko sanang ilugay kaso naiinitan pa rin ako kaunti kaya napagdesisyunan kong ayusin. Messy bun ang napili ko dahil mahaba naman ito. At sa tingin ko babagay ang ayos na ito sa suot ko. Kumuha rin ako ng silver necklace at sandal na magko-compliment sa buo kong suot. Humarap ako sa salamin para tignan ang itsura ko. Napangiti ako ng makitang bagay na bagay sa'kin ang dress. Mukha akong inosenteng bata. Paalis na ako sa harap ng salamin ng lumitaw na lang sa harapan ko si Castriel. Naka-white polo siya na may nakasabit na shades dito. May suot din siyang relo, naka-dark brown shorts siya, a sandal for men na bumabagay sa buo niyang suot. At ang ayos ng buhok niya na may pagkamagulo pero mas lalo siyang gumwapo dahil sa ilang kulot nitong buhok. "Kanina ka pa pumasok?" tanong ko. "Hindi naman, kakapasok ko lang. Katulad ng iniisip ko, bagay na bagay sa'yo. Ako ang mismong kumuha nito dahil alam kong ito ang una mong isusuot." "And you look elegant in that white polo shirt." Balik kong compliment. Inayos ko ito ng kaunti saka binalik ang tingin sa kanya. Sinunod ko ang buhok nitong tumatakip sa mukha niya para naman hindi siya ganun kaakit-akit tignan. "You're making me blush," mahina niyang bulong. Pano pa ako na parang halos araw-araw? It's fair. "You should be. Tapos mo na ang ginagawa mo?" Umiling siya. "Then bakit ka nandito kung hindi mo pa pala tapos?" "Na-miss kita, dapat ba isang kwarto lang ang kinuha ko?" nakasimangot niyang sabi. Inaasahan kong one bedroom ang kukunin niya pero nagulat ako ng two bedrooms which I think is sweet. Isa lang ang ibig sabihin nun, inisip niyang baka hindi ako maging kumportable kapag matutulog kami sa isang kwarto. Kahit na natulog na kami sa iisang kama nung araw na lasing siya at may nangyari. "But on the other side, I want to respect your privacy kaya ito ang kinuha ko." "You can sleep here if you want," biglang sabi ko na ikinatigil ko sa pag-aayos ng buhok niya. "I can?" malawak na ngiting tugon niya. Tumikhim ako saglit bago ipagpatuloy ang kunwaring pag-aayos ng buhok niya kahit na wala naman ng aayusin. "That's your choice, malawak naman ang kama." Feeling ko sa bawat pagsagot ko sa kanya iba ang naiisip ko. Ako lang ba o sadyang may inaasahan talaga ako? Kasalanan niya ito, kung wala sigurong nangyari. Shut up Miriana, you are the one who suggests going to the bathroom that day. Kasalanan mo. "Okay, I'll sleep here tonight." Tinigil ko na ang pag-aayos ko sa buhok niya. "Tapusin mo na ang ginagawa mo para makapaglibot tayo," pag-iiba ko ng usapan. "Can I do my work here?" parang bata niyang pakiusap. "Can I watch you then?" balik kong tanong. Natawa kami sa tanong namin sa isa't isa. "You can watch me, but you can't see what I'm doing on my laptop. Mawawala ang surprise ko niyan sa'yo." Ngumiti naman ako. "Hindi ako titingin. While you're doing your work, I will start my resume para hindi ko na isipin pa pagbalik." "Do you need help?" "Hmm... is that cheating because you're a teacher? Sir Castriel," halos pabulong kong sabi para tuksuhin siya. "Stop teasing me Miriana," panggagaya nitong sabi sa sinabi ko kanina sa plane. Isang irap ang binigay ko bago siya itulak ng mahina. "Gawin mo na ang gagawin mo. We're here for a vacation."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD