15-3 days with Him

1513 Words
Mas lalo akong nagi-guilty ng tumawag kanina sa'kin si Dale, sinasabing kasama niya sila Liana. Sayang daw dahil hindi ako kasama, kung tama ang pagkakarinig ko nasa Nacpan beach sila ngayon. Nalaman niya kasing nandoon ang favorite model niya from Paris para mag-shooting kaya wala na siyang inisip pa kung saang beach sila pupunta. Automatic ng doon sila dideretso, gagawin ni Dale ang lahat makita lang ng harapan ang model na 'yun. I can't even imagine how happy he is right now. Sorry Dale for lying. "Good morning ma'am and sir," bungad na sabi ng isang flight attendant na lumapit sa'min pagbaba pa lang namin ng kotse. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, nahihiya kasi akong magtanong pero sinabi niya sa'kin na pupunta kami sa isang private island around Palawan. Maraming island sa Palawan na napuntahan ko na pero hindi ako sigurado kung saan doon. Sinabi niya rin sa'kin na unti lang ang dalhin ko para hindi ako mabigatan. Sinunod ko naman siya ang kaso... mukhang nagkamali ako ng desisyon. Alam kong tatlong araw lang kami roon, but this is my first time being with him in a vacation. I want to look good at least. "Your private pilot is waiting, this way, please." Napatingin ako kay Castriel na naka-shades ngayon. Dahil sa shades niya, hindi ko makita kung anong reaksyon niya ng tumingin ako sa kanya. Hinawakan niya lang ang kamay ko saka ngumiti. Magtatanong pa sana ako pero hinila na niya ako pasunod sa flight attendant kasama ang ilang taong dala-dala ang mga gamit namin. Dumiretso kami sa private part ng airport kung saan kami lang ang taong dumadaan doon. Nagulat pa ako ng pagdating namin sa runway, una kong nakita ang nag-iisang jet plane na mukhang kami ang hinihintay. Alam kong may kaya si Castriel dahil na rin sa mga mamahalin niyang suot kapag nakikita namin siya sa school. Pero hindi ko inaasahamg ganito siya kayaman to think na he's a professor. Katulad niya ba sila Dale? I've been in a private jet for how many times kaya hindi na bago ito sa'kin. Sadyang nagulat lang ako. "Have a safe flight," nakangiting sabi ng flight attendant paghatid niya sa'min. Akala ko siya ang magiging flight attendant namin pero dahil umalis siya, mukhang magkaiba. Palapit kami ng palapit sa plane, nakikita ko na ang hindi kahabaang red carpet na nakalatag sa mismong pasukan nito. Oo nakasakay na ako ng private jet, pero this is my first time seeing a red carpet. "Mr. Yvañez," nakangiting tawag ng isang lalaking sumalubong sa'min. Mukhang siya ang pilot dahil sa uniform nito, katabi niya ang isang flight attendant na nakangiti rin sa amin. "Frederick, nakahanda na ba ang lahat?" "Yes sir, siniguro po namin." "Kung ganun tara na, para makapagpahinga kami pagdating doon." Hindi ako sigurado kung ano ang sinasabi nilang nakahanda. Pero hindi na lang ako nagtanong dahil mukhang mahilig sa surpresa itong si Castriel. Nanguna sa'min ang flight attendant na sinundan namin. Hawak pa rin ni Castriel ang kamay kong mukhang ayaw niyang bitawan. Nang dumaan kami sa red carpet, feeling ko isa kaming importanteng tao. Hindi ba mga royals or presidente ang nilalatagan nila ng red carpet? I forgot, even billionares. "Castriel..." "Nagustuhan mo ba?" Pink and white petals are on the floor guiding me and Castriel to our seats. The table in front of our seat has a flower but it is inside of a velvet box like the one he had given me at the restaurant, but this time it is much larger. There is also champagne and two glasses of wine. Balloons are everywhere but it is not overwhelming. This is so romantic. "Since when did you plan this?" "Since the day I was attracted to you," bulong niya sa tenga ko na kumiliti rito. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko kaya tumikhim ako bago naglakad palapit sa upuan namin. "What do you want to eat?" tanong niya pag-upo namin. Magkaharap kami ngayon na mas lalong nagpapainit ng pisngi ko. I can't see his eyes because of the sunglasses he's wearing, but his smile is enough to see how genuine he is right now. "A bread?" wala sa sarili kong sabi. Natawa siya sa narinig niya na nagpabalik sa'kin sa wisyo. Miriana! Bumalik ka nga sa dati mong utak! Nagmumukha kang tanga sa ginagawa mo! "You heard what my Miriana said, please give us the best bread you can give." Ngingiting umalis ang flight attendant sa harap namin kaya napayuko ako. Bakit ba kasi siya ganito? Ang hilig niya sa surpresa, buti na lang hindi ako inaatake sa puso. Sa kilig lang, bentang benta na ako sa sitwasyong ganito. Lalo na kapag tinatawag niya akong 'My Miriana'. "My Miriana..." he said in a sweet tone. I can't, please stop Castriel. Hindi na ako makahinga ng maayos. "Stop teasing me," mahina kong sabi. Ewan ko lang kung narinig niya pero hiyang hiya na talaga ako. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Lumingon ako sa gilid ko't sakto dahil may nakita akong table napkin. Kinuha ko ito saka binuklat bago pinantakip sa aking mukha. Hindi ko siya maharap, masyado akong nahihiya. Dapat ba sumama na lang ako kay Dale? I hate this. "Okay, I won't, just look at me first." Umiling ako. Mas tinakpan ko ang mukha ko pero ni isang tawa mula sa kanya'y wala na akong narinig. Naramdaman ko na lang na may humawak ng dalawa kong kamay at inalis ito sa aking mukha. "I'm sorry," nag-aalalang paumanhim ni Castriel ng makita ko ang mukha niya. "I'm sorry... it won't happen again, promise." Bakit ba siya ganito? Inangat ko ng buo ang aking ulo para makita siya. Come on Miriana, be confident. You're so lucky to have him. Mas lalo mo lang pinapakitang parang tinitake-advantage mo lang siya through your actions. "What can I do to make you feel better? Hmm?" Agad na bumaba ang tingin ko sa labi niya. Gamit ng isa kong kamay, hinawakan ko siya sa kanyang pisngi saka hinaplos ang labi niya gamit ng aking hinlalaki. "Smile for me Castriel. That's the only thing that can make me feel better." Nawala ang pag-aalala sa mukha niya ng sabihin ko 'yun. "Just for you." Sumilay sa labi niya ang isang ngiti na parang lagi ko na lang hinihintay na makita. That smile that makes me feel happy, I just want to see it everyday. I even want to ki-- Natigil ako sa pag-iisip ng mabilis niya akong halikan sa tungki ng ilong ko. Saglit niya ring hinawakan ang kamay ko na nilapatan niya ng isang mainit na halik. "Your bread is here." Napaayos ako ng upo sa pagdating ng flight attendant. Dala-dala nito ang tray na may lamang tinapay, ngunit akala ko 'yun lang ang dala niya. Paglapag nito ng isang basket ng tinapay, may nilapag pa siyang plato na may lamang pagkain. English breakfast. "Hindi naman ako papayag na tinapay lang ang kakainin mo ngayong umaga. That's why I prepared you a breakfast para hindi ka magutom sa gagawin natin mamaya." Gagawin? Ano bang gagawin namin? 'Hoy! Miriana alam ko ang iniisip mo.' Napapikit ako sandali sa sinabi ng utak ko. Kung ano-ano na namang iniisip mo Miriana, napakarumi ng utak. "Thank you," pasalamat kong sabi sa flight attendant na nginitian lang ako bago umalis. Nakita niya ba ang drama ko rito kanina? Gosh... ilang kahihiyan pa ba ang gagawin ko para matauhan? "Ikaw? Hindi ka kakain?" tanong ko ng makitang kape lang ang nasa harap niya. "Hindi ako kumakain ng umagahan." Tinignan ko ang pagkaing nasa harap ko. This is not just a simple english breakfast na kaya kong lutuin sa bahay. This food plate can be in a cover magazine, I'm not a food critic, but this may really surprise anyone who might see it. I bet a chef made this because of the near-perfect view I'm seeing right now. "Hindi mo ba gusto?" Rinig kong sabi ni Castriel. Imbis na sagutin ang tanong niya, kinuha ko ang utensils. Ginamit ko ito para kumuha ng pagkain bago itapat sa kanya ang tinidor na may tinapay, itlog at bacon. 'Yan lang muna kasi baka hindi niya masubo kapag dinagdag ko ang iba pa. "Kumain ka rin, I can't eat if you're just going to have a coffee." Akala ko mangangalay ako sa pagtapat sa kanya ng pagkain o kaya'y tatanggihan niya. Pero hinawakan niya agad ang kamay ko saka sinubo ang pagkaing nasa tinidor. Napalunok pa ako ng makitang nakatitig lang siya sa'kin habang ginagawa 'yun. Buti na lang talaga at nakasuot pa rin ang shades niya kundi baka himatayin ako sa kanyang titig. "One bite is enough, I'll have the rest later," makahulugan niyang sabi na nagpabilis ng pintig ng aking pulso. He even licked up the sauce that's left on those lips that I can't bear to watch any longer. Stop Miriana, kung ano-ano na namang tumatakbo sa isipan mo. Alanganin akong ngumiti sa kanya bago ituon ang sarili sa pagkaing nasa harapan ko lamang. Can I? Can I really be with him for the remaining days of this short vacation?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD