14- One kiss, goodnight

1811 Words
"Miriana!" Napatingin ako kay Dale sa pagsigaw niyang 'yun. "Bakit ba sigaw ka ng sigaw?" may kaunting irita kong tanong. "Ay wow... hiya naman ako sa'yo. Baka kasi kanina pa kita tinatawag, noh?" Isang irap ang sinagot ko sa kanya bago magpatuloy sa sinusulat ko. "Hindi ko narinig. Nagsusulat ako." "Nagsusulat? Nagsusulat ka sa lagay na 'yan?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Umiling pa siya bago lumapit sa'kin. Pinanood ko siya kung paano nito kunin ang ballpen sa'kin na nakabaliktad pala. "Lutang ka ba sis o sadyang umalis na ang utak mo para hindi mapansin na baliktad ang ballpen mo?" Naibaba ko ang ballpen saka sumandal sa upuan. "May iniisip lang--aray naman!" Sinamaan ko siya ng tingin ng kurutin niya ako sa tagiliran ko. Mataman niya rin akong tinignan na alam ko na kung saan patutungo. "May nangyari ba sa'yo na hindi ko alam?" mapanuri nitong tanong. Humalukipkip siya kaya nagmumukha siyang... ano ba ang pwedeng itawag sa kanya? Yayamaning tao pero ubod ng arte sa katawan. "Nangyari? Wala naman." Bukod sa ginawa kagabi ni Castriel, wala naman. "'Wag mo akong gawing tanga Miriana. Mula pagpasok mo hindi na naalis sa labi mo 'yang malawak na ngiti. Kaya sabihin mo, anong nangyari?" Ngumingiti ako? Parang hindi naman, ah. "Don't tell me may namamagitan na sa inyo ni Richard ng hindi ko alam? Kunwari lang ba siyang umal--" "Walang namamagitan sa'min," pagpuputol ko sa kanya na ikinawala ng ngiti sa'king labi. Mali si Dale, maling mali. "Edi kung wala. Anong nginingiti ngiti mo?" Si Castriel. "Natutuwa lang ako dahil wala tayong pasok next week. At tiyaka masama na bang ngumiti ngayon?" "Masama kung pati yang pagngiti mo'y nakakaapekto na sa utak mo." Tinignan niya ang ballpen ko na nagpabuntong hininga sa'kin. Ano ba kasi Miriana, 'wag mo masyadong isipin ang nangyari kagabi para ka na tuloy baliw. "Fine. Edi 'wag." Pagsusungit ko. Umirap siya. "Maiba tayo ng usapan, so anong balak mo next week? Magkukulong?" Naisip ko na 'yan. Balak kong mag-tutor muna para dagdag income sa bahay. Isa pa magpahinga syempre, isisingit singit ko na lang sa gagawin kong schedule 'yun. "Mag-tutor ako," tipid kong sagot. Binalik ko na ang aking tingin sa sinusulat ko. Ngayon, siniguro kong maayos na ang paghawak ko sa ballpen. "Hindi ka pwedeng sumama sa'kin?" may pagkalungkot nitong tugon. "Saan na naman?" "Sa beach, mag-party ganun. Sige na Miriana, sama ka na sa'kin." Pinulupot nito ang kamay niya sa braso ko na nagpahinto sa'kin sa pagsusulat. Inalis ko ang kamay niya saka umiling. "Ikaw na lang. Imbitahin mo sila Liana, alam mo namang kailangan ko rin ng income." "Babayaran kita, basta sumama ka sa'kin okay?" 'Yan na naman siya. Marami na siyang tulong na binigay sa'kin. Sa tuwing iimbitahin niya ako ganito ang lagi niyang sinasabi. Nakakahiya na dahil parang nagmumukha akong mukhang pera. Kaibigan ko siya pero ayoko siyang abusuhin. "I can't Dale, I'm sorry sa susunod na lang." Ngumuso siya bago lumayo sa'kin. "Fine. Sa susunod, ah sasama ka na sa'kin." Tumango ako kaya humarap na siya sa ginagawa niya. Only child lang kasi si Dale kaya ganyan siya kung umakto. Sinabi niya pa nun na ako na lang daw ang kapatid niya to the point na pinakilala niya ako agad nun sa magulang niya nung naging close kami. Natawa pa ako kasi pagpasok ko pa lang ng bahay akala na nila naging straight na si Dale sa pag-aakalang girlfriend niya ako. Hindi ko makalimutan kung gaano sila ka-disappoint noon. Sabi pa ni Tita, sinagot na ni Buddha ang dasal niya. Si Dale rin ang naging dahilan kung bakit ko nakilala si Richard. Close ang nanay ng dalawang 'yun at para silang kambal dahil sa ugali nilang hindi nalalayo sa isa't isa. "Kayo po ba si Ate Miriana?" Napatingin ako sa nagsalita, isa siyang babae na mukhang mabait naman. Nakangiti ito sa'kin habang may hawak na isang paper bag. Mukha siyang first year dahil sa color ng i.d nito sa gilid. "Siya nga bakit?" sagot ni Dale ng tignan ko lang ang babae. I'm not that friendly kaya unti lang ang kaibigan ko. Kung may kakausap man sa'kin titignan ko muna ito bago kausapin. I'm more on observing people rather than talking to them first. "May nagpapaabot po kasi nito. Pinapasabi rin po niya na ang ganda raw po ng suot niyong dress ngayon." Imbis na ako ang kukuha ng paper bag, si Dale ang nanguna dahil hindi ako agad naka-react sa huli kong narinig. "Sino ang nagpapaabot?" tanong ko. "Hindi ko po mamukhaan dahil natatakpan po siya ng face mask at glasses. Pero matangkad po siya at may magandang boses kahit na mukhang tinatago niya po ang totoo niyang boses." "Ah... salamat dito." "Sige po!" energetic nitong sagot. Pinanood ko siyang umalis dahil tumatalon talon pa siya na nagpangiti sa'kin kahit papaano. Paglingon ko kay Dale, napailing ako dahil nilabas niya lahat ng laman. Puro pagkain ang laman nito na ngayo'y nilalamon na niya. "Akin na lang itong pagkain, sa'yo na 'yang letter," abala niyang sabi na nilapag sa notebook ko ang card. Imbis na sawayin, hinayaan ko siya kaysa 'yung magtanong siya kung sino ang nagbigay. Dahil kahit hindi ko tanungin, isang tao lang ang gagawa nito. Scented card paper ang ginamit niya at ito ang una kong naamoy ng hawakan ko ito. 'Ayokong magutom ka kaya binilhan kita ng mga pagkain na sa tingin ko magugustuhan mo. I hope you eat it all. Don't forget to eat first before studying okay?' ~Yours "Ang saya naman ng buhay mo," sabi ni Dale. Sinara ko ang card, hindi ko alam kung nabasa ba ito ni Dale pero mukhang hindi naman. Basta may pagkain wala na siyang pakialam sa iba. Kumuha ako ng tissue sa bag ko't inabot ito sa kanya. Kahit kailan talaga, napakakalat kumain. "Paano mo nasabing masaya ang buhay ko?" Kinuha ko ang ice coffee na hindi ginalaw ni Dale dahil hindi siya mahilig sa kape. Ayos na ako rito kahit sa kanya na ang iba. I felt bad dahil gusto ni Castriel na kainin ko lahat ng laman ng paper bag. Pero inunahan ako ni Dale kaya hayaan na natin. "May matataas kang grades, gusto ka ni Richard, maganda ka pangit lang ang ugali, matalino, masipag, tapos ngayon... may nanliligaw na sa'yo." Makapangit siya ng ugali parang ang ganda ng kanya. "Pano mo nalaman na gusto ako ni Richard?" Sa pagkakaalala ko, wala pa akong sinasabi sa kanya tungkol doon. "Duh... matagal ko ng alam. Hindi bubuntot buntot sa'yo si Richard kung wala siyang gusto sa'yo. Sa lahat ng nakasama niyang babae except sa ex niya syempre, ikaw lang ang hindi niya maiwan iwan. Isa pa, seloso siyang tao kaya nga pinili niyang maging teacher dito. Pero mukhang may iba ka ng gusto kaya umalis siya. Nakita ko na lahat ng away niyo, 'yung iba pa dun malala pero hindi siya umalis. I wonder kung 'yung nagbigay sa'yo nito ang pinagpalit mo sa kanya," mahaba niyang paliwanag. Kahit hindi niya sabihin, gusto niya sa'kin tanungin ang sinasabi niyang manliligaw ko. Pero mas alam niyang hindi ko ito sasagutin agad. "Kumain ka na lang," tanging tugon ko. Kung patuloy niyang sasabihin ang pangalan ni Richard, baka hindi ko maalis sa isipan ko ang guilt na nararamdam ko hanggang ngayon. I've wasted my tears because of what happened. And Richard was the first person I cried after what happened to my whole family when I was 16 years old. Should I say that he should be grateful that I cried? Because that just means he is really special to me. "Sige itanggi mo pa. Basta kapag naging kayo ng manliligaw mo sabihin mo sa'kin para makilatis ko kung anong lamang niya kay Richard." Hindi naman halatang boto siya sa kanya, noh? Paano kapag sinabi kong si Castriel? Magdidiwang ba siya? In the first place, early gift ko na ang ginawa niyang pagiging class representative ko. "Mas naku-curious ako kung sino ito sa ngiti mong 'yan." Sumingkit ang mata niya na nakatingin sa'kin. May subo pa siyang garlic bread na mas lalong nagpangiti sa'kin. This is one of the reason kaya naging kaibigan ko si Dale. Hindi niya ako pipilitin na magsabi sa kanya. Kumbaga hahayaan niya akong magkwento hanggang makuha niya ang sagot. "Ewan ko sa'yo. 'Wag kang magkalat." Ayokong madaliing sagutin si Castriel. Sadyang iniisip ko na ngayon kung anong magiging reaksyon ni Dale kapag nalaman niya. ▪▪▪ "Gusto mong pumasok?" tanong ko kay Castriel paghinto namin sa harap ng bahay. Wala masyadong nangyari kanina after class. Akala ko hindi ko siya makikita kanina pero nagulat na lang ako na naghihintay siya sa labas ng school. Nilayo niya pa ang kotse niya para walang makakita sa'min. Hindi rin kasi kami sabay na umalis ni Dale dahil may pinuntahan siya kaya mag-isa ko lang kanina. "Hindi na, you need to rest." Inalis ko na ang seatbelt ko't hinarap siya. "Drive safe." Aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko. "Before you go, may balak ka ba next week?" Napaisip ako saglit. "Magtu-tutor ako then maybe prepare the needed materials for OJT, then review for upcoming exams. Bakit mo natanong?" Mukhang na-disappoint siya kaunti pero napalitan din agad 'yun ng isang ngiti. "Okay, I'll visit you here then," nay ngiti sa labi nitong sabi. "Alam kong may gusto kang sabihin kaya mo natanong. Tell me... what is it?" "It's fine kalimutan mo na lang," nakangiti pa rin niyang sabi. Humarap ako sa kanya para makita ko siya ng maigi. "Hindi ako lalabas ng kotseng ito hangga't hindi mo sinasabi sa'kin." I need to know para hindi ako puro tanong sa sarili ko. Lalo na't nakakita ako ng disappointment sa mukha niya. Bumuntong hininga siya. "I want to invite you on a 3-5 days vacation, but if you're busy that's fine, I understand." Napaisip ako. Umayaw ako kay Dale dahil sa kadahilanang kailangan ko ng dagdag income. Pero bakit kapag si Castriel ang nakikita kong may malungkot na mata parang gusto kong um-oo kahit na parang ang unfair sa side ni Dale? "Don't overthink about it, I j--" hinila ko siya sa collar niya at pikit matang nilapat ang aking labi sa kanyang labi. Ramdam ko ang pagkagulat niya na kalauna'y nawala ng simulan niyang igalaw ang kanyang labi. Ewan ko kung bakit ganito ang naging galaw ko pero hindi ko talaga kayang makita siyang malungkot. Mukhang nahulog na nga talaga ako sa kanya. Is this bad? "3 days," sabi ko paghiwalay ko sa kanya. Nakatitig lang siya sa'kin habang ako'y nakahawak pa rin sa collar niya. "I'll pick you up tomorrow so you have more days to do other things," nakangiti niyang sabi. Nginitian ko rin siya bago bitawan ang kanyang collar. Ngunit hindi pa man ako nalalayo nang hilain niya ako. Sa pagkakataong ito, isang mabilis na halik ang iniwan niya sa'king labi. "Goodnight my Miriana."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD