13-Can I?

1955 Words
It's been days since Richard left. Tinawagan ko si Tita para tanungin kung saang bansa siya pumunta pero maski siya hindi niya alam. Matapos niyang lumipad papunta sa Canada, nag-book na naman siya papunta sa iba pang bansa. At kung saan 'yun? 'Yun ang hindi ko alam. Tinanong ako ni Tita kung anong dahilan ng pag-aaway namin pero hindi ko masabi dahil ayokong isipin niya pa ito. I feel bad but this is all I can do for now. Siguro hindi ko na lang muna iisipin at itutuon ko na lang ang aking pansin sa pag-aaral. May ilang weeks na lang na natitira bago ang OJT, I can't mess that up. Graduating na rin ako kaya kailangan kong magseryoso. "Miriana..." tawag sa'kin ni Dale na nasa tabi ko lang. May quiz kasi kami ngayon at ang binabae, hindi man lang nag-review. Ewan ko na lang talaga sa kanya kung anong magiging buhay niya pag namatay ang magulang nito. Hindi ko alam kung kaya niyang i-manage lahat ng business nila pag nagkataon. Hindi ko siya pinansin at tinuloy ang pagsagot. Ilang minuto ang nakakalipas, sinipa niya ng mahina ang paa ko na nagpapikit sa'kin. "Pakopya, sige na." Nagmamakaawa siya ngayon sa lagay niyang 'yan. Kasanalan ko? Kasalanan kong hindi siya nag-review? Umubo ako saglit para lumayo sa kanya. Pahaba ang upuan namin kaya pwede akong lumayo. Buti na lang at wala akong katabi kundi baka akalain pa na nangongopya ako. "Miria--" "May problema ba Mr. Cristoval?" Halos sabay-sabay na napatingin ang mga studyante sa direksyon namin sa tanong na 'yun ng professor sa harap. Saglit kong tinignan si Dale na nakasimangot na ngayon. "None ma'am," bagot niyang sagot bago yumuko sa hiya. Sa susunod kasi Dale mag-aral ka na ng maigi. Natapos ang quiz na hindi nasagutan ni Dale ang iba. Halatang nagtatampo siya pero hindi ko naman pwedeng gawin 'yun. Kailan siya matututo diba? "Ang damot mo," nakasimangot niyang sabi ng makalabas kami ng room. Binigay ko sa kanya ang notebook ko na ikinataka niya. "Malapit na ang exam kaya mag-review ka. You can photocopy that tapos ibalik mo sa'kin. Naka-summarize na lahat ng topics d'yan." "Hmmmp... kahit na ipapahiram mo ito nagtatampo pa rin ako sa'yo." Natawa ako sa inaakto niya. "Kailangan mong matuto Dale, tara na nagugutom na ako." Nagpauna na siya dahil gusto nung sinusuyo. Asa pa siyang susuyuin ko, kusa ako nung kakausapin kaya hahayaan ko na lang. Napahinto ako saglit sa pagsunod kay Dale ng mag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito mula sa loob ng bag para tignan kung sino ang nag-text o chat. Castriel Ybañez: Meet me in my office after class. Ano na naman ang sasabihin niya? "Hoy babae! Tatayo ka na lang ba diyan?!" Inalis ko ang aking tingin sa phone sa sigaw na 'yun ni Dale. Kahit kailan talaga ang binabaeng ito, walang kahiya hiya sa katawan. "Oo na!" balik kong sigaw na tinago muli sa bag ang phone. Kung anong sasabihin niya, makikita ko mamaya. ▪▪▪ Nandoon pa ba siya sa office niya? Late kasi natapos ang panghuli kong klase dahil sa activity na tinapos namin. Next week kasi wala kaming pasok, isang linggo rin 'yun. Para siyang sembreak pero sa aming mga graduating lang. Ginagawa ito ng school para makapagpahinga kami at handa na rin sa magiging OJT namin next month. "Hindi ka sasabay sa'kin?" tanong ni Dale paglabas namin ng building. "Mauna ka na may ibibigay pa akong mga papel sa isang professor." Dahilan ko. Sana gumana. "Okay sabi mo, eh. Siya, mauuna na ako, 'wag kang magpagabi magagalit sa'kin si Richard." Isang pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya ng marinig ang pangalan ni Richard. Sinabi sa'kin ni Dale na sinabi niyang bantayan daw ako habang wala siya. Ewan ko ba kung maiinis ako o hindi dahil sinabi niya 'yun kay Dale. Isang tango ang sinagot ko bago kami naghiwalay ng landas. Chinat ko si Castriel kanina na male-late ako ng dating. Nag-reply naman siya na sinasabing maghihintay pa rin siya sa office. Kaya heto ako't papunta na roon ngayon. Mahahalatang wala ng iba pang mga teachers sa kani-kanilang office dahil nga gabi na. Ayos na rin ang ganito para walang makakita sa'min. Hindi pa man ako nakakalapit sa office niya, nakita ko na siya sa labas. Nakasandal ito sa pader habang nakaharap sa phone niya. 'Hinihintay niya ba ako?' "Kanina ka pa naghihintay?" bungad kong tanong na nagpalingon sa kanya. Ngumiti ito. "Oo, tapos ka na?" Kinuha niya ang bag na hawak ko saka umalis sa pagkakasandal nito sa pader. Nakakandado na ang pinto ng office niya kaya mukhang aalis na rin kami. "Oo, bukas maagang matatapos ang last kong subject dahil wala ang professor namin sa klaseng 'yun." Malay ko kung bakit pati 'yun nasabi ko pa. Gosh Miriana... napakadada mo talaga. "Mabuti naman, tara na." Pinagtaklop niya ang kamay namin na ikinaalarma ko. Paano kung may makakita sa'min? "Castriel..." alanganin kong tawag. Pinisil nito ang kamay kong hawak niya. "'Wag kang mag-alala, walang makakakita sa'tin. May alam akong short cut papunta sa likod ng school. Doon ko pinark ang kotse ko," nakangiti niyang sabi na ikinawala ng kaba sa buo kong katawan. Nagpahila ako sa kanya ng magsimula na siyang maglakad. Magtiwala ka na lang sa kanya Miriana, mas matagal na siyang nandito kaya malamang alam na niya ang pasikot sikot ng school. Hindi kasi ako ganoong kagala sa buong school dahil library, classroom, lounge, canteen at bahay lang ako. Minsan lang ako pumupunta sa office ng mga teachers kapag may ipapasa. Kaya parang naninibaguhan pa rin ako kapag may bago akong nakikita sa school kahit na tatlong taon na akong nandito. "Kailan mo nalaman ang daan dito?" tanong ko paglabas namin sa malalaking puno. "Matagal na, magmula ng may hinahanap ako. Tara na?" Hinahanap? Ano naman 'yun? Magtatanong pa sana ako pero inalis ko na lang 'yun sa aking utak at sumakay sa naka-park nitong kotse. "Ano nga pala ang sasabihin mo't pinapunta mo ako sa office?" biglang tanong ko ng magsimula na siyang magmaneho. "Makikita mo pagdating natin doon." Saan na naman kami ngayon pupunta? Hinayaan ko siya magmaneho at dalhin ako sa kung saan. Nakatingin lang ako sa labas buong biyahe para ialiw ang aking sarili. Ayoko kasi siyang kausapin habang nagmamaneho, mahirap na baka maaksidente kami. Paglampas niya sa malaking mall, lumiko siya sa kaliwang daan. Alam ko kung saan papunta ang daan na ito. Hindi nagtagal, hininto niya ang kotse sa mismong entrance ng botanical. "Mauna ka ng bumaba, ipa-park ko lang itong sasakyan." "Sige, hintayin na lang kita rito sa entrance." Agad siyang umiling. "Mauna ka ng pumasok sa loob." Kahit nag-aalangan sa sinabi niya, tumango ako bilang pagsang-ayon bago bumaba ng kotse. Hinintay ko pa muna siyang makaalis bago hinarap ang malaking gate papasok ng botanical. Nagtaka pa ako ng wala masyadong tao sa paligid at patay lahat ng ilaw. "Sigurado ba siyang bukas pa ang botanical sa ganitong oras?" Ngayon lang kasi ako pupunta rito sa botanical ng gabi. Nung last na punta ko rito, mga hapon 'yon kasama sila Dale para sa isang film project. "Bahala na." Natatakot ako dahil sa dilim pero hindi naman ganoon kadilim dahil sa mga kalapit nitong building na nagsisilbing ilaw nito ngayon. Napahinto ako sa entrance pa lang ng magbukas ang lamp post sa gilid. Muli akong humakbang pero ganun pa rin ang nangyari. Para bang sa bawat hakbang na gagawin ko'y may magbubukas na lamp post sa gilid. Nagtuloy ako sa paglalakad hanggang sa paunti-unti'y hindi na lang ang mga lamp post sa gilid ang nagbubukas ang ilaw. Maski ang mga nakasabit sa mga puno'y nagsisimulang umilaw kapag nadadaanan ko ang mga ito. "Ganito ba sa botanical kapag gabi?" takang tanong ko sa'king sarili. Naging advance na ba ngayon ang mga ilaw rito? Paghinto ko sa isang madilim na parte, nagulat ako ng may marinig akong tunog na nagmumula sa itaas. Sa pag-angat ko pa lang ng aking tingin, nakita ko ang mga drones na lumilipad sa ere. Umiilaw pa ang mga ito na nakakatuwang tignan. Minsan na ako nakakita ng drone show pero sa t.v lang. Sabay-sabay na namatay ang ilaw nito pero sumunod namang nagkaroon ng ilaw sa'king harapan. "Woah..." mangha kong sabi ng makita ang naggagandahang mga bulaklak na ngayo'y napapaligiran ng mga iba't ibang kulay na ilaw. Para silang nagniningning na nakakaakit talaga sa paningin. "Kung may ganito pala rito baka pumunta ako rito tuwing gabi." Hindi kasi ako palagala na tao. Minsan lang kapag nag-iimbita sila Dale na lumabas. Naalis ang aking tingin sa mga bulaklak ng may maaninag akong naglalakad sa pagitan nila. Nagulat pa ako ng mapagtantong si Castriel 'yon. Habang papalapit siya sa direksyon ko, ngayon ko lang na-realize ang nangyayari. 'Ginawa niya lahat ng ito?' "Nagustuhan mo ba Miriana?" nakangiti nitong tanong paglapit niya sa akin. Hindi ako makasagot sa tanong niya dahil sa gulat at pagkamangha. "Ikaw ang gumawa nito?" wala sa sarili kong tanong. "Oo, hindi mo ba nagustuhan?" Agad akong umiling. "Nagustuhan ko... bakit mo ito ginawa?" Hindi siya mage-effort ng ganito kung trip niya lang. Lumapit siya sa tabi ko saka tinuro ang langit. Ang mga nakapatay na ilaw sa drone kanina, ngayon ay nagkaroon na naman ng ilaw. Sa pagkakataon na ito... mas lalo akong walang masabi. CAN I COURT YOU MIRIANA ISABELLE DE GUZMAN? Ilang beses pa akong kumurap habang pilit na binubuo sa'king utak ang mga salitang gawa ng drone. Naibalik ko ang tingin ko kay Castriel na ngayo'y nakatitig na pala sa'kin. Nakangiti siya ngunit seryoso ang mga mata nitong nakatingin sa akin. "Will you let me Miriana?" Napatitig ako sa buo niyang mukha. Nananaginip ba ako? Totoo ba ito? I... I just can't believe it. Para sa'kin na matagal na siyang hinahangaan, isang malaking regalo ito. Ni hindi ko nga pinangarap na magustuhan niya ako. Pero ngayon, he even made an effort para lang tanungin kung pwede niya akong ligawan. Isang malawak na ngiti ang binigay ko sa kanya. Wala namang masama kung sasagutin ko ang tanong niya hindi ba? Malapit na rin akong grumaduate kaya hindi magiging masama kung sakaling maging kami. "Yes, Castriel." This is my first time and I hope it lasts. Epilogue Tumikhim ako para mapalingon sa'kin si Castriel na busy sa paglagay ng bulaklak sa backseat ng upuan niya. Pero imbis na mapatingin siya, nauntog ang ulo nito sa taas na bahagi ng sasakyan. "Hala! Sorry." Tinignan ko ang ulo nitong nauntog para tignan kung may sugat ba. Malakas din kasi ang pagkakauntog nito na nagpa-alala sa'kin. "Ayos lang," natatawa niyang sabi na hinawakan pa ang kamay ko. Umiling ako at patuloy na tinignan ang ulo niya. "Kasalanan ko, kaya patingin." Mas natawa pa siya at pinigilan ako sa pagtingin. Napatingin tuloy ako sa mukha niyang nakangiti. "Kasalanan ko dahil nagmamadali akong tignan ka. Kaya ayos lang, hindi rin naman masakit." Hinaplos niya pa ang pisngi ko na nagpapula ng aking pisngi. "Pero malakas ang impact." "Walang wala 'yun. Halika na para mahatid na kita pauwi." Hinila niya ako papunta sa passenger seat pero nagtaka ako ng pigilan niya ako sa pagpasok sa loob. Nakailang kurap ako ng mata sa mabilis nitong paghalik sa buhok ko. Inayos pa nito ang buhok kong tumatakip sa'king mukha bago ako papasukin sa loob. Pakiramdam ko lumulutang ako sa kilig na nararamdaman ko ngayon. Natanggal na rin ata ang ilang turnilyo sa utak ko para makapag-isip ng maayos. Dahil hindi ko rin napansing nasa loob na kami ng sasakyan. "Pwede kang matulog muna habang nasa biyahe tayo," sabi nito bago buhayin ang makina ng kanyang sasakyan. Napatingin ako sa labas ng bintanang nakabukas dahil kailangan ko ng hangin. Masyado ng mapula ang pisngi ko ngayon. I need to cool down.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD