12-Bye for now

2309 Words
"'Yan... 'yan kasi." Sinamaan ko ng tingin si Dale. "Tumahimik ka diyan," inis kong sabi. I can't concentrate after what happened. Kailangan niya ba talagang gawin 'yun? Kailangan niya ba talagang umalis? F L A S H B A C K "That is why I will answer no. No, Miriana, I have no feelings for you. Because I don't want you to distance yourself from me if I say yes. I don't want to lose the Miriana I knew for a long time ago." I knew it! He won't act like that if he doesn't feel anything for me. Dahil kilalang kilala ko siya, kilalang kilala. Oo bisexual siya at minsan naa-attract sa mga lalaki, pero mas lamang pa rin ang chances na mahulog siya sa isang babae. Hindi ako manhid, sadyang gusto ko lang marinig mula sa kanya. "Since when?" Seryoso ko siyang tinignan. Bumalot sa mukha niya ang kaba at parang alam na niya kung saan papatungo ang usapang ito. "Miriana I already said no, kaya bumalik na tay--" "Answer my question Richard, since when?" putol kong tanong. Bumagsak sa ere ang kanyang kamay kasunod ng pagbaba ng balikat nito. Hindi ko rin naman gusto ang nangyayari. Mahaba siyang napabuntong hininga. "Two... no... four years. Sa loob ng apat na taon na 'yun sinubukan ko. Sinubukan kong alisin sa sarili ko ang nararamdaman ko para sa'yo. But I failed and now you're looking at me like we don't know each other. Miriana I'm scared just by seeing your reactions. Kaya please... bumalik na tayo at kalimutan na nangyari ito." Umiling ako. Paano pa kami babalik sa dati kung sa tuwing makikita ko siya alam kong masasaktan ko lang siya? I don't want to hurt him, I don't want to hurt anyone because I feel selfish if I do that. "Kahit na sabihin nating kalimutan ko ang gabing ito, hindi nun mababago ang nararamdaman mo Richard. Masasaktan at masasaktan pa rin kita, ayoko-" "I don't care. Wala akong pakialam kung masaktan mo ako. I'll take it, all of it kaya bumalik na tayo." "No!" pagtataas ko ng boses dahil nagiging martyr na siya ngayon. Hindi sa lahat ng oras kailangan niyang magpaka-tanga, dahil 'yun ang nagiging sanhi ng pagbabago ng isang tao. At ayokong makita ulit ang Richard na matagal naka-recover matapos ng break-up niya sa kanyang ex. Napasuklay ako sa buhok dahil sa inis. I don't know what to do, because the only thing I know is to distance myself from him. Para kahit papaano ay hindi ako makaramdam ng guilt sa tuwing titignan ko siya sa mata. Paano ba kami napunta sa sitwasyong ito? Parang ilang araw lang ayos pa kami. Mali bang inuna ko ang inis ko nung isang araw? Kung hindi ko ba siya nasabihan ng masasakit na salita, kung hindi ko ba siya tinulak... hindi ba kami aabot sa puntong ito? Kung hindi ba ako umiyak sa harapan niya, hindi kaya siya aamin? I don't want to lose our friendship. But I also don't want to see him miserable every time I'm with Castriel. Richard is my special friend at ayokong itapon ang pagkakaibigan namin ng dahil lang sa nararamdaman niya. Tinitigan ko siya sa mata. "Hindi magiging madali ang lahat." Napabuntong hininga siya sa sinabi ko. Iniwas ko ang aking tingin ng makitang talong-talo siya. Even now, I can see how hurt he is. Paano pa kaya sa mga susunod na araw? Baka patayin na niya ang sarili niya sa kakainom niya ng alak. "Then... s-should I... should I leave for g-good?" Nasemento ako sa kinatatayuan ko sa sinabi niya. "Kung mahirap para sa'yo na hayaan ako... then I'll go, if that solves everything. As long as I'm gone... I'll try to forget about you so my feelings will fade too. Para kapag bumalik ako, madali na lang sa'yo, sa'tin na kalimutan na nangyari ito." Napapikit ako ng marinig kong maglakad siya palayo. "R-richard..." halos pabulong kong tawag dito. Hindi ko alam kung ilang beses ko na siyang pinapanood na lumayo sa'kin. But do you agree with that, Miriana? Is it okay for you if he left for the reason that you doesn't want to see him hurt? Is that even fair for the both of you? ▪▪▪ "Sino ba ang tumatawag?" antok kong sabi sa paulit-ulit na pag-ring ng phone ko. Kahit na ayoko sanang tignan kung sino ang tumatawag, kinuha ko ito at pikit matang sinagot. "Tulog mantika na babae! Bumangon ka na d'yan! Paalis na sa bansa si Richard!" "Paalis? Saan naman siya pupu--" naimulat ko ang aking mata sa narinig. Nagising ang buo kong sistema na nagpaupo sa'kin mula sa pagkakahiga. "Saang airport?" Tinotoo niya ba ang sinabi niya kagabi?! Pagkasabi niya ng airport, kumuha lang ako ng jacket at mabilis na kinuha ang wallet at susi ng bahay bago patakbong umalis. "Anong oras na ba?" Tinignan ko ang suot kong orasan habang naglalakad palayo sa bahay. 4 am?! Nag-book na ba siya ng flight kagabi, nang ganun kadali? Kainis! At saang bansa naman siya pupunta ngayon?! Naglakad ako palabas ng village dahil mga 5 am pa bumubukas ang gate at paniguradong walang daraan na taxi rito. Halos takbo-lakad ang ginawa ko para makarating sa gate. Nakakapagod pero kailangan ko siyang maabutan, hindi pwedeng ganito na lang ang gagawin niya. "P-pakibukas p-po ang g-gate..." hingal kong pakiusap pagdating ko sa harap ng malaking gate. Mukhang nakilala naman nila ako kaya binuksan nila ang gilid kung saan mga tao lang ang kasya. Magtatanong pa sana sila pero tumakbo na ako palabas at dumiretso sa highway para pumara ng taxi. Hindi nagtagal, nakakita ako agad kaya pinara ko ito. "Sa F-filip Airport po, pwede pong pakidalian?" "Sige po ma'am." Napasandal ako sa upuan dahil sa pagod. Kung sakaling hindi ko siya maabutan masasayang at masasayang ang pagod ko nito. Mabuti na lang at ang kinaganda ng pag-alis niya ng madaling araw ay wala masyadong traffic sa daan. Buong biyahe papunta roon ay nakatingin lang ako sa labas, pinagdarasal na sana hindi pa siya nakakaalis. Nakakainis ka Richard! Mas pinaparamdam mo sa'king napakasama kong tao. "Ito po ang bayad, sa inyo na po ang sukli." Pagkakuha niya ng bayad, bumaba na ako ng taxi at muling tumakbo papasok ng airport. Kahit na madaling araw, marami pa ring tao sa loob na nagparamdam sa'kin ng kaba. Kinapa ko ang aking bulsa para sana tawagan si Dale pero pagkapa ko rito, wala akong naramdamang phone na nakabulsa. Napatampal ako sa aking noo ng maalalang nilapag ko 'yun sa kama at nakalimutang dalhin kasama ng wallet at susi ng bahay. Naglalakad ako rito na parang nawawalang bata. Halos sumakit na ang leeg ko sa kakalingon sa paligid, pero sa bawat paglingon ko hindi siya mahanap ng aking mata. "Nakaalis na ba siya?" suko kong sabi. Napaupo ako sa upuan kung saan naghihintay ang mga pasahero sa kanilang flight. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako sa kinahinatnan ng pag-uusap namin o maiinis sa sarili ko na dapat hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. "Miriana?" Naiangat ko ang aking ulo sa nagsalitang 'yon. "C-castriel?" Lumapit siya sa akin. "Bakit ka nandito? Ayos ka lang ba?" puno ng pag-aalala ang mukha niyang tanong. Sa isang iglap, tuloy-tuloy na bumuhos palabas sa aking mata ang mga luhang kagabi ko pa pinipigilan. Naramdaman ko ang pagtabi nito sa'kin sa biglaan kong pag-iyak. And the next thing I know, I'm crying in front of him. "B-bakit? Bakit kailangan niya pang umalis?" umiiyak kong tanong kay Castriel. "Am I being selfish? Mali bang parang tinulak ko siya para lumayo ng ganito?" Hindi siya nagsalita, nakatingin lang siya sa akin habang patuloy na pinupunasan ang aking luha gamit ng isa niyang kamay. "Dahil kung 'yun ang dahilan... then this is my fault. Because I know that even though he's gone, nasasaktan siya." Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap. Sa tuwing nalulungkot o nasasaktan ako, laging nandito siya. And now that I'm crying because of Richard, he comforts me again. He appeared as if he knew what I feel. "Hindi mo kasalanan Miriana, choice niya 'yun. Wala kang kasalanan." Oo ba? Wala nga ba talaga? Tama lang ba na lumayo siya ngayon? Tama lang ba na tinulak ko siya para hindi ko makitang nasasaktan siya sa tuwing nagkikita kami? ▪▪▪ Pabagsak kong hiniga ang sarili ko sa kama. Sa huling pagkakataon hindi ko siya nakita. I feel empty, but maybe because of the guilt I still feel right now. I feel like I just ended our friendship like this. There are many 'what ifs' in my mind, but most do not help me at all. Maski si Dale hindi ko man lang nakita sa airport, even Tita. Matapos akong i-comfort ni Castriel tinulungan niya akong maglibot sa airport para hanapin si Richard. Pinigilan pa kami ng guards ng subukan kong pumunta sa loob kung saan pasakay ang mga pasahero. Pero hindi ako pinapasok dahil wala akong passport at ticket. "Miriana!" Napaupo ako sa sigaw na 'yun at tatayo pa lang sana ng bumukas ang pinto at bumungad sa'kin ang mukha ni Dale. May tinapon siya sa'king isang sobre na bumagsak sa aking hita. "Wala ka ba talagang pakialam sa kanya at talagang nandito ka lang? Hindi mo man lang siya pinuntahan sa airport?!" nanunuyang sabi nito. "Pumunta ako," mahina kong sagot. Nakatitig lang ako sa sobre ng makita ang pangalan ko roon. "Tinatawagan kita kasi hinihintay ka niya rin pero hindi ka man lang nagpakita." Hinintay niya ako? "Itatapon mo na lang ba talaga ng ganito ang pagkakaibigan niyo?! You're selfish Miriana!" Inangat ko ang aking tingin. "Pumunta ako!" sigaw ko pabalik na nagpatayo pa sa akin mula sa pagkakaupo. "Halos halughugin ko na ang buong airport pero hindi ko siya nakita! Naiinis ako kasi naiwan ko ang phone ko kaya hindi ko man lang natanong kung saang banda kayo ng airport! Kasi ang laki nun! At siguro nga selfish ako! Selfish ako kasi pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit siya umalis! Kasalanan ko kung dahil dito baka hindi na kami maging magkaibigan!" Ramdam ko na naman ang paghapdi ng mata ko. Sapat na sa'kin na sisihin ang sarili ko. Pero hindi ko kaya na sisihin ako ng ibang tao lalong lalo na ang kaibigan ko. Dahil una pa lang, inisip ko lang ang magiging kapakanan naming dalawa. Inisip ko lang na ayoko siyang masaktan. "Hindi ko alam kung bakit naman kasi napakamakalimutin mo. 'Wag kang umiyak, naiiyak din ako." Niyakap niya ako na nagparamdam sa'kin ng matinding lungkot. Can I go back in time? "Hindi ko man alam ang buong nangyari kung bakit napagdesisyunan niyang umalis. But I know Richard, hindi mawawala ang pagkakaibigan niyo. Malay mo bukas, makalawa bumalik siya," pagpapalakas niya ng loob sa akin. Sana magkatotoo ang sinabi mo Dale. Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin, may kinuha siya sa bulsa niya at ito'y inabot sa akin mismo. "Buti na lang at girl scout ako. Gamitin mo 'yan pamunas sa mukha mo. Ang pangit mo sis," sabi niya habang inaabot sa'kin ang panyo. Napairap ako sa sinabi niya pero kinuha ko ito para gamiting pamunas ng luha ko. "Siya ba ang nagbigay nito?" Tinaas ko ang sobre na ikinatango niya bilang sagot. Siniguro ko munang kumalma ako kahit sandali bago buksan at tignan ang laman nito. 'I'm sorry if I have to go, don't cry because I'll be back for good. Once I return, my feelings for you will not be the same. Promise me you picked the right person, even if you are breaking some school rules. I wish you are happy with him. This is for both of us so we can't hurt each other anymore. I have many things to say but I just want you to know that I am not going to do anything stupid things again. Goodbye Miriana... goodbye for now.' E N D O F F L A S H B A C K Epilogue Author's POV. (Airport, Richard's side) Natigil sa paglalakad si Richard nang makita si Dale na tumatakbo palapit sa kanya. Tumawag kasi ito sa kanya ng malaman niya sa sarili niyang ina ang pag-alis ni Richard ng bansa. "Ano na namang drama ito?" masungit na tanong ni Dale paglapit nito sa kanya. Isang pilit na ngiti ang binigay niya rito. Napalingon pa siya sa paligid na parang may hinahanap ang kanyang mata. "Sinabihan ko na siyang pumunta rito," sabi ni Dale na nagpatigil sa kanya sa paglinga sa paligid. "Gaano ba kasi kalala ang away niyo't kailangan mo pang umalis ng bansa? Ano ka, nasa isang teleserye?" Naiinis man si Dale sa nangyayari, wala siyang magawa dahil desisyon ito ng kanyang kaibigan. "Umamin ako sa kanya," may pagkapait nitong tugon. Alam niyang hindi na nagulat doon si Dale pero sinabi niya pa rin. "Dapat kasi umamin ka na noon pa. Hintayin na lang natin siya." Hindi na sumagot pa si Richard sa sinabi nito. Naghintay siya sa pagdating ni Miriana, umaasang pigilan siya nito sa pag-alis. 'Yun lang, 'yun lang ang gusto niyang marinig para magdalawang isip siya sa pag-alis ng bansa. "Nasaan na ba ang babaeng 'yun?" Patuloy na tinawagan ni Dale ang telepono ni Miriana ngunit nakailang tawag na ito, hindi pa rin siya sumasagot. Napangiti na lang si Richard. "Dale..." tawag niya rito na nagpalingon sa kanya. Pagharap nito, may inaabot siyang isang sobre. "Pakibigay na lang ito sa kanya." "Maghintay lang muna tayo saglit. Kahit kailan talaga ang babaitang iy---" Si Richard na mismo ang naglagay ng sobre sa kamay ni Dale saka niya ito nginitian. "Baka may ginagawa siya. Pakibigay na lang 'yan, male-late na ako sa flight." Hindi na niya hinayaan pang makapagsalita si Dale sa mabilis nitong pagtalikod sa kanya. Mabigat man ang loob niyang umalis, ngunit ito lang ang nakikita niyang solusiyon para hindi siya layuan ni Miriana. 'See you later Miriana.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD