11-The answer

1741 Words
"Hoy babae buksan mo ang pinto!" sigaw ni Dale mula sa labas ng kwarto. Unti na lang masisira na ang pinto sa pagkatok na ginagawa nito. Akala ko ba binabae siya? Makakatok parang daig pa ang may malaking katawan na lalaki. Pinalakasan ko ang volume ng suot kong earphones at piniling ituon ang aking sarili sa ginagawa ko. Marami pa akong due this week kaya 'wag nila akong guluhin. "Tumayo ka diyan!" Napaamang ako sa malakas na sigaw ni Dale at sa pagtapon nito sa phone ko papunta sa sulok. Nagtaka rin ako kung paano siya nakapasok kaya agad kong tinignan ang pinto. Sira ang doorknob nito pati na rin ang gilid na bahagi. "Kainis naman Dale! 'Wag mo akong kaladkarin!" angil ko. Tinulak niya ako papunta sa sofa na nagpaupo sa'kin. Nakita ko pa si Richard na suot pa rin ang apron mula pa kanina. Wala bang pakiramdam ang mga taong ito? O sadyang nagma-maang maangan sila? Lalo na ang isa sa kanila na ang kapal ng mukha para magpakita sa harapan ko. "O ngayong nandito na kayong dalawa, magbati na kayo. " Nakapameywang siya sa harapan namin na parang isang ina na pingababati ang dalawa niyang anak. Napakagaling talaga ni Dale, noh? Proud of him. So PROUD. "Umalis na kayo, marami pa akong gagawin," pagtataray kong tugon. Wala akong balak makipagbati sa lalaking 'yan. WALA. Not until napagbabayaran niya ang mga sinabi niya sa'kin. "Miriana 'wag matigas ang ulo," nagbabanta nitong sabi. May hawak siyang stick na hindi ko alam kung saan niya kinuha. Huwag niya sabihing ihahampas niya 'yan sa'kin? Kasi hindi ako magdadalawang isip na hampasin din siya pabalik. "Hindi mo siya matatakot sa mga paganyan ganyan mo Dale," sabat na sabi ni Richard. Let me change that, jerk. Serves him right. Mas bagay sa kanya ang pangalan na 'yan. Sinamaan siya ng tingin ni Dale. "Tumahimik ka diyan Richard! Dali na at magbati kayo! Mga isip bata." "Kung ayaw niyong umalis. Ako na lang," mahina kong sabi na sapat na para marinig nila. Mas maiging umalis na lang ako rito. Hindi ko tanggap ang nangyari sa pagitan namin kaya wala akong balak ayusin ang away na meron kami. "Upo," may awtoridad na sabi ni Dale, hinarangan niya ang daan ko kaya tinignan ko siya ng masama. "Umalis ka sa daan ko." Sa gilid ng aking mata, nakita ko ang pagtayo ni Richard. Mukhang naalarma ito pero wala akong pakialam. Siya ang may kasalanan kung sakaling nagkainitan kami ni Dale. "Pano kung ayaw ko?" nagbabantang tanong ni Dale. Sa pagkakataong ito, hindi na matinis ang boses niya na lagi kong naririnig. Sumeryoso ito at naging boses lalaki. "Tama na 'yan. Dale... ako na ang kakausap kay Miriana." Malayo ako kay Dale sa paghila ni Richard na agad kong inalis. Tinulak ko siya papunta sa gilid kaya kinuha kong tiyansang 'yon para lumabas ng bahay. Rinig ko ang pagsigaw ni Dale pero hindi ko 'yun pinansin at lumabas pa rin. "Kainis naman!" inis kong sigaw ng maalis ang isang pares ng tsinelas ko. Napakagaling ng timing, dinaig ko pa si cinderella na hinahabol ang oras. Hindi ko binalak balikan ang tsinelas at nagtuloy tuloy sa paglakad. Kung saan ako pupunta? 'Yun ang hindi ko alam. "Miriana!" "Maglakad ka lang Miriana..." bulong ko at mas binilisan ang paglalakad na naging takbo. Kainis naman! Napakamalas ko talaga! Makaipon lang ako kapag nakatrabaho ako, maghahanap ako agad ng tirahan. Natigil ako sa pagtakbo ng may aso akong nakita hindi kalayuan sa akin. Malaki ito at nakatingin sa'kin. Ang galing talaga, napaka-swerte ng araw na ito para sa'kin. Sa sobrang swerte nagkatotoo ang sinabi ni Dale at mukhang hahabulin ako ng aso ngayon. "'Wag kang gagalaw." Rinig kong sabi ni Ricard mula sa aking likuran. Napalunok ako ng magsimulang maglakad ang aso palapit sa'kin. Wala naman sigurong rabis 'yan, noh? Yayamaning aso ba 'yan? Gosh... ayokong matetano. Wait, tetano hindi ba sa kalawang 'yun? Stupid Miriana. Hindi marunong makisama ang asong ito ngayon, hindi talaga. Nagda-drama ako tapos bigla na lang susulpot like come on dog, maghanap ka ng iba pang pwedeng kagatin huwag ako. "Ah!!!" Hinarang ko ang kamay ko sa aking sarili ng tumakbo ito palapit sa'kin. Masama atang tignan sa mata ang mga aso. "Ayos ka lang?" Nilingon ko ang nagsalita at agad na nakita si Richard sa harapan ko. Hinanap ng mata ko ang aso na ngayo'y nakaupo sa likuran ni Richard at tinitignan kami. Nang mapagtanto ko ang nangyari, kusang gumalaw ang sarili ko para tignan kung may kagat ba siya nito. "Sandali Miriana," pigil na sabi ni Richard ng siya'y hawakan ko. Hanggang sa paa niya tinignan ko kung may kagat, malay ko diba baka kumahol siya bigla. Nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang kagat. May pagtataka ko pang tinignan ang asong hindi naman pala ganun katakot ang itsura. Umupo ako para pantayan ito, nagulat pa ako ng tumakbo ito agad sa direksyon ko. Pilit ko siyang nilayo gamit ng aking kamay. "Stop! Yah!" Hindi ako mahilig sa mga aso lalo na kapag nanghahalik sila. Alam kong ganito sila kapag may nagustuhan silang tao to show affection, pero hindi ako sanay. "Livo!" Tumigil ang aso ng marinig ang sigaw na 'yon. Kumahol pa siya bago tumakbo papunta sa taong tumawag. Tumayo na ako dahil mukha na akong ewan. Isama pa na wala pala akong isang suot na tsinelas. "Sorry about that, ayos lang ba kayo?" sabi ng may ari ng aso ng siya'y makalapit dahil halata naman. Ayos lang naman 'yung muntik na akong atakihin sa puso. Oo ayos lang. "Oo ayos lang." Ako na ang sumagot bago pa man makapagsalita si Richard. Tinignan niya ako. "Sure ka? Hindi ba kinuha ni Livo ang isa mong tsinelas?" Pagtuturo niya sa aking paang walang isang tsinelas. "Hindi. Ayos lang talaga, sa susunod mas maganda kung itatali niyo siya ng maayos." Para hindi pagala gala baka makapatay pa. Hindi dahil sa kagat kundi sa sobrang gulat. "Sorry ulit, mabait si Livo pero sa susunod sisiguruhin kong hindi na siya makakawala." Tumango ako sa sinabi niya. Kung tutuusin walang kasalanan ang aso, 'yung owner talaga. Pagharap ko kay Richard, nakangiti ito na nagpairap sa'kin. Nginingiti ngiti ng animal na 'yan? "Miriana mag-usap tayo," pakiusap niya. Tinabig ko ang kamay niya ng gamitin niya itong panghawak sa isa kong kamay. "Tapos na tayong mag-usap kanina." "Galit ka ba?" Tinakpan ko ang dalawa kong tenga para hindi siya marinig. I'm being childish but who cares? I can't forgive him after what he did. Paghakbang ko palayo, pinigilan niya na ako sa paghawak niya sa dalawa kong kamay. Binaba niya ito kaya ngayon, rinig na rinig ko ang sinasabi niya. "Bitawan mo nga ako." Umiling siya. "Makinig ka muna sa'kin." "Ayokong makinig sa'yo," pagmamatigas ko na pilit kumakawala sa hawak niya. "I'm sorry." Napasinghal ako sa sinabi niya. Sumuko ako sa pag-alis ng kamay niya sa kamay ko dahil ayaw niyang magpapigil. "You're sorry? But sorry to say this... I'm not going to forgive you. Bakit ba nag-aaksaya kang pumunta rito? We both said that don't act like we're family. You also said that you won't cross the line. Ang bilis na switch up naman 'yan. An--" "Because I didn't expect you to cry in front of me," pagpuputol niyang sabi. Lumuwang ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya kinuha ko itong tiyansa para alisin ang kamay ko. Humakbang ako palayo sa kanya para tignan siya ng buo. Gusto kong makita kung sincere ba siya o nandito lang siya dahil sa guilt na pinaiyak niya ako. "Because you're a jerk," sagot ko. Harsh? Wala pa 'yang sinabi ko sa ginawa niya sa'kin kanina. Nagsayang ako ng luha dahil lang dun, nakakainis siya. "I know, kaya ako nandito para ayusin ang lahat. I also realized that I can't be mad at you for even one day." "Kaya halos patayin mo ang sarili mo sa pag-inom ng whiskey? Are you that stupid? Kung gusto mo ng magpakamatay sabihan mo ako, ako na ang gagawa." Ayokong malaman laman na may mamamatay ng dahil sa'kin. "Hindi ko na tatanungin kung pano mo nalaman dahil halata namang sinabi sa'yo ni Dale sa pagsulpot mo sa parking lot. Pero hindi 'yun ang mahalaga ngayon, I'm here to sincerely ask for your forgiveness." "I can't give you that." Sabihin na nating mataas ang pride ko para hindi ibigay ang gusto niya. Pero hindi ko pa rin kasi tanggap ang nangyari kanina. Lalong lalo na ang part na alam niya ang meron sa'min ni Castriel. Kaibigan ko sila, pero hindi pa ako handang sabihin sa kanila ang tungkol doon. "Then tell me... tell me ano ang pwede kong gawin para mapatawad mo ako?" umaasang tanong nito. Napaisip ako sa tanong niya. Ano nga ba ang dapat niyang gawin para mapatawad ko siya? Kasi kung ako ang tatanungin, alam kong lilipas din ang inis at galit ko sa kanya. Sadyang ayoko lang nakakarinig ng mga ganung bagay. Ayokong tinatrato niya ako na parang wala kaming pinagsamahan. Na kaya nilang itapon ang lahat ng 'yon dahil sa pagkakamaling nagawa ko. Dahil natatakot ako, natatakot akong may mawala na namang malapit sa'kin. Katulad ng pag-iwan ng mga magulang ko. "Do you have feelings for me?" I don't know if this is the right question, but I just want to know to clear things up. Because if he said yes, not everything will return to its place. I can still talk to him but I will surely distance myself because I don't want to ruin our friendship. Lalo na ngayong nagiging parte na ng buhay ko si Castriel. Nakatitig lang siya sa'kin na parang nag-iisip kung anong isasagot niya. Mas lalo ko lang nakukumpirma na baka tama ang akala ko. Hindi siya magpapakalasing ng ganun dahil lang sa maliit naming away. Hindi siya ganun tuwing nag-aaway kami. Hindi ganun kakitid ang utak niya. Mas matalino siya para gawin ang bagay na 'yun. Ngumiti siya ng mapait. "Even if I answer your question, I know you have feelings for him." He stared me straight in the eye and hesitating, although I already know the answer based on what he said. Damn Miriana, you are the stupidest person in the world. "That is why I will answer no. No, Miriana. I have no feelings for you, because I don't want you to distance yourself from me if I say yes. I don't want to lose the Miriana I knew for a long time ago."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD