10-Friendship over?

2260 Words
"Miriana!!!" sigaw ni Tita pagpasok ko sa bahay nila. Sinalubong ako nito ng malawak na ngiti at mahigpit na yakap. "Kamusta po, Tita? Sorry ngayon lang nakadalaw." Pagkalas ko ng yakap, hinampas niya ako ng mahina sa braso ko. "Ano ba iha... it's fine. Graduating student ka na kaya naiintindihan ko. I'm just happy to see you again, it's been months but you look different. Gumaganda ka." "Thank you po," nahihiya kong tugon. Sa tuwing sinasabihan ako ni Tita ng mga ganyang salita, nahihiya talaga ako. She's beautiful inside and out, sa kanya nagmana si Richard. "Si Richard po?" agarang tanong ko. Pinuntahan ko siya sa condo niya kanina pero wala siya roon ng tanungin ko sa staff ng condo building. Kaya naisipan kong tawagan si Tita para tanungin kung umuwi ba si Richard sa bahay nila. Hindi naman ako nagkamali dahil sabi niya na rito siya matutulog. "Nasa kwarto niya gumagawa ng paper works. Gusto mong tawagin ko?" Umiling ako dahil ayokong malaman niya na nag-away kami. Malulungkot siya kapag nagkataon. "Ako na lang po ang pupunta sa kanya." "Sige iha. Dito ka na mag-dinner, ha? Magluluto ako ng favorite food mo." Kahit nag-aalangan, tumango ako bago naglakad papunta sa second floor ng bahay nila kung nasaan ang kwarto ni Richard. Matapos akong iwan ni Richard sa parking lot, umiyak ako na parang bata. It's not easy for me to hear those words, I maybe strong but I'm weak when it comes to my loved ones. Richard is my friend for so long, marami na kaming napagsamahan kaya ganito na lang ang impact ng nangyari sa'kin. Masyado na sigurong mainitin ang ulo ko para masabi 'yun sa kanya. He just want to make me happy but then I misinterpret it because of one reason. Tatlong beses akong kumatok sa pinto. Mabilis ang t***k ng aking puso habang naghihintay na buksan niya ito. This is not the first time na nag-away kami, but this is my first time na ako ang hihingi ng apology sa kanya. Siya kasi ang unang gumagawa ng hakbang noon para magkaayos kami. Now I know the feeling, it's not easy at all. "Mom sinabing 'wag niyo--" hindi niya natapos ang sinasabi niya ng makita ako. Parang nagulat pa siya ng kaunti pero agad din 'yung nawala na mabilis napalitan ng malamig na tingin. "Bakit ka nandito?" Napalunok ako sa tanong niya. Napakadali lang nito pero parang ang hirap sagutin, mas mahirap pa sa exam. "I'm sorry," sincere kong sabi. Kahit na hindi ako natutuwa sa paraan ng pagtitig niya, nakipagtitigan ako rito. "For what?" Why is it so hard to answer? Come on Miriana. "Sa mga nasabi ko sa'yo, I didn't mean to say that. Masyado lang akong stress sa school at maraming iniisip. You're still my friend kaya nandito ako to give my apology. Kaya sa--" "I am your friend, but you are hiding your relationship with your teacher." Parang tumigil sandali ang oras sa sinabi niya. Alam niya? "Paano mo nalaman?" Sumilay saglit ang isang ngisi sa labi niya na parang nagsasabi na tama siya ng akala. Mali ba ako ng akala? "So, I'm right? You have a relationship with your professor?" Bakit parang ako pa ang mali? I know it is wrong but I feel small because of his questions and facts that have been confirmed. "Wala kaming relasyon," lakas loob kong sagot. Totoo naman hindi ba? Oo may namamagitan sa'min pero walang kami. Natawa siya na sa totoo lang, nakakainis sa pandinig. I am here to apologize, but it turns out that I am being questioned about my private life as if I were a criminal who committed a crime. "So you're kissing an unlabeled guy?" "A-anong s-sinabi mo?" utal kong sagot. Gaano ba karami ang alam niya? Umalis siya sa pagkakasandal sa pinto at nagsimulang humakbang palapit sa'kin. Huminto lang siya ng ilang hakbang na lang ang namamagitan sa aming dalawa. "Because on my part? I kissed you because you are my friend." Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya. Iniinsulto niya ba ako? Kailan pa siya naging ganito? May pagkakamali ako pero hindi na tama ang naririnig ko mula sa kanya. Ramdam ko ang namumuong luha sa mata ko pero pilit kong pinipigilan ang paglabas nito. Ayokong magmukhang kaawa-awa sa harap niya. He's being a jerk right now. "If you can't accept my apology, then don't accept it. I'm here because I want to apologize for my mistake and not answer your questions that make me feel insulted. I don't know how you knew about it but you're below the belt, and that is not acceptable." Mabilis kong pinunasan ang luha kong tumulo pababa sa'king pisngi bago naglakad paalis doon. Binaba ko ang pride ko para pumunta rito dahil may kasalanan ako. Pero hinding hindi ko ibababa ang pride ko sa taong sarado ang utak. I've done my part, I think that's enough. ▪▪▪ "I'm sorry Tita, babawi na lang po ako sa inyo sa susunod," nahihiyang sagot ko sa kabilang linya. "Hindi ko alam kung anong nangyari but it's fine sweetie. You can always come here anytime." "I will Tita, mag-ingat na lang po kayo." Pagbaba ko ng tawag, napabuntong hininga ako. I'm frustrated right now kaya nandito ako sa ice cream parlor sa labas lang ng village. Kailangan kong magpalamig at kumalma dahil pakiramdam ko, sasabog ako sa sobrang init na aking nararamdaman. "There you are." Pagkarinig ko ng pamilyar na boses, automatic na napatingin ako rito. "Castriel... pano mo alam na nandito ako?" May hawak siyang tray na may lamang iba't ibang flavors ng ice cream. "Saan ba pwedeng pumunta kapag nalulungkot?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pinanood ko siyang ilapag ang tray sa mesa bago ito umupo sa harap ko. "Mukha ka kasing malungkot ng makita kitang paalis ng school kanina. And your not answering my chat, so I guess something happened just by looking at your puffy eyes." Tinakpan ko agad ng kamay ko ang mukha ko sa sinabi niya. Halata bang mugto? Gosh... hindi ko naman kasi inaasahang lilitaw siya sa harap ko ngayon. "Hahaha. If you don't want to talk about it, let's just eat this ice cream habang hindi pa natutunaw. Hindi ko alam kung anong flavor ang favorite mo but I think you love vanilla flavor." "Pano mo alam?" sagot ko habang pilit na tinatakpan pa rin ang mukha ko. "Dahil sa kinakain mo ngayon." Stupid Miriana. Oo nga naman. Lutang na lutang? "Nakita ko na rin lang ang mata mo, kaya 'wag mo ng takpan. You still look beautiful." 'Yan na naman siya, nagsisimulang bumanat. Alam niya atang malakas ang impact nun sa'kin kahit na tawagin niya lang ang pangalan ko. Kahit nahihiya, inalis ko ang kamay ko sa aking mukha para makita siya ng harapan. Nakangiti siya sa'kin kaya hindi ko maiwasang mapangiti na rin. "Oo na. Sadyang pinanganak akong maganda," pabiro kong sabi na ikinatawa naming dalawa. "Pero di nga, pano mo ako nahanap dito?" Pag-iiba ko ng usapan. "Papunta sana ako sa bahay mo to check if your fine dahil hindi mo nga sinasagot ang chat ko kaya nag-alala ako. Habang nagmamaneho, nakita ko ang ice cream parlor na ito. Naisip kong bilhan ka sana bago pumunta sa bahay mo pero nakita kita kaya 'yun, nandito na ako ngayon sa harap mo." "Nag-alala ka?" wala sa sarili kong sabi. "Sobra. Hindi man kita nakitang umiyak pero ang makita ko lang ang mugto mong mata. Parang hindi ko kayang tignan ito ng matagal. I hate seeing you like this Miriana, nasasaktan ako." Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko ma-take ang mga lumalabas sa bibig niya. Gosh Castriel... mas nahuhulog ako sa ginagawa mo. "I hate seeing myself being like this too. Kaya salamat, salamat sa pag-aalala." "You don't have to thank me, it's my responsibility to take good care of my Miriana." My Miriana. My Miriana. My Miriana. My Miriana. Ramdam ko na. Ramdam ko na ang mga langgam sa paanan ko. "Gano ba karami ang in-order mong ice cream? Mauubos ba natin ito?" Iniba ko ang usapan dahil pulang pula ang pisngi ko panigurado 'yun. Ang bilis din ng pintig ng pulso ko sa sinasabi niya at sa kilig na kumikiliti sa buo kong sistema. "Ako ang uubos para walang masayang." "Kaya mo?" "Ice cream is my favorite dessert don't worry." Sa hubog ng katawan niyang 'yan? Ice cream ang favorite niya? Wow. Akala ko mga gulay ganun, you know... healthy foods to maintain that almost perfect body. "Well, ice cream is my favorite comfort food." "Everyone does. Simulan na nating kainin ito para hindi sila maging malamig na soup." Sumang-ayon ako sa sinabi niya at sinimulang ubusin ang binili kong ice cream. Castriel is like my medicine right now. Sa pagsulpot niya pa lang sa harap ko, nakalimutan ko na lahat ng iniisip ko. Mas nagiging maganda ang pakiramdam ko kahit na sobrang lungkot ko kanina. "Dito ka lang," biglang sabi niya. Tumayo siya sa pagkakaupo at dumiretso sa counter. May sinabi siya roon pero base sa hawak niya ngayong pabalik na siya, humingi siya ng ice na nakalagay ngayon sa ice bag. "Ilagay mo 'yan sa ibabaw ng mata mo para mabawasan ang pagkamugto." Nilagay niya sa kamay ko ang ice bag saka umupo ulit para kumain. Pumikit ako bago ito ilapat sa mata ko. Alam kong nakangiti ako pero hayaan na natin, hindi ko rin mapigilan. ▪▪▪ Humarap ako sa kanya pag-alis ko ng seatbelt. "Thank you for comforting me, I really appreciate it." Pinisil niya ang pisngi ko pero hindi ganun kadiin. "You're my responsibility kaya gagawa at gagawa ako ng paraan para mapangiti ka. Just promise me na hindi mo na ako ulit pag-aalalahanin. Hmm?" Ngumiti ako't tumango. "I promise." "Sige na, matulog ka na para makapagpahinga ka. See you again tomorrow. Make sure to sleep early." Lumapit ako sa kanya matapos niyang sabihin ito at mabilis siyang hinalikan sa kaliwa niyang pisngi. "Drive safely," huli kong sabi bago patakbong lumabas ng kotse niya. "Gosh Miriana," inis kong sabi sa sarili ko habang palayo roon. Kusang gumalaw ang sarili ko kaya nahalikan ko siya. Napakalandi mo Miriana! Malakas kong sinara ang pinto sa lakas ng t***k ng puso ko. Feeling ko tumakbo pa ako papasok sa bahay sa hiya. "Nakipag-fun run ka ba?" Naalis ako sa aking pag-iisip sa nagsalita. "Dale..." Tumayo siya sa pagkakaupo sa sofa at takang tinignan ako ng buo. "'Wag mo sabihing may humabol sa'yong aso kaya ganyan ang itsura mo." "Kanina ka pa nandito?" kabado kong sabi habang pilit na inaayos ang aking sarili. "Hindi naman mga ten... fifteen minutes? Ginamit ko na ang extra susi ko kasi baka matagal ka pang dumating." Binaba ko sa malapit na mesa ang suot kong bag. Hindi naman niya nakita si Castriel, noh? Oo, hindi, nasa loob siya ng bahay. Chill Miriana. "Bakit ka pala nandito?" Tumaas ang kilay niya sa tanong ko. "Dahil hindi mo sinasabi sa'kin ang dahilan at iniwan mo pa ako kanina. Kaya nandito ako para makausap ka at para maayos ang away niyo ni Richard." Pagkasabi niya ng pangalan niya, napalingon ako sa kusina ng marinig ko ang ilang ingay na nagmumula roon. "Kain na," inosenteng sabi ni Richard habang suot ang apron ko. At bakit nandito ang lalaking ito ngayon? Epilogue Author's POV. (Richard's side) Halos murahin ni Richard ang kanyang sarili ng makitang umiyak sa harap niya si Miriana. Gusto niya sana itong sundan para humingi ng tawad, ngunit napako siya sa kanyang kinatatayuan. Ngayong siya ang dahilan sa pag-iyak nito, parang gusto na niyang alisin ang pagtatampo sa dalaga. Nagawa niya lang naman 'yun dahil sa pagseselos nito. At higit sa lahat, nasaktan siya sa pagtutulak ni Miriana sa kanya palayo. Naiinis siya na may gusto ng iba si Miriana. Kahit hindi niya man sabihin, gusto niyang suyuin siya ni Miriana. Pero dahil sa selos, nasabihan niya ito ng masasakit na salita. "Bakit umiiyak si Miriana?" bungad na tanong ng kanyang ina ng umakyat ito para tanungin si Richard. Bago pa man makalabas si Miriana sa bahay, nadaanan niya ang ina ni Richard na nagtaka sa mabilis nitong paglabas. Gusto niya sana itong tanungin, ngunit mas pinili niyang dumiretso kay Richard para tanungin. "Richard. Nag-away ba kayo?" seryosong tanong ng ina nito. Nagpakawala ng malakas na buntong hininga ang binata bago tumango. Isang malakas na hampas ang natanggap nito sa kanyang ina na buong puso niyang tinanggap. "Hindi kita pinalaki para magpaiyak ng babae! Puntahan mo siya't humingi ka ng tawad. Nako Richard... ngayon na!" Halos mabingi si Richard sa sigaw ng kanyang ina at ilang hampas nito sa braso. "Anong meron at sumisigaw ka na naman hon?" Napalingon silang dalawa sa nagsalitang 'yon. Naglalakad papunta sa direksyon nila ang ama nitong kagagaling lang sa trabaho. Nakaalis na ang necktie nito kaya kita ang ilang nakabukas na buttones sa suot niyang itim na polo. Hindi mo makikitaan ng pagkatanda ang kanyang ama dahil sa maamo nitong mukha na minana ni Richard mismo. "Itong anak mo. Nagpapaiyak ng babae." Hinalikan muna ng ama ni Richard ang kanyang asawa sa noo bago siya pukulan ng tingin. "Kaya ba umalis ng bahay si Miriana na umiiyak?" barito nitong tanong na nagpakaba ng kaunti kay Richard. Hindi kasi maikakaila ang lakas ng presensya ng kanyang ama sa tuwing malapit lapit itong sumeryoso. "Dad... aayusin ko naman." Tinignan lang siya nito. "Kung ganun, ano pang tinatayo tayo mo diyan? Puntahan mo siya," sabi ng ama nito na nagpatakbo rito palabas ng bahay. 'Ang tanga mo kasi Richard.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD