9-Cold stare

2222 Words
"Ayos ka lang ba?" Pagkukuha ni Castriel ng atensyon ko. "Ako? Oo naman. Bakit?" Mukhang hindi siya sang-ayon sa naging sagot ko. "You can tell me if something is bothering you Miriana. If you're not comfortable in this place we ca--" "I'm fine, iniisip ko lang ang ibang school works." Kinuha ko ang orange juice na nasa gilid ko at ininom ito para umiwas sa mga tanong niya. I feel restless because of what happened. Iniisip ko kung paano ko ngayon ia-approach si Richard, lalo na't hindi ako magaling sa paghingi ng tawad o manuyo ng kaibigan. Nagulat ako sa naging akto niya pero mukhang ako nga talaga ang may kasalanan kung bakit niya 'yun nasabi. "Miriana..." Pagtingin ko kay Castriel, may hawak siyang velvet box na inaabot niya sa'kin. Hindi ko agad kinuha ang box. "Para saan 'to?" tanong ko. "Buksan mo para malaman mo ang laman." Ayoko sanang kunin, pero kinuha ko na lang at dahan-dahang tinignan ang laman. "Nung bumili ako ng flowers kanina, naisip kong bilhan ka rin. I want to give you a bouquet of flowers but it's common. Kaya pinalagay ko sa isang box para hindi makita ng ibang tao. I also want to say sorry if I disappoint you, gusto ko lang sanang i-surprise ka." Just like him. But I misunderstood his actions. "It's beautiful, thank you. I'm not disappointed, I'm just being sensitive." Hindi ko alam kung narinig niya pero sinara ko ang box bago ilagay sa gilid. "But you still look down. Kung may problema ka you can always talk to me, remember that." Nilagay niya ang kamay niya sa kamay kong nasa ibabaw ng mesa na nagpa-alis sa'kin kaunti ng guilt. I think I'm being unfair to Castriel right now, not that I'm cheating or something. Because we don't have that girlfriend and boyfriend relationship in the first place. And I don't even know our status, but it's not okay to act like this in front of him because of what happened between Richard and me. It's just that... I can't help it. "Don't mind me, I'll be fine later." "Are you sure?" Tumango ako at ngumiti na nagpangiti rin sa kanya. I don't know how I ended up like this. But just seeing Castiel smile at me makes my whole self calm down and think only of him. "How about this... after dinner, let's watch a movie before I take you home." Napaisip ako, may mga requirements pa akong gagawin but maybe watching a movie is not bad for my study routine. Just this night, for me to take away all of my thoughts. "Sige." ▪▪▪ Napatingin ako sa phone ko ng mag-vibrate ito. Kanina pa chat ng chat sa'kin si Dale dahil magkasama sila ngayon ni Richard with their other friends sa isang bar. Tanong siya ng tanong kung ano raw ang pinag-awayan namin para uminom siya ng marami. I'm worried dahil ako ang may kasalanan but I think it's a bit childish? I don't know. Alam kong may kasalanan ako and I admit it. Magmula kanina nag-iisip ako ng pwedeng gawin para mag-sorry sa kanya dahil katulad ng sinabi ko, hindi ako sanay na humihingi ng tawad sa iba. But isn't this too much? Dinaig niya pang binusted... "Don't tell me..." gulat kong sabi sa mga tumatakbo sa utak ko ngayon. Agad akong napailing sa naisip ko. "Cut that thought Miriana. He's your friend he can't like you. Not him." Napayuko ako. I've seen Richard act like this, but it was a long, long time after his breakup with his ex-girlfriend. 'Yun din ang naging dahilan kaya naging bisexual siya and happy go lucky man. "Sorry for the wait. Ayos ka lang?" Rinig kong sabi ni Castriel. Napaupo ako agad at piniling ibulsa ang phone ko. This is not the time for me to think about it. "Hmm? Oo, may tinignan lang ako sa baba." Tinignan niya ang sahig, saglitan lang ito na parang inosenteng bata. "Tinitignan mo kung malinis o hindi?" pabirong sabi niya na ikinangiti ko. Napailing pa ako dahil hindi ko alam na may ganito siyang side. Wala pang isang linggo na magkasama kami ng ganito pero parang mas nagugustuhan ko siya. I've never been in a relationship or in a place where someone is courting me because most of the time, I'm rejecting them immediately. That's why all of this is new to me. Nakikita ko lang ito sa mga panood or to other people. But I never experienced it kaya siguro madali akong mahulog sa mga ginagawa niya. Isama mo pa ang matagal ko ng tinitigan. That smile that keeps my lips smiling and my heart skip a bit. "Ngumiti ka rin... mas maganda kung ngumingiti ka Miriana. Your smile makes me fall in love with you more." Hindi ko napigilang mas ngumiti pa sa narinig ko. Automatic na namula ang pisngi ko at ewan ko ba, ang sarap sa feeling na kiligin sa taong matagal ko ng hinahangaan. Never in my life hiningi kong makasama siya ng ganito. Hearing those words increases my confidence. "Tara na sa loob, ilang minuto na lang ang natitira bago magsimula ang movie," pagdadahilan ko nang wala akong masagot. Hindi ako magaling sa ganito, dahil nahihiya ako. Pagtayo ko, pinagtaklop niya ang kamay naming dalawa na mas lalong nagpakilig sa'kin. 'Akala ko ba common Miriana. Common din naman ang ginagawa niya pero kinikilig ka.' "I never thought bagay ang kamay natin. Parang tayong dalawa," nakangiti niyang sabi habang tinitignan ang kamay namin. Naiiwas ko ang aking tingin dahil pakiramdam ko, sasabog na ako sa kilig. Hindi ko nga alam kung gaano na kapula ang aking pisngi sa mga simple niyang galaw at banat, na epektibong epektibo sa akin. Stop Castriel, you're making me like a nervous tomato. Umubo ako kunwari bago muling humarap sa kanya. "Pumasok na tayo sa loob." Isang ngiti ang sagot niya bago kami sabay na pumasok sa loob. Katulad ng inaasahan ko, wala masyadong tao sa loob dahil gabi na. Mangilan ngilan na lang sila pero ayos pa naman para masabing marami. Napili namin ni Castriel na umupo sa gitnang bahagi dahil ayoko ng masyadong malapit, lalo na't action ang papanoorin namin. Baka magulat ako sa ibang scenes. "Sigurado ka bang wala kang gustong kainin habang nanonood?" "Wala. Marami na tayong nakain kanina, baka hindi ako makatulog kapag may kakainin na naman kahit popcorn pa 'yan." I love food, but I know how to limit myself lalo na't ayokong tumataba gaano. Hindi rin kasi ako mahilig mag-exercise para i-maintain ang katawan ko. Kaya dinadaan ko na lang sa tamang pagkain, I even have a planner for my everyday food. "Okay... if you want something just tell me." Tumango ako. Magkahawak pa rin ang kamay namin at mukhang wala siyang balak na paghiwalayin ito. Hindi sa pasmado ang kamay ko, sadyang hindi lang ako sanay. Kusa kong sinandal ang ulo ko sa balikat niya ng mamatay na ang ilaw at tanging ang malaking screen sa harap namin ang nagsisilbing ilaw. "Kung inaantok ka habang nanonood, matulog ka lang. Gigisingin na lang kita," mahina niyang bulong na ikinangiti ko. Parang buong gabi, hindi ako makatigil sa kakangiti at siya ang dahilan nun. I feel like a crazy girl because of him. Smiling like there is no tomorrow. Hindi ko sinagot ang sinabi niya. Sa totoo lang, kaya ako sumandal sa kanya dahil inaantok ako kaunti. Pero ang natitira nun ay dahil gusto ko lang. Nawala ang ngiti ko ng maalala na naman si Richard. I know he didn't mean what he said a while ago. But I cannot deny that I am also afraid that he will not speak to me again. Am I being selfish right now? Mali bang mas pinili kong mag-stay sa tabi ni Castriel kaysa ang puntahan si Richard to give my apology to him personally? He's still my friend. ▪▪▪ Isang malakas na buntong hininga ang ginawa ko bago alisin ang earphones na suot ko. Inalis kasi ni Dale ang isa kaya wala na akong magawa kundi ang harapin siya para sa kanyang ikatatahimik. "Ano?" suko kong tanong. "Why are you being like this Miriana?" taas kilay niyang tanong. Magmula pagpasok ko, hindi niya na ako tinantanan. Umiiwas ako pero ayaw niyang tumigil. "Just tell me your point." "My point? Bakit hindi mo ako sinasagot kanina? And second, ano ba talaga ang dahilan ng pag-aaway niyo ni Richard? My gosh Miriana... halos ubusin na niya ang isang bote ng whiskey kagabi pero wala ka pa ring pakialam?" "Papatayin niya ba ang sarili niya?!" gulat kong sabi. He did it again. Half bottle of whiskey is enough for a person to be killed by an alcohol, but one whole of bottle? He really want to die. "Hindi mo sinagot ang mga chat ko sa'yo kagabi pero ganyan ka magre-react? Ano ba talaga ang nangyayari?" Hindi ko na nasagot ang mga chat niya sa'kin dahil nakatulog ako sa sinehan. After that, nang magising ako napagdesisyunan namin ni Castriel na umuwi na. Kaya pag-uwi ko diretso kama na ako sa sobrang antok. "Nasaan siya?" balik kong tanong. "Aba malamang nasa condo niya, imposibleng makapasok 'yun ngayon. Nakailang suka pa siya kagabi dah--Miriana! Saan ka pupunta?!" Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad paalis sa lounge. May tatlong oras pa akong bakante, sapat na siguro 'yun para puntahan at tignan ko kung anong lagay niya. Palabas na sana ako ng gate ng mahagip ng mata ko ang papasok na kotse. Tumigil muna ako at tinignan ito, nagulat pa ako ng mapagtantong kotse ito ni Richard. Kaya imbis na lalabas na ako ng gate, bumalik ako at napagdesisyunang sundan ito hanggang sa parking lot. "Richard!" sigaw ko pagbaba nito ng kotse. Mukha siyang normal tignan pero halata sa itsura niyang may hang over pa siya. Dapat hindi na siya pumasok. "Bakit ka pa pumasok?" may pag-aalala kong tanong habang tinitignan siya ng buo. Hindi man lang siya sumagot kaya napatingin ako sa mga mata niya. Paglapat pa lang ng mata ko sa kanyang mata, ibang iba na ang paraan ng pagtingin nito kumpara sa usual kong nakikita. Mabilis na bumalot sa buo kong katawan ang kaba sa titig niya ngayon. It's cold just like before. "I heard about what happened... are you okay?" alangan kong sabi. "Why would you care?" Nahagip ko ang aking hininga sa sinabi niya. I didn't expect that. No. Not for him, please tell me this is not real. I hate seeing him like this. "B-because I'm your f-friend..." Mas lumalim ang paraan ng pagtingin niya sa'kin. Napaatras pa ako ng humakbang siya palapit. "I'm your friend, but you walk away like I'm a stranger who wants to hurt you." "Richard..." Nasasaktan akong makita siyang ganito. I hate this. I hate it so much. "Stop acting like my family Miriana, mind your own business." Hindi ako kumurap sa sinabi niya. Parang nabingi ako ng paulit-ulit na mag-echo sa tenga ko ang sinabi niya. Did I hear it right? Did he just... "Don't cross the line," dagdag niyang sabi bago ako talikuran at iwang nakatayo. Napakagat ako sa aking labi, I feel worst right now. Kusang lumabas ang luha ko sa mga mata kong ngayon ay mahapdi na. In an instant, he said that to me as if I had made a big mistake. How Richard... how can you say that? How can you look at me so coldly like you just want to end our friendship? Epilogue Author's POV. (Bar) "Pigilan niyo nga 'yan," inis na sabi ni Dale sa mga kaibigan niyang kasama nila sa mesa. Kanina pa inom ng inom si Richard na parang tubig lang sa kanya ang alak na nasa harapan niya. Isa pang nagpaparamdam ng inis kay Dale ay ang hindi pagsagot ni Miriana sa mga tawag nito. Alam kasi nitong siya lang ang may kakayahan para mapatigil sa pag-inom si Richard. "Ayaw niyang magpapigil," sabi ni Liana na tinitignang ilayo ng ilan nilang kaibigan ang bote sa kanya. Sumuko na si Dale sa pag-contact kay Miriana at siya na mismo ang lumapit dito. Marahas niyang kinuha ang bote ng whiskey rito na binasag niya sa sahig. Tumingin sa kanya si Richard ng masama pero hindi 'yun pinansin ni Dale. "Papatayin mo na ang sarili mong lalaki ka! Halika na at iuuwi ka na namin!" Aakayin na sana nila ito ng mapalayo sila sa biglang pagsuka nito. "Ano ba 'yan! Yuck!" nandidiring angil ni Liana. Napailing na lang naman si Dale. Wala siyang pagpipilian kundi ang magtawag ng waiter para linisin ang kalat ni Richard. "Tulungan niyo akong ipunta ito sa banyo, paniguradong magsusuka na naman siya," mahinahong sabi ni Dale. Kahit nandidiri, inakay nila ito paalis sa table nila at pinunta sa isang banyo. Kumuha pa si Dale ng tissue para pamunas sa bibig nito. "Nasaan ba kasi si Miriana?" may pagkairitang sabi ng isang kaibigan ni Dale na tumulong para buhatin papunta si Richard sa banyo. "Malay ko ba dun, parang tanga naman itong si Chard." Hinagod ni Dale ang likod nito dahil suka pa rin siya ng suka. "Baka heart broken na naman 'yan. Siya, kukuha ako ng tubig baka matumba na lang 'yan dito." Tumango lang si Dale sa sinabi nito bago harapin ng maigi si Richard na nagsusuka pa rin hanggang ngayon. "Nako... lagot sa'kin 'yang Miriana na 'yan bukas."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD