8-Flowers

1704 Words
Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa office niya, una kong nakita ay ang isang bulaklak sa ibabaw ng mesa. Nakababa na ang mga kurtina at hindi ko rin siya nakita agad kaya 'yun ang pumukaw ng atensyon ko. "Nasaan kaya siya?" tanong ko sa aking sarili ng masara ko ang pinto. Binaba ko muna ang bag ko sa upuan dahil baka nasa klase pa siya. Gusto ko sanang umupo sa harap ng mesa niya para maghintay, kaso buong araw na akong nakaupo kaya maglalakad lakad na lang muna ako rito sa office. Hindi masyadong maliit ang office niya, kung tutuusin malaki ito pero mas malaki sa dean. May kanya-kanya kasing opisina ang lahat ng professor ng school para raw hindi sila madistorbo at may privacy rin sila. Kaya ang kinalabasan, halos lahat ng mga professor dito ay hindi ganun ka-close sa isa't isa. Ang iba rin kasi ay galing sa mga kilalang university at sa tatlong taon kong pag-aaral dito. Masasabi kong ma-attitude sila, not in a bad way but in a good way. Napahinto ako sa paglalakad nang may mapansin akong nakaipit na litrato sa isang libro. Parang punit pa ito pero hindi ko kasi makita ng buo dahil sa pagkakaipit nito sa libro. "Kanina ka pa naghihintay?" Natigil ako sa pagtingin sana ng litrato at napalingon sa bukas na pinto. Binaba ko ang kamay ko saka umiling, sinalubong ko rin siya ng isang ngiti. Hinintay ko munang masara niya ang pinto bago ako lumapit sa kanya. "Bakit mo pala ako tinawag dito? Ano 'yung gusto mong sabihin?" pagtatanong ko. Sabay kaming naglakad palapit sa mesa niya kung saan tinulungan ko siyang ibaba ang hawak niyang ibang folders. "Because I miss you." Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko sa sinabi niya. Tumalikod ako dahil hindi ko maitago ang kilig na naramdaman ko. Ganito ba talaga ako kiligin? Like come on Miriana... napakahina mo naman. "Ang init sa office noh," sabi ko habang ginagamit ang isa kong kamay para paypayan ang aking sarili. Gosh why would he say that? Imbis na sagot ang makuha ko, isang mahinang tawa ang aking narinig na ikinabalik ng tingin ko sa kanya. Nakasandal siya sa ibabaw ng mesa, nakahalukipkip ang kamay habang nakatingin sa'kin. "Anong nakakatawa sa sinabi ko?" Tumagilid ang ulo niya at parang nag-isip. "Dahil... you're my happy pill?" Alangan akong tumingin sa kanya. Maraming beses ko na kasing narinig 'yan kaya ang marinig na sabihin niya ito ay hindi nakakakilig sa'kin. 'Pero sa I miss you niya kinilig ka?' Ngumiti na lang ako at piniling hindi pansinin ang sinabi niya. "I know you have other reasons kaya tinawag mo ako rito. Tell me, what is it?" "Okay... sinabi ko na ang una kong dahilan. Because I miss you and the second is, because I want to ask you if we can have dinner. Just the two of us." Ah... kaya may pa-flowers siya. Pero pano kapag may makakita sa'min? It's against the rules ang ginagawa namin sa totoo lang, dahil hindi maganda ang student-teacher relationship. Pwede siyang mawalan ng lisensya kapag nagkataong mahuli kami. "Don't worry, that restaurant is exclusive for VIPs only kaya walang makakakita sa'tin kung 'yan ang iniisip mo." Parang nagda-doubt na akong ituloy ang meron sa pagitan namin dahil doon. I don't know why I'm in this position. Maybe because I like him that's why I'm breaking the rules. "Kung ganun... may dahilan pa ba ako para tumanggi?" Umiling siya na nagpangiti sa aming dalawa. "Ayusin ko lang ito saglit tapos pwede na tayong umalis." "Gusto mong tulungan kita?" "Hindi na, mabilis lang ito." Hinayaan ko na lang siya dahil mukhang ayaw niya nga talagang magpatulong. Umupo ako sa upuan kung nasaan ang bag ko. Pinanood ko siya kung paano niya ayusin ang ilang gamit kaya masasabi kong hindi siya makalat na tao. "Kanino ito?" tanong ko ng hindi niya man lang ginagalaw ang bulaklak. "Ah... para sana sa isang board of director 'yan na pinabili ng dean sa'kin kanina. Pero dahil hindi nakarating, iniwan ko na lang muna rito kasi allergic ang dean sa bulaklak." Isang ngiti ang sagot ko sa kanya. 'Bakit Miriana, inaasahan mo bang para sa'yo?' Bumalot sa buo kong katawan ang pagkadismaya sa hindi malamang dahilan. Hindi ako ganun kahilig sa mga bulaklak pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Umasa nga ba talaga akong para sa'kin ang bulaklak? "Castriel, mauuna na ako sa labas para walang makakita sa'tin na sabay lumalabas ng office mo," wala sa sarili kong sabi. Alam kong wala ng ibang pagala-galang mga studyante rito sa building ng mga teachers. Pero mukhang naapektuhan ako dahil lang sa isang bulaklak. "Sabay na lang tayo. Wala naman ng mga studyante rito, ang ibang professor ay paniguradong may klase o umuwi na." Tumayo ako sa aking pagkakaupo at dahan-dahang kinuha ang bag ko. "Mas maganda pa rin ang nag-iingat, hintayin na lang kita sa labas." "Pero..." natigil siya sa ginagawa niya dahil sa sinabi ko. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad dahil ayoko ng pahabain pa ang pag-uusap. Paglabas ko ng office, napasandal ako sa pintuan. "Baliw ka talaga Miriana." inis kong bulong ng ma-realize ang nagawa ko. I'm a bit guilty dahil nakaramdam ako ng panghihinayang. Walang kami at napakababaw ng dahilan ko para itrato siya ng ganun. But my feelings always get into me. "Hindi niya naman siguro iisipin pa ang sinabi ko." Inalis ko sa isipan ko ang nangyari at nagdesisyong maglakad palayo. Hihintayin ko na lang siya siguro sa waiting shed na nasa labas lang ng school. Habang naglalakad ako, iniisip ko kung anong mukhang ihaharap ko sa kanya. Alam kong mainitin ang ulo ko at mabilis akong sakupin ng sarili kong pakiramdam. Pero kailangan ko ba talagang ma-disappoint dahil lang sa isang bulaklak? "You're stupid Miriana. Really stupid." Sinipa ko ang ilang batong nasa daan sa inis ko. "Ano na namang kinaiinisan mo't pati bato dinadamay mo?" "Oh. Nandito ka pa?" kunot noo kong tanong ng makita ko si Richard sa harap ko. "Hindi kasi ako mapalagay na nandito ka pa't hindi nakakauwi, kaya hinintay kita." "Malaki na ako kaya mauna ka na," pagtataboy ko rito pero dahil matigas ang ulo niya, umiling siya. "Not until nahahatid kita at nasisigurong nakauwi ka ng maayos." Napatitig ako sa mata niya't malalim na napabuntong hininga. "Richard... stop acting like you're my family can you? Kung ginagawa mo ito dahil lang sa nangyari sa'tin sa bar. Stop. Just mind your own business," tuloy-tuloy kong sabi. Nawala ang ngiti sa mukha niya na mabilis napalitan ng isang blanko at malamig na tingin. "Sorry about that then. And to tell you, I'm not going to do this because of what happened that night. You can see me as a guy who likes both men and women. And I think you're still thinking that I just want to have s*x with you. But do you really think I can be like this forever? Do you want to know why I'm being like this? I bet not because you don't even care. Because just like what you said, don't act like I'm your family. Mind my own business? If that's what you want, I won't cross the line from now on. But I also want to remind you... I respect you Miriana to the point na nagsisisi akong may nangyari sa'tin nung gabing 'yun." Pinanood ko kung paano niya itapon sa harap ko ang hawak niyang bulaklak na ngayon ko lang napansin. It's my favorite flowers. Naging sarado ang bibig ko sa nangyari. Gusto kong mag-sorry sa kanya pero nanatili lamang akong nakatayo habang pinapanood siyang maglakad palayo sa'kin. Kung anong pagsisisi ang naramdaman ko kanina, mas lumaki pa ito dahil sa sinabi ni Richard. Harsh ba ang sinabi ko? Ako ba ang mali? Nang mawala siya sa aking paningin, napatingin ako sa bulaklak na nasa lupa. Yumuko ako para kunin ito at pagmasdan. May nakaipit na card dito na aking kinuha para tignan ang laman. 'I got you your favorite flowers, I hope this makes your day happy. Away from all the stress of school.' Wala akong masabi. Naiinis ako dahil sa nagawa ko. At mas lalong naiinis ako dahil hindi ko alam kung paano ako ngayon hihingi ng apology sa kanya. "I-I'm sorry..." Epilogue Author's POV. (Flower shop) Ngingiti ngiting pumasok sa loob ng shop si Richard para bumili ng bulaklak na ibibigay niya kay Miriana. Matagal tagal din nung huli niya itong binigyan ng bulaklak. Kung tama ang pagkakaalala nito, ay noong grumaduate ito ng senior high. Nahihiya kasi siyang bigyan ang dalaga ng bulaklak kung walang dahilan, dahil baka bigyan niya 'yon ng malisya at mabuking siya sa totoo niyang nararamdaman. "Hello sir, ano pong bulaklak ang hinahanap ninyo?" masayang tanong ng nagbabantay sa shop. Tinignan niya ang mga bulaklak sa harapan niya hanggang sa huminto ang tingin niya sa pink flowers na maganda ang pagkakabuka. "Ito sana. Uhm... pwede bang ako ang mag-arrange?" nahihiya niyang sabi. "Para po ba sa girlfriend ninyo?" Napakamot siya sa kanyang batok. Kahit na hindi naman sila magkasintahan ni Miriana, tumango ito. "Kung 'yun po ang gusto niyo, kailangan niyo po ba ng tulong ko?" "Hindi na salamat." Nginitihan lang siya ng babae bago kunin ang bulaklak na mga kakailanganin para ayusin ang mga ito. Si Richard pa mismo ang pumili ng ibang gamit bago simulang ayusin ang bulaklak na binigay sa kanya. Alam niyang mag-ayos ng bulaklak dahil sa kanyang ina na may flower shop. Noong bata pa lamang siya, siya na ang kasa-kasama ng kanyang ina sa shop nito kapag wala siyang ginagawa. Pink flowers ang napili nito dahil ito ang paboritong bulaklak ni Miriana. Habang siya ay nag-aayos, hindi mawala sa labi niya ang ngiti at excitement na iaabot kay Miriana ang bulaklak na siya mismo ang nag-ayos. Hindi nagtagal, natapos na rin siya kaya lumapit siya sa babaeng nasa counter lang. Natutuwa ang babae habang pinapanood si Richard na buuin ang bulaklak. Namangha rin ito dahil sa ganda at pagkakaayos ng mga ito. "Salamat." Kinuha na ni Richard ang card nitong ginamit niyang pambayad ng bulaklak bago lumabas ng shop na 'yon. "Sana magustuhan ito ni Miriana," nakangiti niyang sabi na inamoy pa ang bulaklak bago tahakin ang daan papunta sa eskwelahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD