7-Start

2023 Words
Miriana's POV. Binaba ko sa mesa ang niluto kong pagkain pero agad din akong tumalikod dahil pilit kong iniiwas ang aking tingin kay si--I mean Castriel. "Kumain ka na, may aayusin lang ako," pagdadahilan ko na agad niyang pinigilan. Hinawakan niya ang aking kanang kamay. "Sabay na tayong kumain, hindi maganda kapag nagpalipas ka ng gutom. Tulungan na lang kita sa aayusin mo after breakfast." Pilit na ngiti ang binigay ko bago umupo sa kaharap niya lang na upuan. "Miriana..." "B-bakit? Hindi masarap?" mabilisan kong sagot na pinaghalong kaba, hiya, inis at kung ano-ano pa. Ako ang may ari ng bahay pero parang ako ang bisita sa lagay ko ngayon. "Masarap naman, pero mas masarap 'yung nauna kong umagahan." Halos iuntog ko na ang sarili ko sa mesa ng ma-realize ko ang aking tanong. 'Hoy malanding Miriana! Umayos ka nga!' "Nahihiya ka ba dahil sa nangyari?" "A-ako? Hindi a-ah... kumain ka na lang diyan." Nagsandok ako ng pagkain na nilagay ko sa plato ko. Mas maiging ituon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain. Tama. Food, landiin mo ako now na! "Then... bakit hindi ka makatingin sa'kin?" Inangat ko ang ulo ko sa sinabi niya para sana tignan siya sa mata pero agad ding naalis dahil hindi ko kaya. Bumabalik lang ng bumabalik sa utak ko ang nangyari kaninang madaling araw. I hate to say this, but nag-iinit ang sarili ko kapag tumititig ako sa kanya. "Kasi kumakain tayo. Oo. Kumakain tayo." Nagsubo ako ng pagkain para maalis siya sa utak ko. Makaalis lang siya, magbababad talaga ako sa bathtub mamaya para maalis ang init ng katawan ko. Kainis ka kasi Miriana! 'Yan! Hayaan mo pa kasi siya! "Tumingin ka sa'kin Miriana." Umiling ako sa gusto niya. Pero mukhang hindi siya marunong makiramdam. Siya na mismo ang nag-angat ng ulo ko para makatingin ako sa kanya sa paghawak nito sa aking baba. "Ayokong makaramdam ka ng discomfort sa'kin kapag kasama mo ako. Kaya sabihin mo, ano ang dapat kong gawin para maging comfortable ka?" 'Alisin mo sa utak ko ang nangyari kanina.' Hinaplos niya pa ang baba ko na nagpatitig sa'kin ng maigi sa mukha niya. Kung tutuusin I should be smiling and happy dahil ang dating hinahangaan ko ay nandito na ngayon sa'king harapan. I can tell that he's sweet and caring dahil ramdam ko 'yun sa paraan ng paghalik at haplos niya sa'kin. To be honest, I'm a little disappointed nung tumigil siya because I'm expecting to lose my virginity like what other guys do and want. After a night full of lust, they will leave the girl like that night didn't even happened. But then I realized, I should be thankful because I feel respected. And that he's different from other guys out there. Napabuntong hininga ako. "I don't know. Ako... ako ang may problema. It's just that, I feel embarassed from what happened a while ago." Sumilay sa labi niya ang usual niyang ngiti na nagpapatili ng maraming kababaihan. Kasali na ako roon syempre. "Hindi ka dapat mahiya Miriana, about what happened? I will not make a move not until you give me permission. I don't want to promise anything... because my actions will do it. Just tell me kung ano ang pwede kong gawin para hindi ka na mahiya, okay?" Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi niya. Can I really trust him? "'Yan. Mas maganda kapag nakangiti ka. Kumain na tayo." ▪▪▪ "Iba ata ang aura natin?" bungad na sabi sa'kin ni Dale pagpasok ko sa classroom. Tanging irap ang sinagot ko bago umupo sa tabi niya. "Grabe ha, ang sungit mo naman. May dalaw ka?" "Gusto mong dalawin?" taas kilay kong tugon. "Basta ba pogi ang dadalaw ayos lang." Nag-flip pa siya kunyari ng buhok niyang wala naman. "Ni satanas Dale. Satanas," iiling kong sabi bago ilabas ang ilang papel na kakailanganin ko para mamaya sa klase. Not in the class of Castriel dahil hindi pa naman ako magre-report ngayon. Last group kasi ako at mga kasama ko kaya bukas pa kami. Hinahanda ko lang ang ilang papers na gagamitin ko for the next subject. "Si Lucifer nga sa movie gwapo. Si satanas pa kaya..." "Just shut up Dale baka gusto mong ikaw na ang dumalaw sa kanya?" "Sabi ko nga... sige magpaka-busy ka riyan sa mga papel mo." Isang irap ang sinagot ko bago ibalik ang atensyon sa mga papel na nasa mesa na. Income tax is a hard subject kaya ganito na lang ako mag-review sa subject na 'yun. The professor is not that kind or terror, sabihin na lang nating nasa gitna siya. Kayo na ang manghusga about that subject. "Andyan na si sir," kalabit na sabi ni Dale na ikinaangat ng tingin ko. Sa pag-angat ko pa lang ng aking ulo, nagtama na agad ang mata namin na ikinapula kaunti ng pisngi ko. Nakangiti siya kaya kusang napangiti ang labi ko. Matapos naming kumain kahapon, tinupad niya ang sinabi niyang tutulungan niya ako sa pag-aayos. Hindi ganun karami ang inayos namin pero naging sapat na 'yun para kahit papano'y maging close kami sa isa't isa. Walang isang minuto na hindi ako ngumingiti kapag kasama ko siya. Mahilig din siyang magbiro kaya mas naging magaan ang loob ko. Kahit na bumabalik pa rin sa isipan ko ang nangyari, nawawala rin 'yun agad kapag nag-uusap na kaming dalawa. "Simulan na natin ang reporting." Umalis na siya sa harapan at umupo sa gilid para panoorin ang presentation ng mga groups. Nasa labi niya pa rin ang kanyang ngiti pero ang mga mata niya ay naging seryoso nang magsimulang magsalita ang mga tao sa harap. Ito ang isa sa nagustuhan ko sa kanya, mabait siya sa students niya pero may pagka-strict which I understand dahil college na kami. And this is their way on helping the students to be independent enough. Real world is scary kaya kung magiging tamad kang studyante, walang mangyayari sa'yo. Siguro kapag may parents ako or maybe my life is comfortable enough like Dale and Richard, hindi ako mag-iisip ng ganito. I don't know if I should thank the world on giving me a life like this. But maybe I should because I can stand on my own unlike others. Castriel is like that, he's independent even though he has a family to count on to. I don't know the whole story about his life because I only heard a little of it on some of the stories he shared in class. But I think he's a good man, hindi ko nga lang alam kung anong nagustuhan niya sa'kin. Hindi ko dina-down ang sarili ko. It's just that, I know to myself that I am not good enough. Not until I achieve my dreams and feel the success and contentment that I want to have. ▪▪▪ "Next month na ang OJT ninyo kaya mas maganda kung ngayon pa lang nakahanda na ang mga resume and other files na kakailanganin niyo. 1 week before, ibibigay na ng school ang recommendation letter para sa mga company na pupuntahan niyo. Expect an interview from that company, para kapag graduate niyo ready na kayong humarap sa totoong interview for your future job, okay?" mahabang sabi ni Ms. Lanny. May ilang umangal pero ang iba'y excited. "Nako sis, sana magkasama tayo. Kinakabahan akong mag-isa kapag nagkahiwalay tayo." "Kinakabahan ka kasi hindi ka nag-aaral." Sumimangot siya sa sinabi ko. "Kung sabihin ko na lang kaya sa school na mag-OJT tayo sa company ni pappy? Papayagan kaya tayo?" "Asa ka pa. Remember 'yung mga nauna sa'tin na nagtanong sa dean? Hindi pinayagan dahil baka wala silang gagawin. Kaya 'wag ka ng umasa." "Sige na. Magkita na lang tayo sa next meeting." Rinig kong sabi ng professor sa harap. Tinapik ko ang balikat ni Dale. "May weeks ka pa para mag-ready. Mag-aral ka ng mabuti okay?" Kinuha ko na ang bag ko saka tumayo. "Saan ka pupunta?" tanong niya nang hindi ko man lang siya hintayin. "Mag-aaral. Goodluck." Kinindatan ko siya pero isang irap ang sinukli niya na ikinailing ko. Naglakad na ako palabas ng room dahil pupuntahan ko si Castriel sa office niya. Kung tutuusin walang meeting ng mga representative sa klase niya. May gusto raw siyang sabihin kaya ngayon papunta na ako roon. "Miriana!" "Oh. Richa--sir." Hindi ko na natuloy ang pangalan niya nang may tumingin sa'king studyante. Baka isipin nila ang bastos ko naman. "At kailan ka pa natutong tawagin akong sir?" natatawang sabi niya paglapit niya sa'kin. Aakbay pa sana siya ng agad ko itong pigilan. "Nasa school tayo." Alanganin akong ngumiti sa studyanteng nadaanan namin saka ko hinarap si Richard. "And? Wala naman tayong ginagawang masama. Ikaw kung gusto mong may gawin talaga tay--" naisara niya agad ang bibig niya ng tignan ko siya ng blanko. "Look... don't be paranoid. We're friends and you're not my student." "Oo na." "Hindi kayo magkasama ni Dale?" "Nauna na siya. Nga pala mauna na ako, may idadaan pa ako sa office ng isa kong professor." Hindi sa excited akong makita siya o ano. Ewan ko ba, parang maling pinaghihintay ko siya. "Sige. Gusto mo bang sabay na tayong umuwi?" "Hindi na mauna ka na," agad kong sagot na ikinatitig niya sa akin. "Bakit? May pupuntahan ka pa ba after mong idaan ang idadaan mo sa office?" "Richard..." tawag ko rito bilang tanda na tumigil na siya sa kakatanong. Magsimula ng may mangyari sa'min sa bar, mas naging matanungin siya. "Okay... okay... basta umuwi ka after okay? 'Wag kang magpapagabi." Bago niya pa man mailapat ang kamay niya sa buhok ko, tinabig ko na ito agad. "Hindi na ako bata. Kaya ko ng umuwi." Nginitian niya ako saka nagkibit balikat. Inirapan ko na lang siya at mas piniling maglakad palayo sa kanya. Hahaba lang ng hahaba ang usapan namin kaya mas maiging iwanan ko na siya. "Ingat ka Miriana!" Rinig kong sigaw niya. Napayuko ako ng de-oras sa sigaw niyang 'yun. Kahit kailan talaga, walang hiya ang lalaking 'yon. Please lang pakilayo siya sa'kin. Pati na rin si Dale para magsama na silang dalawa. Epilogue Kinuha ni Castriel mula sa kamay ko ang plato na diniretso niya sa lababo. Sinuot niya rin ang nag-iisang apron na nakasabit sa gilid ng ref. "Ako na ang maghuhugas, gawin mo na lang ang iba mo pang gagawin." "Pero--" "Gawin mo na." Isang ngiti ang binigay nito sa'kin bago ituloy ang paghuhugas ng plato. Napailing na lang ako at napangiti ng kaunti. Kinuha ko muna ang lupot na pinangpupunas ko sa mesa bago umalis sa kusina para kunin ang vacuum cleaner na nasa gilid. Hindi ako fan ng mga walis dahil hindi sila gaanong nakakapaglinis ng sahig. At naglalagas din ang walis tambo na ewan ko ba't naiirita ako kapag ganun. May walis ako pero ginagamit ko lang ito kapag kailangan kong walisin ang kasuluksulukan ng bahay na hindi ko abot. Tinignan ko muna si Castriel na abalang naghuhugas sa kusina. Nang masiguro kong ayos lang siya sa kanyang ginagawa, sinumulan ko na ang paglilinis. Inayos ko ang iilang kalat sa kung saan, pinunasan ko rin ang ilang gamit bago gamitin ang vacuum cleaner para linisin ang sahig. "Ano pa ang maitutulong ko?" Pinatay ko ang vacuum ng marinig ang tanong ni Castriel. Nilingon ko ang lalagyan ng platong nahugasan at maayos ito na parang babae ang gumawa nun. "Wala na. Patapos naman na ako rito." Tumango siya bilang sagot. "Sa kwarto mo? Tapos ka ng maglinis?" "Hindi pa. Ako na ang mag-aayos doo--saan ka pupunta?" Naglakad ito patungo sa kwarto ko at mukhang gusto niyang siya ang maglinis doon. "Tapusin mo na lang 'yan, aayusin ko ang pinaghigaan natin." "Pero--" Katulad kanina, hindi na naman niya pinatapos ang sinasabi ko't pumasok na siya sa loob. Napabuntong hininga ako at piniling bilisan ang paglilinis. Nang masiguro kong ayos na, patakbo akong pumasok sa kwarto kung saan naabutan ko siyang nagtutupi ng damit kong kakalaba ko lang. Nasakto pang panty ko ang isa sa mga tinutupi niya. "A-ako na," pag-aagaw ko ng panty kong tinutupi niya. Inosente niya akong tinignan na nagpangiti sa kanya. "Ayos lang. Nakita ko naman na," nakangiti niyang sabi na parang wala lang. Damn this guy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD