CHAPTER 68 - Carry NAGTAGAL ako ng isang oras sa loob ng kwarto bago muling bumaba sa unang palapag ng bahay. At sa loob ng isang oras na 'yon, halos pag-iyak lang ang tanging nagawa ko. Akala ko ay muli ko nang nakokontrol ang emosyon katulad noon. Na kaya ko na umakto sa harapan ng iba na ayos lang, na malakas ako, at tila walang problemang iniinda. Pero nagkamali ako. Sa simpleng alaala ni Domino ay sumabog ang emosyon ko, sa mismong harapan pa ni Risk. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala na si Risk sa kusina. Mabilis akong lumapit sa table kung saan ko naiwan ang kalat ko at nilinis na ito. At gamit ang isang kamay, kahit na nahihirapan ay hinugasan ko pa rin ang isang mangkok na ginamit at ang iilang mga kubyertos. Ayaw kong may masabing iba si Risk na baka pagsimulan na

