CHAPTER 23 - Doubt NAG-INIT ang pisngi ko nang makapasok sa billiard hall ay nagkaroon ng hiyawan at tukso. Halos lahat ng atensiyon ay sa amin nakatutok ni Domino, ngunit parang wala lang ito sa kanya. Tanging iling lang ang itinugon niya sa kaibigan habang iginigiya ako patungo sa sofa at akbay-akbay niya. "May pa-akbay na. Mukhang nagkaayos na." "Pero parang noong isang araw lang, may walk out-an na naganap." "Gago. Sino kaya ang may kasalanan? Hindi ba't ikaw?" Bumaba ang ulo ko at napalabi nang hindi pa rin tumitigil ang mga kaibigan ni Domino sa panunukso sa amin. Talaga nga namang nakakuha ng atensiyon ang simpleng pag-akbay niya sa akin. "Don't mind them," bulong ni Domino nang mukhang napansin ang nararamdaman kong hiya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "This is your fault

