CHAPTER 24 - Password "Wow. Sikat talaga sila sa mga babae, ha." Tila natatawa si Xia nang sambitin niya 'yon. Napailing ako at naniningkit ang mga mata na tiningnan ang kinaroroonan nina Domino at Hunter. Gaya ng sinabi ng kaibigan ay tila pinagpipiyestahan ng mga kababaihan ang dalawa. Maraming babae ang nakatitig sa kanila nang lantaran, hindi na nahiya kahit na makita pa ito ng dalawa. Noon ko pa man napapansin ito. Sa tuwing susunduin ako ni Domino ay maraming atensiyon ang nakukuha niya, kadalasan ay puro sa mga babae. Noong una ay wala lang sa akin ito, pero ngayon ay tila iba na. Naiirita na ako sa nakikita. "Hindi ka ba naiirita?" tanong ko sa kaibigan. Gusto kong malaman kung ako lang ba ang nakakaramdam nito. Umiling siya. "Bakit ako maiirita? Natatawa nga ako sa tuwing nak

