CHAPTER 52 - Twin PUNO ako ng sarkasmong natawa sa narinig na kasinungalingan niya. "Naiintindihan kong galit ka sa akin, Domino. But you don't have to lie to me," usal ko. Nagliyab ang mga mata niya sa narinig. "I told you, I'm not Domino! Hindi ako ang tanga at bobong lalaking 'yon!" bulyaw niya. Natigilan ako at biglang nakaramdam ng inis sa narinig. "Hindi tanga o bobo si Domino—" "Talaga ba, Haelynn?" he cut me off. Natigilan ako at hindi makapaniwalang tumitig sa kanya. Puno siya ng sarkasmong ngumisi sa harapan ko. "Tanga at bobo ang kakambal ko na 'yon dahil nagpauto siya sa isang kagaya mong babae, Haelynn," madiin niyang sambit na tila sinasadya niya 'yon para tumanim sa utak ko. Nanigas ako sa kinatatayuan at naging sunod-sunod ang pagbaba at taas ng dibdib nang muli n

