CHAPTER 51 - Mr. Alvarez IKINURAP-KURAP ko ang mga mata, sinisiguradong hindi lang ako nililinlang ng paningin ko. Ngunit kahit anong gawing kurap ng mga mata ko ay malinaw ko pa rin nakikita ang pamilyar na mukha ni Domino. Umawang ang bibig ko nang matantong totoo ang nakikita ko. Talagang... talagang si Domino ang nasa harapan ko! Marami ang tanong na bumaha sa akin. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Paanong ang isang patay na ay bigla ko na lang nakikita sa aking harapan? Pero sa dami ng tanong ko ay wala ni isa sa mga 'yon ang naisambit ko. Huminga ako nang malalim at naramdaman na ang pangingiligid ng luha sa aking mga mata. Nanginginig ang kamay kong inangat ito sa ere. "Domino..." Natigilan ako sa akmang paghawak sa mukha niya nang pabalibag niyang binitiwan ang palapulsuhan

