CHAPTER 64 - Ally "SIMULA nang mangyari ang pagsabog, bigla na lang naglaho na parang isang bula si Maureen. Kahit ang mga sindikatong pinagbilhan niya ng bomba noon ay nagtago rin kaya pahirapan ang makakuha ng ebidensiya o kahit na witness sa nangyari." Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Mr. Alvarez at napaisip. He's right. Totoo ngang tila biglang naglaho na parang isang bula si Tita Maureen matapos ng nangyaring pagsabog. Ni hindi na niya ako madalas na dinadalaw noon. Hindi ko agad 'yon natanto dahil occupied ang isipan ko sa pagkawala ni Domino. "Ang tanging nalikom lang na ebidensiya sa kanya ay ang CCTV footage kung saan kita ang mga pekeng trabahante ng isang electric company. Mula sa footage, kita roon ang kanang kamay niya na si Alfred. May isa rin na CCTV footage kung saan ay k

