CHAPTER 48 - Vacation "ARE you going to stay here?" gagad ni Xia sa sinabi ko. Marahan akong tumango. "I still have three days left before I go back to my work. Uubusin ko na lang ang mga araw na 'yon sa pananatili rito sa Batangas." Saglit siyang natahimik bago tumango. "If that's what you want." Ngumiti siya. "Sabihan mo na lang ako kapag lilipad ka na ulit. Hindi na kasi kita masasamahan pa rito." "Yeah, I know that. Don't worry about me. Just enjoy your honeymoon with Hunter." Mahina siyang natawa at sunod-sunod na tumango bilang tugon sa sinabi ko. Nagpatuloy pa ang kuwentuhan namin ni Xia, at puro 'yon tungkol sa magiging honeymoon nila ng asawa sa ibang bansa. Hindi maalis sa kaibigan ko ang pagiging excited niya. Ilang minuto pang nagtagal ang usapan namin ni Xia bago dumat

