CHAPTER 60 - Accept TULALA ako nang magising. Malinaw sa akin ang nangyari bago mawalan ng malay, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko alam ang dapat na maramdaman sa pagkakaligtas sa akin ni Risk. Para bang ni kakaunting pagpapasalamat ay wala ako para sa kanya. At kahit gising na ngayon, tila nalulunod pa rin ako sa mga masasamang ideya sa aking isipan. Malalim ang buntong hiningang pinakawalan ko at tumingin sa paligid. Ang pamilyar na kwarto na higit isang linggo ko na rin kinalalagyan ang namataan ko. Parang bumigat ang dibdib ko dahil sa pagkakakulong na naman sa silid na ito. Dahan-dahan akong bumangon at napatingin sa magkabilaan kong kamay. Sa kaliwang kamay ay may nakakabit sa akin na dextrose, sa kanan naman ay may posas na nakakonekta sa isang kadena na nakakabit sa bandang ul

