CHAPTER 61 - His Plan NAGING mahigpit ang pagbabantay nila sa akin sa nagdaang dalawang araw. Hindi nila tinatanggal ang posas sa aking kamay. Nakakalaya lang ako kapag kinakailangan kong pumunta ng banyo, pero kapag natapos na ay babalik na naman sa pagiging nakaposas. Kahit paglabas sa kwarto ay hindi ko na nagagawa. Hindi na rin ako nagpumilit pa kay Zen tulad ng ginagawa ko noon. Iba kasi ang hatid ng presensiya ni Mr. Alvarez sa akin. Kaya ngayon ako nagpapasalamat na nakakulong ako kaya hindi nagkakatagpo ang landas namin sa loob ng bahay. Kahit dalawang araw na ang nakalipas, ang naramdaman kong kaba, takot at hiya ay nakabara pa rin sa dibdib ko. Matapos na i-check ako nina Mr. Alvarez at Risk noong araw na 'yon ay kaagad na rin silang lumabas ng silid nang wala man lang sinasab

