AMARA: "So he pay Andre's bills and you already friends with him?" hindi makapaniwalang sabi ni Chloe habang nagse-serve ng alak sa bar counter. Ako naman ay kasalukuyan siyang tinutulungan sa paglalagay ng mga naka-display na mga alak at baso sa likod. Naisipan kong magpunta rito nang sinabi niyang wala ngayon si Landon dahil sa family problem. May iba namang kasama si Chloe rito na nagse-serve pero mas gusto ko pa rin na samahan siya. Hindi pa rin kami nakakapag-usap magmula ng party, kaya naisipan kong kuwentuhan siya. Nilingon ko siya habang abala ang kamay ko sa mga bote ng alak. Hindi night club ang theme ng bar na 'to. Simpleng lugar na inuman lang, may tables, stage para sa mga singer. Sa ibaba ng stage ay naroon ang malawak na espasyo para sa dance floor. Minsan DJ ang tugtog

