AMARA: "I'm sorry, I'm not Andre." Napapakamot ako kung hindi sa batok ay sa kilay ko tuwing nakikita ko ang pasimpleng pag-irap ni Shaq sa mga customer ng bar na tumatawag o binabati siya sa ngalan ni Andre. Hindi naman kasi nakapagtataka na lahat ay iniisip na siya si Andre dahil magkamukhang-magkamukha sila. Hindi na siguro pinapansin ng iba ang mahaba niyang buhok dahil matagal naman din na hindi nakikita si Andre. Ang iba ay alam na naka-coma ito, ang iba naman ay hindi nagtatanong kung bakit wala si Andre. "Everyone's calling me Andre," reklamo sa akin ni Shaq habang umiinom ng bourbon. Tumingin kami pareho kay Chloe nang sa halip ay siya ang sumagot. "Of course! Customer din dito si Andre 'no, lalo na kapag nagiging overprotective siya kay Amara, ayaw niyang mag-isa siyang duma

