AMARA: Lumipas ang ilan pang oras na hindi nga ako iniwan ni Shaq. Napapailing na lang ako sa tuwing magkakatinginan kami. Walang kaalam-alam si Chloe sa nangyari kanina sa loob ng storage room niya, kaya naman pilit akong umiiwas ng tingin kay Shaq para hindi makahalata si Chloe. Kaso si Shaq ay mukhang walang pakialam dahil buong gabi ay nakatingin lang siya sa akin, hindi pinapansin ang ilang customer na nag-aaya sa kaniyang sumayaw, mga babaeng halatang gustong lumingkis sa kaniya. "A, mag-usap nga muna tayo," bulong sa akin ni Chloe nang matapos siya sa pagse-served sa ilang customer sa counter. Ang mga nasa bar counter lang naman ang trabaho niya bilang bartender, pero may dalawa siyang waiter, isang bouncer na siya na ring security guard. Hindi pa ako nakakasagot ay hinila niya n

