Chapter 9: Look

2060 Words
AMARA: Halos tulala lang akong nakatingin kay Andre. Pakiramdam ko ay nabibingi na ako sa tunog ng machine na nakakabit sa kaniya. Sa tuwing na lang nandito ako sa kuwarto niya ay iyon lang ang naririnig ko, samantalang ang gusto ko lang naman marinig ay ang boses niya. Hindi na namin tinapos ni Shaq ang party. Nagpaalam na lang ako kay Daniel na may emergency kaya kailangan ko nang umalis? Noong una ay ayaw niyang pumayag, pero nagpumilit ako at wala na siyang nagawa. Hindi niya alam na sumama na ako kay Shaq paalis ng party. Kahit naman na tinulungan kami ngayon ni Shaq ay ibig sabihin hindi ko na gustong makuha ang oo ni Daniel. Mahalaga pa rin sa akin iyon kaya naman iiwasan ko pa rin na ma-offend siya. Hinawakan ko ang kamay ni Andre. "Siguro magiging masaya ka kapag nalaman mong kakambal mo mismo ang tumutulong sa 'yo habang tulog ka," bulong ko sa halos boses na hangin. Hindi perpekto ang buhay namin nina Kuya Flo at Jackson habang lumalaki kami, pero sa kabila niyon ay sobrang bless namin kasi magkakasama kami. Masarap magkaroon ng mga kapatid, kapatid na kahit na ilan beses pa kayong mag-away, bandang huli ay magkakakampi pa rin kami. Hindi namin kinailangan mag-isa dahil palagi kaming magkakasama sa mga problema. Ilan beses nang nakita at napuri ni Andre iyon noong may malay pa siya. Napapaisip tuloy ako kung kaya ba siya natutuwang nakikita ang closeness naming magkakapatid ay dahil lang ba sa kilala niya kami, o dahil alam niyang may kapatid siya? "Sana gising ka, sana alam mong may kapatid ka, na nandito na siya. Sana alam mong hindi na lang kayo ni Tita Celine ang magkapamilya." Napahikbi ako at mabilis na pinunasan ang luha ko nang kumawala ito. Hindi ko alam pero ang bigat ng loob ko habang iniisip ang biglang pagdating ni Shaq sa buhay namin. Pakiramdam ko ay maling masaya ko sa presensya ni Shaq. Pakiramdam ko ay mali na nararamdaman ko kung anong nararamdaman ko ngayon. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko nang marinig ko ang paggalaw ng doorknob. Paglingon ko ay saktong bumukas ang pinto at pumasok si Tita Celine kasunod ni Shaq. Tumayo ako nang nilapitan ako ni Tita para salubungin siya. "Hija, salamat sa pagtulong, ha. Sinabi sa akin ni Shaq na ikaw ang kumumbinsi sa kaniya na tulungan si Andre." Napatingin ako kay Shaq na ngayon ay nakasandal lang sa pader katabi ng pinto. Nanonood sa amin. Napaiwas ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Hindi ko alam pero naiilang ako. Mula kanina sa byahe ay hindi kami nag-iimikan. Tahimik lang kami pareho sa backseat habang ang driver ang nagmamaneho para sa amin. Pagkarating naman sa hospital ay dito na kami dumiretso sa kuwarto ni Andre. Siya na ang nag-aya kay Tita Celine na puntahan at kausapin ang doctor at sa cashier. Matapos niyon ay ngayon na lang uli kami nagkita, at hindi ko nagugustuhan ang kakaibang pagkabog ng dibdib ko. It seems wrong. Nagpilit ako ng ngiti para itago ang pagkailang ko. "'Wag ninyo na pong isipin iyon, ang mahalaga po ay ligtas po si Andre." "Don't be so sure," singit ni Shaq kaya pareho kaming napatingin sa kaniya ni Tita. "This hospital known as a hospital who don't give their service for poor, that's why they are willing to remove Andre's life support." Umiling si Tita. "Pero tinanggap nila kami." "Dahil maganda ang trabaho ni Andre, pero ngayong alam na nilang wala pala silang mapapala, papaalisin talaga kayo rito. Ilipat ninyo na siya." "Saan mo nanaman ba nakuha ang details na 'yan? Paranoid ka nanaman ba?" hindi ko mapigilang magduda. Siguro dahil sa linya ng negosyo niya? Pakiramdam ko tuloy lahat ay pinaiimbistigahan niya. Hindi ko pa rin alam kung paano niya nakuha ang number ko, at kung siya nga talaga ang nag-hack ng CCTV sa Village nina Tita Celine. "Doesn't matter." "It does, dahil alam naman natin na kahit saan kami magpunta, e, mahihirapan pa rin kaming magbayad," iling ko. "Concerned lang ako dahil alam kong hindi magiging priority rito si Andre, idagdag pa na gusto nilang ilipat sa shared room si Andre. Hindi kayo magiging komportable." Nagtaas ako ng kilay. "So, concern ka?" Natigilan siya na para bang doon niya lang din na-realised ang sinabi niya. Tumikhim siya at dumiretso ng tayo. "You know, I'm done here. Nabayaran ko na ang dapat bayaran, wala na kayong kailangan sa akin." Tumalikod na siya. "Anak, sandali." Natigilan siya sa paglabas nang tawagin siya ni Tita pero hindi siya lumingon. "Alden, salamat. Masaya akong may puwang pa rin ang kapatid mo sa puso mo." Kahit na nakatalikod siya ay kitang-kita ko pa rin ang pagbubuntong-hininga niya base sa galaw ng balikat niya. Hindi siya lumingon at sa halip ay tumuloy na sa paglabas. Susunod sana si Tita Celine pero pinigilan ko siya sa braso. "Tita, kakausapin ko lang po si Shaq." Pinagmasdan na muna ako ni Tita Celine bago tumango. Doon na ako tumuloy sa paglabas. Nang makita ko pa siya palayo ay tinawag ko siya kaya nilingon niya ako. Huminto siya sa paglalakad at hinintay akong makalapit sa kaniya. "Puwede ba tayong mag-usap?" sabi ko kaagad pagkalapit ko sa kaniya. Tinagiliran niya muna ako ng ulo bago tumango sa akin. Nagpasya kaming mag-usap sa playground na malapit sa hospital. Sa ilang araw na pagpunta ko rito ay napapansin kong dito madalas nagpapahangin ang mga pasyente o ang mga bantay ng pasyente? Pati nga ang ilang nurse ay nakikita ko rito. Buti na lang at bukas ito kahit gabi na. Naupo kami sa isang bench na malapit sa puno, kung saan ang views namin ay ang mga object kung saan puwedeng maglaro ang mga bata. Kung hindi lang seryosong tingnan ang kasama ko ay malamang sa swing na ako umupo. Ang kaso ay mukha siyang KJ kaya hindi na ako nag-abala. Mula sa kalangitan ay napatingin ako sa kaniya nang ipatong niya ang kanina niyang suot na blazer sa likuran ko. Napahawak ako roon nang maramdaman ko ang init niyon. Sa katunayan ay kanina pa nga ako nilalamig dahil labas na labas ang likuran ko. "Salamat, Shaq." Tiningnan niya lang ako at hindi sumagot. Bumuntong-hininga ako at tumingin sa kawalan. "Alam kong ang bills lang ngayon ang binayaran mo, pero huwag kang mag-alala, babayaran kita. Mag-iipon lang ako." "Sa tulong ni Daniel Millers?" Bumagsak ang balikat ko nang matunugan ko ang lamig sa boses niya. Napailing ako. Pakiramdam ko ay kailangan kong magpaliwanag. Pero kahit sabihin ko sa utak ko na hindi na dapat ako magpasalamat ay bandang huli ay gusto ko pa rin dumepensa sa posibleng isipin niya. "The date is over, Shaq, didiretso na kami sa proposal. Kung talagang interesado siya sa proposal, pakikinggan niya ako." "Don't worry, interesado siya sa 'yo." Nangunot-noo ako. "Ang init ng ulo mo." "Because you are willing to give him everything just for Andre. Hindi ko alam kung ganito ka lang kadesperedo ngayon at papayag ka sa gusto niya, samantalang halik lang ang hinihingi ko, pinagtabuyan mo na ako, o sadyang ayaw mo lang sa akin?" Laglag ang pangang napatitig ako sa kaniya. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin, tila talagang naghihintay ng sagot ko. "Iyan ang minamaktol mo? Seryoso ka?" Nanliit lang mga mata niya at hindi nagsalita. Bumaling siya sa kaliwa pero kitang-kita ko naman ang paglunok niya. Hindi ko mapigilang mapangiti. Alam kong napaka stupido ng idea sa isipan ko, pero hindi ko mapigilang isipan na tama ako. "Nagseselos ka ba?" Bumaling siya sa akin, kunot na kunot ang noo. "Why would I?" Natawa ako. "Ewan ko sa 'yo! Ikaw kaya ang namomroblema sa mga naging desisyon ko." Umiling siya. "Nakaksinsulto lang, okay?" Nagtaas ako ng dalawang kamay. "Okay," sabi ko na lang at tinanggap ang alibi niya. Niyakap ko ang sarili ko at mas binalot ang sarili ko ng blazer niya. "Hindi ko naman talaga ibebenta sng sarili ko sa kaniya, sadyang naabutan lang ako ng matinding takot. On the spot kasi ay basta na lang sa akin sinabi na tatanggalan ng life support si Andre, kaya hindi na ako nakapag-isip ng maayos. All I want to do is to keep him alive," marahan lang ang boses ko. Nakailang lunok pa ako nang makaramdam ako ng bara sa lalamunan ko kasabay ng pag-iinit ng mga mata ko. "Pakiramdam ko kapag pinabayaan ko siya ngayon ay mabibigo ko siya. Ang tagal niya akong hinihintay, ang unfair ko naman kung hindi ko siya mahihintay na magising ngayon, 'di ba?" "Ganiyan siya kahalaga sa 'yo?" mabigat ang boses niya. Marahan akong tumango. "Buong buhay ko kasama ko na siya, kahit kailan hindi ko naranasan ang mabuhay na wala siya, kaya ayokong mawala siya." "Kaya handa kang pakasalan siya?" Napabaling na ako sa kaniya. Nangingintab ang mga mata niya dahil sa liwanag ng buwan na siyang nagbibigay liwanag sa amin. May kung ano sa titig niya ang naghihintay ng sagot. Tuluyang kumawala ang luha mula sa mga mata ko, dala ng kirot sa puso kong hindi ko mapangalanan kung para saan. "Oo." Tumango siya at umiwas ng tingin. "He's lucky, then." Tumayo na siya. "It's getting late, I have to go. Ihahatid na kita sa inyo." Umiling ako. "Hindi na muna ako uuwi, sasamahan ko na muna si Tita Celine. Sigurado pagod na rin siya, lalo na't siya ang kinausap kanina ng doctor." Kahit umaaktong matatag si Tita Celine ay alam kong hirap na hirap na rin siya. Kung apektado at sobrang hirap at sakit sa akin ng pinagdadaanan nila ni Andre ngayon bilang mag-ina, alam kong mas hirap siya. Ako lang ang puwedeng masandalan ngayon ni Tita Celine dahil wala na naman silang ibang kamag-anak o kapamilya. Tumango lang siya. "Ihahatid na kita sa loob." Tumango na lang ako at sabay na kaming naglakad papasok sa building. Tahimik lang ang naging lakad namin. Kung hindi siya umimik ay hindi rin ako kikibo. "Dito na lang ako, ayoko na sanang magpakita uli," sabi niya nang nasa hallway na kami kung saan isang liko na lang ay naroroon na kami sa kuwarto ni Andre. Hinarap ko siya. Kahit na hindi niya sabihin ay alam kong si Tita Celine ang tinutukoy niya. "Galit ka pa rin sa kaniya?" Umiling siya. "I just don't about her anymore." "She's still your mother, Shaq." "I have to go." Tatalikuran niya na sana ako pero pinigilan ko siya sa braso. Napatingin siya roon bago tumingin sa akin. "Nakita kita sa bahay nila, sa bahay ninyo. Kung wala ka talagang pakialam, bakit ka nandoon?" Umiwas siya ng tingin. "Gusto ko lang malaman kung anong buhay nila at naisipan nila akong ibenta. Their seems good, Amara." Umiling ako. "Lahat ng mayroon sa bahay na 'yon ay pinaghirapan nila, karamihan din doon ay si Andre ang nag-provide." Umiling siya. "Bakit mo sa akin ito sinasabi?" Bumuntong-hininga ako. "Dahil ayokong isipin mo na masyadong naging mababaw sng rason ng pagbebenta sa 'yo ng totoo mong magulang. Ayoko rin isipin mo na magandang pamumuhay nila ang naging kapalit mo." Tumingala siya na para bang napaisip. Ilang segundo siyang tahimik bago ako muling tingnan. Mainit ang mga mata niya at seryoso. "Wala naman akong pakialam doon, Amara. Gusto ko lang makita ang sarili ko na kasama sila, kahit sa letrato lang. Pero bakit gano'n? Its like I wasn't existed. Ikaw nga mismo buhay mong kasama si Andre pero hindi mo alam na may kakambal siya, e, 'di ba?" "Shaq-" napailing lang ako, hindi alam kung anong isasagot ko. Kahit gusto kong itanggi ay hindi ko magawa, dahil may punto siya. Kahit kailan ay hindi ko nadinig na nag-exist pala siya. Hindi ko alam kung bakit. "Don't try to defend them, because you don't an answer for my question. I just wanted to know why, Amara." Napatitig lang ako sa kaniya. Dama ko ang sakit sa mga mata niya, na alam kong pilit niyang itinatago sa pamamagitan ng pagiging matigas niya. Nakaramdam din ako ng kirot sa puso ko dahil doon. Hindi ko maitatanggi na ayoko rin siyang nakikitang nasasaktan. "I have to go." Tuluyan na siyang tumalikod at naglakad palayo. Bumagsak ang balikat ko habang nakatingin sa kaniya. For unknown reason, I just want him to look at me again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD