Chapter 8: Don't Go

2837 Words
AMARA: Sa mga sumunod na araw ay inaral ko ang proposal na ginawa ng katrabaho ko. Kinausap ko rin mismo ang gumawa ng proposal nang sa ganoon ay ma-execute ko nang maayos ang mga nakasaad sa proposal. Sa katunayan ay kinakabahan ako. Sanay na akong mag-present ng proposal bilang isa sa marketing ng kompaniya, pero dahil kailangang-kailangan ko ang oo ni Mr. Millers, hindi lang para sa kompaniya kundi pati sa sarili kong benefits, natatakot akong hindi ako mag-succeed. "Nakailang buntong-hininga ka na ba? Oy girl, nakakapangit ang stress." Nakasimangot na binalingan ko si Lori, ang office mate ko na nakakaalam ng offer sa akin ni Miss Michelle at siya ring tumapos ng proposal na dapat ay ako ang gagawa. Nandito ako sa condo niya para mag-ayos para sa party mamaya. Malapit lang dito ang resort kaya naman nag-offer siya na rito na ako mag-ayos. "Ninenerbyos ako, ewan ko ba kung bakit." "Baka kasi kagaya ko, wala ka rin tiwala sa Mr. Millers na 'yon?" ani Chloe habang inaayos ang buhok kong kinulot niya. Hindi magaling mag-ayos ng buhok si Lori, makeup lang ang kaya niyang itulong sa akin. Kaya naman kay Chloe na ako humingi ng tulong para hindi na ako gumastos. Dahil mahal din ang renta ng damit at nagtitipid ako, nanghiram na rin ako kay Chloe. Noong una ay nawirduhan pa sa akin si Lori, dahil hindi naman mababa ang sahod ko bilang isa sa nakatoka sa marketing, pero kung makapagtipid daw ako ay wagas. Nang sinabi ko naman sa kaniya kung anong problema ko sa pera ay naintindihan din niya, kaya naman hindi rin sumama ang loob niya nang ako ang pinapag-present ni Miss Michelle ng proposal na ginawa niya. Tiningnan ko si Chloe mula sa salamin na nasa harapan ko. "Chloe, it's just a proposal date, 'wag ka ngang paranoid." "Ako lang ba? Ikaw nga ninenerbyos, e. Like, hello! Nakarating ka nga sa Cebu para lang sa isang meeting proposal. You should be used to it." "I am!" irap ko. "Ayoko lang magkamali this time, importante sa akin ito, kaya ako ninenerbyos." Pinagmasdan niya muna ako sa salamin bago sumusukong tumango. "Fine! Basta ilagay mo na sa speed dial mo si Landon, nang sa ganoon ay if ever na may hindi magandang mangyari, makatawag ka kaagad." Tumawa si Lori. "Chloe, 'wag kang mag-alala. Hindi siya ipapahamak ni Miss Michelle. Isa pa, single naman si Amara. If ever, malay mo naman maging totoong date," kindat ni Lori. Tinawanan ko lang siya at napailing. "Sabagay, at least if ever na magpapakasal ka someday, e, dahil gusto mo, hindi dahil nakokonsensya ka." Bumagsak ang balikat ko. Hindi pa rin matanggap ni Chloe ang plano ko na pakakasalan ko si Andre, tatanggapin ko ang proposal niya kapag nagising na siya. "Hmp! Paano kung hindi kaagad magising si Andre, hihintayin mo ba siya?" Tiningnan ko si Lori at muling bumuntong-hininga. Mula kaninang after lunch ay magkakasama na kami, kaya naman nang sabihin ko sa kaniya ang situwasyon ni Andre, ng best friend ko, hindi ko na rin naiwasan na sabihin sa kaniya ang plano ko pagkagising ni Andre. "Oo naman, kahit gaano katagal." "Sure ka? Ako kahit na magkalayo kami ni Landon, sure ako na hindi ako matutukso sa iba, kasi mahal ko siya. Ikaw, ano bang panghahawakan mo para hindi ka matukso?" hamong tanong ni Chloe. Hindi ako nakasagot. Hindi naman siguro ako maturuksong mahulog sa iba tutal naman ay wala pa sa plano ko ang pakikipagrelasyon, right? "Sige nga, paano kung may isang lalaking magpatibok ng puso mo. Pipiliin mo ba ang pangako mo kaysa sa lalaking iyon?" Natigilan ako sa tanong na iyon ni Lori. Bigla ko tuloy naalala ang gabing hinalikan ko si Shaq, pati nang mag-offer siya sa akin ng isang deal. Bahagya kong ipinilig ang ulo ko. Bakit ko ba siya iniisip? Bakit siya ang unang pumasok sa isip ko dahil sa katanungan na iyon? Siyempre kung silang dalawa lang ang pagbabasehan, mas pipiliin ko si Andre. Mabait si Andre at kilala ko na siya matagal na. Si Shaq, isa lang naman siyang lalaking umangkin ng halik na hindi para sa kaniya, at anak na walang pakialam sa kapatid at ina niya. Kaya naman wala na dapat akong pakialam sa kaniya. Tumayo na lang ako at nagpatulong para suotin ang dress na susuotin ko para ibahin ang topic. Nakita kong nagkatinginan silang dalawa at nagtawanan, na para bang alam nilang hindi ko alam ang isasagot ko kaya ko iniiba ang topic. Hindi ko na lang sila pinansin, dahil hindi ko rin naman talaga alam ang sasabihin o isasagot ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng human size mirror matapos masuot ang dress. Simple lang itong tingnan pero eleganteng tingnan. Bonnie dress and style nito at kulay itim na may mga pangpakintab na crystal stone. Kitang-kita ang likod ko na karaniwang napupuri sa akin dahil makinis ang balat ko at walang kahit na anong bakas ng katabaan. Madalas akong tawagin mula noon na may sexy back. Bagay din sa akin ang kulay nito, lalo't hindi ako kaputian. Everyone called me at our office as brunette girl, so. "Mukhang kakailanganin mo talagang mag-ingat kay Mr. Millers," sabi ni Chloe habang nakatingin sa akin, tila sinusukat kung gaano kabagay sa akin ang ayos at suot ko. Inayos ko ang pagkakalagay ng buhok ko sa harapan. Natural na wave curl ang buhok ko, pero dahil ginamitan niya iyon ng curler ay mas gumanda iyon at bumagay sa akin. "First time akong makikipag-date sa client, pero hindi ito ang first time ko na gagamitin ang ganda ko para mapa-oo ang kliyente," ngisi ko. "The power of marketing team!" proud na sang-ayon ni Lori, nag-apir pa kami na ikinailing ni Chloe. "Dapat pala kinuha ko na lang kayong bartender ko, gamitan lang din naman pala ng ganda." I tapped her shoulder. "Next time, pa-sideline." Nagtawanan na lang kami. Hindi nagtagal ay nagpasya na rin akong tumuloy na sa party. Hinatid ako ni Chloe gamit sng sasakyan niyang dala. Mag-isa lang akong nagpunta sa party dahil doon ko na kikitain sa loob si Mr. Millers. Binigyan naman ako ng kopya ng invitation ni Miss Michelle para papasukin ako. Galing daw iyon kay Mr. Millers. Pagkapasok ko sa venue ay namangha kaagad ako. Sa pool site ng resort ginaganap ang party, at dahil sa madilim na ang gabi ay tumitingkad ang kagandahan ng mga pailaw na nakapalibot sa lugar. Idagdag pa ang ilang mga naglulutangang ilaw sa malaking swimming pool na halos kulay berde na sa sobrang lawak. Nagkalat ang mga bilog na mesa habang nasa gilid sng catering, nasa kabilang gilid naman ang mga live musicians na gumagawa ng eleganteng musika. "Hindi nga ako nagkamali nang unang beses kitang makita. I knew how beautiful you are," ani Mr. Millers nang daluhan niya ako. Mukhang naagaw ko kaagad ang atensyon niya kaya wala pang limang minuto na hinahanap ko siya ay nahanap niya na ako. Ngumiti ako kahit na may parte sa akin na gusto siyang irapan. Hmp! Bolero. "I'll take that as a compliment, Mr. Millers. Thank you for inviting me here." "Please, call me Daniel, and please don't thank me, I'm the one who should thank you for accepting my invitation tonight," aniya at inilahad ang braso niya sa akin na kaagad ko namang tinanggap. "It's my honor, Daniel." Sabay na kaming naglakad patungo sa isang table kung nasaan ang tingin ko ay kung hindi niya mga kaibigan ay mga kasosyo niya. Lahat sila ay mga naka magagarang suit at may mga katabing mga babaeng halos labas ang mga kaluluwa. Pakiramdam ko tuloy ay bigla akong namutla. Mga escort ba sila? Am I look as an escort now? Pinilit ko pa ring ngumiti at umakto nang normal nang sinimulan akong batiin ng mga nakaupo sa table. Mukhang ako lang ang bago kaya ako lang ang binati nila, hindi kasama si Daniel. "So, you're working in a marketing department of a publishing company?" tanong ng isang mestizong lalaki matapos akong ipakilala ni Daniel. Sasagot pa lang ako pero naunahan na ako ni Daniel. "Yes, but she's not here for that, she's here to accompany me tonight." Gusto kong ngumiwi. Actually nandito nga ako para doon. Ibig sabihin ba ay hindi niya pakikinggan ang proposal ko? Baka mamaya siguro? Pilit kong tinulak ang mga negatibong pumapasok sa isipan ko. Para kay Andre at Tita Celine, kailangan kong makuha ang oo niya. "So, she's your flavor of the night." Natigilan ako sa biglang nagsalita. Kasalukuyang nag-uusap-usap habang kumakain ang mga nasa mesa nang may dumating mula sa likuran namin. Nang tingnan ko iyon ay isang maganda, mestizang babae ang nakatayo roon at nakahalukipkip. I was about to look away when I saw a man beside her. Si Shaq. "Davina, you're here," parang hindi naman nagulat na sinabi ni Daniel. Naniningkit ang mga mata ni Shaq habang nakatingin sa akin. Gusto kong umiwas ng tingin kung hindi niya lang ako tinitingnan sa nangungusap na mga mata. Para bang gustong-gusto niya akong tanungin kung bakit ako naririto, pero pareho naman kaming hindi makapagsalita. "Well," bumaling sa akin si Daniel at umakbay sa baywang ko. Gusto kong pumalag pero hindi ako nakakilos. "She's Amara Sanchez, and yes, she's my date tonight." Umirap ang babaeng tinawag niya kanina ng Davina at isinabit ang kaniyang kamay sa braso ni Shaq. Nangunot-noo ako dahil doon. Kagaya ng mga kasama namin sa mesa ay nakabihis din si Shaq. Bagay sa kaniya ang midnight blue color na suit at ang buhok na naka-half knot. Mukha sana siyang prinsipe sa hitsura niya, ang kaso ay parang masyadong supistikada ang babaeng katabi niya, hindi bagay maging prinsesa. "Poor Amara, seems like you doesn't have any idea what you are into," anya at tinaasan ako ng kilay. "Let's go, Shaq. Let's not waste our time here." Pumihit sila patalikod sa amin, pero naiwan ang mga mata sa akin ni Shaq. Para bang gusto niya akong hatakin paalis doon. Ako na ang naunang nagbitiw ng tingin. Wala na akong planong sayangin ang gabi ko sa kaniya, tutal naman ay may magkakaiba kami date ngayong gabi. Hindi rin naman niya ako tinulungan nang sinubukan kong humingi ng tulong sa kaniya. Wala na kaming ibang ugnayan. Sa buong oras ay pinilit kong makisalumuha sa mga kinakausap ni Daniel. May mga naiintindihan naman ako bilang kasama naman sa linya ng trabaho ko ang mga pinag-uusapan nila, pero dahil sa hindi ko naman kompaniya ang topic nila ay wala pa rin akong gana. Dinadaan ko na lang sa socialising. Sa tuwing mawawalan ng kausap si Daniel ay sinusubukan kong buksan ang topic tungkol sa proposal namin, upang mahingkayat siyang mag-invest, ang kaso ay panay lang siya, "Will talk about that later." Nananahimik na lang ako at hinahayaan siya. Nagpaalam na muna ako para makapunta sa CR. Kailangan kong ibalik ang composure kong unti-unti nang nawawala dahil sa inis ko. Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-ring iyon. Unregistered number kaya kaagad kong sinagot. Sa rami ng commitments ko sa trabaho ay kailangan ko rin na maging active sa kahit na anong tawag. Buti na lang at hindi dinig sa loob ng banyo ang ingay sa labas. "Yes, hello?" "Amara." Nangunot-noo ako nang makilala ko kaagad ang boses. I crossed my arms. "Shaq? Paano mo nakuha ang number ko?" may pagdududa kong tanong. "Does that matter?" Nagtaas ako ng kilay ko. "Why not?" "We need to talk," matigas niyang sinabi matapos humugot ng hangin. "Then speack! Magkausap na tayo," pagmamatigas ko rin. "Meet me at the balcony, I'll wait for you." Hindi pa ako nakaka oo ay pinatayan niya na ako. Nasapo ko ang noo ko. Bakit parang sa tono niya ay hindi na ako puwede tumanggi? Walang nagagawang lumabas ako sa banyo. Pasimple kong tinaguan ang mga kaninang kasama namin. Sana lang ay hindi nila ako makita, dahil kapag nakarating kay Daniel na may kinita akong ibang lalaki ngayong gabi, malamang ay masisira na kaagad ang proposal namin. Hinanap ko ang balcony na sinasabi niya. Sa laki ng resort ay masyadong maraming balcony. Kinailangan ko pang magtanong sa mga staff para mahanap ko sng mga iyon. Malayo pa lang ako ay nakita ko na siya sa isang balkonahe. Kung hindi ako nagkakamali ay iyon ang pinaka malayong parte ng resort sa kung nasaan ang party. Nasa kabilang side iyon at ang tanawin na makikita ay forest. Maganda iyon kahit na kung tutuusin ay mukhang madilim. "What took you so long?" Nagulat ako sa bigla niyang imik. Nakatalikod pa siya sa akin pero alam niya na kaagad na nandito ako. Bumuntong-hininga na muna ako at pumwesto sa tabi niya. Pareho kaming nakaharap sa pasimano at nakatanaw sa tanawin. "Bakit kasi dito mo ako pinapunta, hindi mo pa sinabi kung saan eksakto." "Iniwasan ko lang na makita tayo ni Daniel Millers." Sarkastiko akong tumawa. "Ni Daniel Millers, o ni Davina? Hindi lang naman ako ang may date ngayong gabi." "Davina isn't my date." "Uhuh!" sabi ko lang, hindi tinatago na hindi ako naniniwala. "Seriously, Amara. She is not my date, she's -" Natigilan siya nang inilingan ko siya. "Bakit ka nagpapaliwanag? Wala akong pakialam kung date mo siya o hindi. Bakit mo ba ako pinapunta dito? May trabaho pa ako." Nalukot ang noo niya at nagdiin ang bagang niya na para bang nagtitimpi siya sa kung ano. "So, Daniel Millers is your customer?" Bago pa ako maka oo ay na-realised ko na ang ibig niyang sabihin. "I'm not an escort, Shaq." "Really? Because that's what it looks like." Pinagmasdan ko siya. Bakit parang pikon na pikon siya? "Saan ba patungo 'tong usapan na ito?" Umirap siya at dumiretso ng tayo. "Lumayo ka na sa kaniya, hindi ka ligtas sa kaniya." Inirapan ko rin siya. "Alam ko ang ginagawa ko. Bumalik ka na kay Davina." Iiwan ko na sana siya pero pinigilan niya ako sa may braso kaya walang nagagawang tiningnan ko siya nang direkta. "I told you, she's not my date-" "Wala akong pakialam!" "Just listen, please." "Shaq, ano ba-" "Kliyente ko si Davina, nandito ako dahil kumuha siya ng service ko para protektahan siya kay Daniel na nagtangka siyang pagsamantalahan." Nagtaas ako ng kilay. "Bakit hindi agent? Ikaw mismo? Akala ko ba founder ka ng YA's?" Sa mga sinabi niya ay hindi ko alam kung saan ko itutuon ang atensyon ko. Kung sa tinangkang gawin ni Daniel o kung bakit siya ang kasama ni Davina? Nangibabaw roon ang pagtataka kung gaano kaimportante si Davina at siya pa mismo ang nagbabantay rito. "I'm not. Magkakilala kami kaya magkasama kami kanina, pero may ibang nakatoka sa kaniya," sabi niya saka dahan-dahang binitiwan ang kamay ko. "Why am I explaining to you, by the way. Just leave and don't let him harm you." Umiling ako at niyakap ang sarili ko. "Madali sa 'yong sabihin iyan kasi hindi mo alam kung anong importansya ng project na ito sa akin. Pero puwede ba, pakawalan mo na lang ako." "Mas importante pa sa kaligtasan mo?" "Oo." Lalagpasan ko na sana siya pero pinigilan niya uli ako. "Shaq, ano ba?!" "You are going to marry my brother, right? And yet you're dating with a jerk?" Nangunot-noo ako. "Who are you to use Andre as an excuse just for me to follow you?" Nag-iwas lang siya ng tingin sa akin. Napailing ako at nanahimik. Hinintay ko siyang sumagot pero hindi siya umimik. Iiwan ko na sana siya nang mag-ring ang cellphone ko. Si Tita Celine. "Tita-" "Aalisin na ang life support ni Andre..." Natigilan ako. Parang ayaw magproseso ng sinabi ni Tita sa utak ko, pero sa puso ko, damang-dama ko ang bigat at takot doon. Doon ko lang na-realised na isang linggo na ang nakalipas. Marahas akong umiling. "Tita, huwag po kayong papayag. Sabihin ninyo bukas dala ko na 'yong bayad. Please..." nangingiyak na ako habang nakikiusap. Hindi ko kayang biguin nang ganito si Andre. Kaagad kong pinatay ang tawag. Bago pa ako makakilos ay hinawakan na ako sa magkabilang balikat ni Shaq. "What happened?" nag-aalala ang mga mata niya, pero sa halip na sagutin ay umiling lang ako at hinawi siya. Muli niya akong pinigilan kaya nagmamakaawang inilingan ko siya. "Shaq, please, let me go. Kailangan kong makuha ang oo niya. Kailangan ko 'tong project na 'to. Please..." "My God, Amara! He's dangerous!" "I don't care! Kunin niya na lahat ng gusto niyang kunin sa akin, wala na akong pakialam! Kailangan kong mailigtas si Andre, kailangan niya ako." Pilit akong kumawala sa kaniya at tuluyan nang naiyak. Pilit pumapasok sa isipan ko ang magiging buhay at mararamdaman ko kung sakali ngang mawawala si Andre. Hindi ko kaya. Imbes na pakawalan ay mas hinugit niya pa ako palspit sa kaniya. Ikinulong niya ang mukha ko sa nga palad niya at pilit akong pinakakalma. "Ako nang bahala, I'll help him. Just please, don't go."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD