AMARA:
"Alam kong naguguluhan ka dahil hindi ko pa nabanggit sa 'yo, pero mayroong kakambal si Andre na matagal nang nawalay sa amin."
Hindi ko maalis ang mga mata ko sa lalaking hanggang ngayon ay nakasandal pa rin sa amba ng pintuan. Para akong nabato habang nakatingin sa kaniya na ngayon ay walang emosyon na nakatingin din sa akin. Hindi ko maunawaan ang sarili ko, hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nasa harapan ko na ang lalaking hinahanap ko mula pa kahapon, o magtatago ako?
Parang nanghina ang puso ko nang manumbalik sa alaala ko ang gabing iyon. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
"Masaya ako na bumalik ka na, Alden-"
Umirap ito at tumuwid ng tayo. "Don't call me that name. As I remember I already told you my name."
Nangunot ang noo ko at napabaling kay Tita Celine dahil sa walang modong sagot nito sa ina. Napahawak ako sa may braso niya nang makita ko ang pagkabigla at sakit na gumuhit sa mga mata ni Tita.
"I just came here because I saw myself at the news few weeks ago, except that I'm safe at my home and that wasn't my name. Baon daw ako sa utang dahil sa aksidenteng kagagawan ko at naka-coma raw ako. Wow!"
Napakurap ako. Alam kong ang tinutukoy niya ay ang damage na nagawa ng aksidente na kay Andre sinisingil. Bukod sa kaniya ay may nadamay pa siyang sasakyan na may sakay na dalawang tao. Si Andre din daw ang magbabayad sa damage na iyon.
Muli akong napatingin kay Shaqkobe. "Kung bigat lang sa dibdib ang dala mo rito, sana hindi ka na lang nagpakita," naiiling kong sinabi.
Napatingin ako kay Tita Celine nang hawakan niya ako sa kamay para pigilan, pero ang mga mata ay nasa isa pang anak.
"Shaq, 'wag kang umalis, mag-usap na muna tayo."
Tumaas ang dalawang kilay nito. "Hindi ko alam na may kailangan pala tayong pag-usapan?"
"Anak, marami. Gusto kong malaman mo na hindi ko ginustong ipamigay ka-"
Tumawa ito ng bagak. "May I correct you? Hindi mo ako ipinamigay, ibinenta mo ako."
Nagulat ako sa sinabi nito. Wala akong ideya na may kapatid pala si Andre, kaya naman wala rin akong ideya kung ano ang nangyari. Pero napakabait na ina ni Tita Celine, pati na rin ang yumao nitong asawa na si Tito Lukas. Parang imposibleng magawa nitong magbenta ng anak?
"Patawarin mo ako, Alden. Kinailangan ko lang ng pera para mapaopera ang kapatid mo. Naaksidente siya noong tatlong taong gulang kayo, at ang tanging malalapitan ko lang ay ang pamilya mo ngayon na Dorantece. Baon na kami sa utang noon kaya ayaw na nila kaming pautangin uli."
Umiiling-iling lang si Shaq na para bang ayaw nitong pakinggan ang paliwanag ng ina. Kahit na hindi itinatago ni Shaq ang kawalan ng pakialam sa paliwanag ni Tita ay pilit pa rin siyang nagpaliwanag.
"Masyadong mayaman ang Dorantece, lahat ng mayroon kami ay mayroon na rin sila, kaya isang bagay lang ang kaya naming ibigay. Isang anak na wala ang tumayong ama mo."
Hindi ko mapigilang magulat sa mga natuklasan ko. Ngayon ko lang narinig ang kuwentong ito. Maging si Andre ay hindi sa akin kahit kailan nabanggit na may kapatid pala siya.
Tatlong taon, wala pa silang kamuwang-muwang sa ganoong edad. Alam kaya ni Andre na may kapatid siya?
Sarkastikong ngumiti si Shaq. Hindi kagaya ko ay mukhang hindi ito nagulat sa inilahad ni Tita. Ibig sabihin ay alam nito?
"So, you mean, I once safe my twin brother? Am I a hero? Nasaan ang rebulto ko?"
Nalukot ang mukha ko. "Hindi ka ba puwedeng sumagot nang may modo?" hindi ko na napigilan ang makialam.
Kaagad na inilipat niya ang mata sa akin. Humalukipkip siya at tinabingian ako ng ulo.
"What manners you want to see, po?" napailing siya. "I shouldn't come here. I gotta go."
Kumalas ang kamay ko sa braso ni Tita nang mabilis niyang tinungo si Shaq at pinigilan sa paglabas.
"Please, Alden, tulungan mo ang kapatid mo."
Nakita kong gumalaw ang pisngi ni Shaq na para bang may pinigilang sabihin bago humarap sa ina. "I'm not Alden. Alden is your son, and I'm not your son anymore. Call me Shaq."
Mabilis na tumango si Tita. "Shaq, I'm sorry. Patawarin mo ako kung kinailangan kitang ipagbili mailigtas lang ang kapatid mo. Mahina siya, muntik-muntikan nang mamatay, at napakasama kong ina kung siya ang ipamimigay ko sa kabila ng kalagayan niya. Kailangan niya ng isang ina."
Naghihinanakit na pinagmasdan ni Shaq si Tita. "At mabait kayong ina dahil ako ang ipinagbili mo?"
Umiling si Tita. "Hindi..."
"Let me guess, you want me to help you to pay his bills and debt?"
"Anak, wala na akong ibang malalapitan..."
"Wala ka talagang ibang malalapitan, dahil pati sa akin ay wala kang mapapala." Matapos iyon sabihin ay lumabas na ito ng kuwarto, at hindi na nagawa pang pigilan ni Tita Celine.
Napaiyak na lang si Tita Celine, kaya nag-aalalang nilapitan ko siya.
"Hindi ko sinasadyang saktan siya..." baling niya sa akin na marahan kong tinanguhan.
"Naiintindihan ko po. Let me talk to him."
Nag-aalinlangan siyang tumingin sa akin, pero tinanguhan ko lang siya at nagmamadaling lumabas. Kinailangan ko pang hanapin si Shaq bago ko siya makita. Talaga ngang determinado na siyang umalis dahil naabutan ko siya sa hallway palabas ng hospital.
"Shaq!"
Natigilan siya at nilingon ako. Naningkit ang mga mata niya, at nang mukhang nakilala ako ay napailing siya at muling naglakad. Lakad lang ang ginawa niya pero kinailangan ko iyon takbuhin para mahabol ko siya at maharang ang daanan niya.
"Don't blocked my way."
"That was you, the man who pretend as Andre and-"
"The man that you kissed. Yes, I am. Should I summarise it for you?" parang wala lang niyang sinabi.
Pinanliitan ko siya ng mga mata. "That wouldn't happen if you told me the truth."
"I tried! But you kissed me so I couldn't."
Napalinga ako dahil sa takot na may makarinig sa kaniya. Ilan beses niya nang binabanggit ang paghalik ko sa kaniya.
"I was drunk, Shaq."
"I know! Are you still drunk? Why are you still following and blocking me?"
Naibuka ko lang ang bibig ko, hindi malaman kung ano ang dapat kong sabihin. Why am I following him again?
Gumilid siya upang makadaan. Mabilis naman akong pumihit para sundan siya ng tingin.
"Don't be so rude to Tita Celine. She's a good person, and mother, she don't deserve that kind of treatment."
Nakapamulsa siyang huminto sa paglalakad at pumihit paharap sa akin.
"She's a good person and a mother to you, to Andre, to everyone else around her, but not to me."
"Because you're not around!"
"Because she sold me!" riin niya. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya, para bang gustong-gusto niya akong pagbuntungan ng galit pero pinipigilan niya.
Napalunok ako, nakatulong iyon para mawala ang bara sa lalamunan ko na nagpapahirap sa aking magsalita.
"So hahayaan mo na lang ang kapatid mo?"
"Nakayanan niya ng ilang linggo, kakayanin niya pang gapangin ang buhay ng mahal niyang anak." Muli siyang tumalikod at nagsimulang maglakad.
Naikuyom ko ang kamao ko. "May edad na ang Mama mo! Huwag mo siyang pabayaan nang ganito!"
Hindi niya ako nilingon at nagtuloy lang sa paglalakad. Bumagsak ang balikat ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko, at lalong hindi ako makapaniwala na talaga pa lang puwedeng maging magkabaliktad ang ugali ng dalawang magkakambal.