AMARA:
"What? Kakambal ni Andre?" hindi nakapaniwalang bulalas ni Chloe nang sabihin ko sa kanila ni Landon na kilala ko na kung sino ang lalaking hinalikan ko noong isang gabi.
Kagagaling ko lang sa hospital. Pagkaalis ni Shaq ay sandali lang kaming nag-usap ni Tita Celine tungkol sa anak, saka ako nagdesisyon na umalis at dumiretso sa bar nina Chloe.
Ang sabi ni Tita ay nagulat na lang daw siya nang makita niya sa hallway ng hospital si Shaq. Nang makita niya raw ito ay nakilala niya kaagad na iyon ang anak niyang noon ay ibinenta sa isang matandang lalaki para maipagamot si Andre na kasalukuyan noon na nag-aagaw buhay. Ang sabi raw ni Shaq ay naroon ito dahil nga sa nakita nito sa balita, kaya pinahanap niya ang hospital na kinaroroonan at siniguro kung sino ang nasa hospital. Hindi nito sinabi kay Tita Celine, pero alam kong pati ang bahay nila ay ipinahanap ni Shaq. I should know, dahil ako mismo ang nakakita rito doon.
Bumuntong-hininga ako habang pinaglalaruan ang baso ng alak na nasa harapan ko. Gabi na kaya naman bukas na ang bar nila, although hindi pa ganoong karami ang tao. Nasa bar counter lang din ako dahil ayoko ng masyadong maingay at magulo. Kailangan ko lang talaga ng makakausap.
"So he's real? Siya rin ba ang nagpa-hack ng security sa village?" ani Landon na para bang kumukulo ang dugo kay Shaq kahit hindi pa niya ito nakikita.
Nakita ko ang pag-irap ni Chloe na para bang sawa na siya sa init ng ulo ng boyfriend niya kapag tungkol sa misteryosong si Shaq ang pinag-uusapan. Can't blame him. Mula yata nang malaman ni Landon na may nag-hack ng CCTV ay pakiramdam niya ay delikado na ang buhay ko sa lalaking iyon. Ayaw niyang maniwala na nagkataon lang ang mga nangyari. Well, parang ang hirap nga naman talaga.
"Hayaan mo na, Landon. Siguro kasalanan ko rin, ako naman talaga ang nag-assume na siya si Andre, ako rin ang humalik sa kaniya. Mukha naman wala siyang interest sa akin," iling ko habang inaalala ang nangyari kanina.
Base sa pagtitig niya sa akin ay alam ko kaagad na natatandaan niya ako. Idagdag pa nang komprontahin ko siya. Siguro kung siya man talaga ang nagpa-hack ng CCTV sa village ay baka may iba siyang rason. Baka sadyang ayaw niya lang sanang ipaalam kahit kanino na naroon siya, iyon nga lang ay nagsaktong nakita ko siya at inakalang siya si Andre.
Malamig siya nang magkausap kami, tila walang epekto sa kaniya kung anong nangyari. Walang malisya iyon. No wonder kung bakit hindi niya ako ginalaw kahit na lasing ako. Kahit papaano ay nirespeto niya pa rin ako dahil hindi niya itinuloy ang dapat mangyayari.
"'Yon na iyon? He still kissed you."
"Landon, 'wag mo nang palakihin ang issue. Magpasalamat na lang tayo na tinanggap niya lang ang halik ng loka-loka nating kaibigan, hindi niya na tinanggap ang katawan."
"Chloe!" reklamo ko.
"Ah, basta huwag siyang magpapakita sa akin. Baka magdilim ang paningin ko sa kaniya."
Nagkatinginan kami ni Chloe at parehong napailing. Hindi ko alam kung overprotective ba siya o OA lang.
"Landon, actually wala na sa kiss na iyon ang utak ko. Kung alam ninyo lang kung paano niya sagot-sagutin ang mama niya kanina. May hinanakit siya."
Hindi ko alam kung bakit iniisip ko pa iyon. Kung dahil ba sa nag-aalala ako kay Tita Celine, o concerned lang ako kay Shaq? Ewan pero hindi ko mapigilan ang sarili na isipin sila.
"E, kahit sino namang anak masasaktan kung binenta o ipinamigay sila ng sarili nilang magulang," komento ni Chloe. Nasabi ko na sa kanila ang mga nalaman ko. Kilala ko naman silang dalawa, alam kong hindi nila ipagkakalat ang mga nalaman ko.
"At least lumaki siya na may magandang buhay," kibit-balikat ni Landon.
Nalukot ang mukha ni Chloe habang nakatingin sa boyfriend niya.
"Naah! Hindi tayo sigurado. Hindi lahat ng lumaking may pera ay may magandang buhay."
"Tingin mo?"
"Bakit naman siya magdidibdib kung masaya siya sa buhay na meron siya?"
Pinapanood ko lang at pinapakinggan sila habang nag-uusap. Bigla ko tuloy naalala nang gabing maabutan ko siya sa bahay nina Tita Celine. Nakatingin siya sa pasemano, kung saan nakatayo ang mga family picture nila. Mula noong buhay pa si Tito Lukas, hanggang sa dalawa na lang silang mag-ina. Kung ilalagay ko ang sarili ko sa kalagayan niya, malamang hahanapin ko ang letrato ko kung nasaan ako, kung nasaan kaya kong tawagin iyon na kompleto kami. Pero alam kong wala. Maski nga existence niya ay hindi ko alam. Marahil tinago talaga nina Tita Celine ang tungkol kay Shaq, or should I call him Alden? Ewan ko.
"Oh oh oh! 'wag mong sabihing maglalasing ka?" pigil ni Chloe nang basta ko na lang lagukin ang laman ng baso ko.
Lukot pa ang mukha ko nang tingnan ko siya dahil sa pait ng alak na ininom ko. Hindi ko naman gustong magpakalasing, pero pakiramdam ko ay ang daming nangyari ngayong araw. Kailangan ko ang tulong ng alak.
"Amara," marahang tawag sa akin ni Landon at kinuha ang baso sa tapat ko. "Issue nilang mag-ina iyon, 'wag mo nang problemahin. Kung wala lang sa kaniya na naghalikan o nag-makeout kayo, dapat wala lang din sa iyo kung sino siya. Hayaan mo na ang issue nila ng mama niya."
Pimagmasdan ko lang si Landon dahil sa sinabi niya. May punto naman siya, e. Hindi ko na dapat iniisip si Shaq. Kay Tita Celine at Andre lang dapat ang concerned ko. Nakaw na halik lang naman ang nangyari sa amin, hindi iyon dahilan para magkaroon pa ako ng pakialam sa kaniya.
Tahimik akong tumango. At least ngayon alam ko na kung sino ang naka make out ko, at kung bakit si Andre ang nakita ko nang gabing iyon. Ang kailangan ko na lang ay mag-focus sa trabaho upang makatulong kay Tita Celine at sa pag-aalaga kay Andre.
Iyon nga ang ginawa ko sa mga sumunod na mga araw. Nagpakaabala ako sa trabaho at sa minsanang pag-aalaga kay Andre. Sa tuwing may trabahong nakukuha si Tita Celine at ako naman ay wala, ako ang nag-aalaga kay Andre. Kahit lagi kong kasama si Andre ay pakiramdam ko miss na miss ko pa rin siya. Siguro dahil hindi naman importante sa akin kung katabi ko ba siya o hindi. Ang mahalaga sa akin ay makitang nasa maayos siyang kalagayan. Gusto ko na ulit marinig ang mga walang kwenta niyang sagot at komento sa mga kuwento ko. Nakaka-miss ang best friend ko.
Mula sa monitor ay halos mapatalon ako at mapatingin sa cellphone ko nang mag-ring iyon. Kaagad kong sinagot iyon nang makitang wala ang supervisor namin. Nang tingnan ko ang registered number ay si Jackson, ang bunso namin.
Naku malilintikan talaga sa akin itong batang 'to. Alam niya namang bawal akong gumamit ng cellphone sa trabaho, e, tumatawag pa. Puwede namang mag-text.
"Jax, mapapagalitan ako sa ginagawa mo," sermon ko kaagad.
"E, Ate, sorry na. Kailangan lang talaga kita."
Nangunot-noo ako. Luminga ako para tingnan kung nasaan ang supervisor namin. Hindi ko inalis ang mata sa pintuan palabas ng office.
"Bakit? May problema ba?"
Eighteen-years-old pa lang si Jackson. Dapat nito ay nasa school siya, pero sa halip ay kausap ko siya. May problema nanaman ba? Yes, nanaman. Trouble maker 'tong kapatid kong ito. Minsan iniisip kong kasalanan din namin ni Kuya Flo. Magmula kasi nang magkasakit si Papa ng cancer ay naging abala sa trabaho si Mama para matustusan ang pagpapagamot kay Papa. Kami ni Kuya Flo sana ang magiging gabay ni Jackson bilang bata pa siya nang mga panahon na iyon, ang kaso ay nag-part time job kami ni Kuya para makatuloy kami sa kolehiyo. Nang mawala si Papa dahil sa cancer ay si Mama naman ang nagkasakit. Kinailangan siyang i-dialysis, ang kaso ay hindi rin niya kinaya kaya binawian din siya ng buhay. Kami na lang ni Kuya Flo ang natirang guardian ni Jackson, kaso naging busy kami sa trabaho dahil hanggang ngayon ay binabayaran pa namin ang mga utang na gawa ng pagpapagamot namin kay Mama at Papa. 7 years nang wala si Papa, at si Mama naman ay tatlong taon. Kahit na maganda na ang trabaho namin ni Kuya ay hindi pa rin sapat dahil sa, nabaong interes sa mga utang namin.
"Oo, Ate, e. Puwede mo ba akong puntahan?"
Napapikit ako at napahilot sa sentido ko. Hindi ko pa naririnig ang kalokohan nanaman niya ay sumasakit na ang ulo ko.
"Saan ba?"
"Ate, promise mo muna na hindi mo sasabihin kay Kuya Flo. Please."
Bumintong-hininga ako. "Fine! Promise."
Pagkasabi ko niyon ay sinabi nga niya kung nasaan siya. Isang building na pamilyar sa akin, pero hindi ko alam kung paanong napunta siya roon. Nagpaalam na lang ako sa supervisor namin. Sinabi kong emergency kaya pinayagan niya ako, as long as na bukas ay mapapasa ko ang proposal ko para sa isang kliyente namin na makakaharap next week. Bukas daw nila iyon iche-check.
Magka-text kami ni Jackson habang papunta sa building na sinabi niya. Ang sabi niya ay basta na lang daw siyang sinama ng bodyguard ng isa sa schoolmate niya sa building kung saan ang opisina ng ama schoolmate niya. Pilit daw siyang pinaaamin kung anong pakay nito, at kung bakit niya inii-stalk ang schoolmate na iyon. Hindi naman daw.
"Ate, maniwala ka sa akin, hindi niya talaga ako stalker," kumbinsi sa akin ni Jackson habang kausap ko ang ama ng schoolmate niyang si Sophia.
Sinulyapan ko muna si Jackson bago balingan ang matanda.
"Mawalang galang na po, pero baka nagkamali lang po kayo. Bakit naman ii-stalk ng kapatid ko ang anak ninyo? At bakit ninyo po ba siya pinagbibintangan?"
Napatingin ako sa babaeng alam kong si Sophia dahil sa unifom nitong kapareho ng uniform ni Jackson. Pareho silang senior high school.
"Ilang araw ko na pong nararamdaman na may sumusunod sa akin, hindi ko iyon pinansin dahil baka guni-guni ko lang iyon. Pero isang linggo nang nakalipas nang may kalst ng nude picture ko na mukhang kinuhanan sa gym..." hindi na natuloy ni Sophia ang sinasabi nang mapaiyak na ito.
Bigla akong naawa kay Sophia. Kung ako ang nasa sitywasyon niya ay malamang hindi na muna ako magpapakita sa ibang tao. Buti siya ay nagawa pa niya. Ngunit hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, kaya sa halip ay bumaling lang ako sa ama ni Sophia nang magsalita 'to.
"Kaya nagpakuha ako ng bodyguard para sa anak ko, and it happened thst your brother hass been watching and following my daughter."
Nangunot-noo ako at bumaling kay Jackson. "Jax, explain."
Kumamot sa may batok si Jackson at alanganing ngumiti.
"Hindi ko naman po siya ini-stalk. Crush ko lang po si Sophia kaya nag-alala ako dahil sa scandal."
Sinapo ko ang noo ko. Hindi ko alam na may crush pala ang kapatid ko sa babaeng 'to, at ang magaling kong kapatid ay hindi naisip na maari pang lalong maisip ng matanda na siya nga ang stalker dahil sa rason niya. Pero sabagay, wala rin naman matinong patutunguhan ito kung magpapalusot siya.
Narinig kong bumukas ang pinto sa may likuran ko pero nanatili ako sa puwesto ko.
"Mr. Gulo, nandito na po si Mr. Dorantece."
"Good afternoon, Mr. Gulo. I heard that you have a problem with my employees?"
"Yes, Mr. Dorantece. Itong tauhan mo, basta na lang dinala sa akin at pinagbintangan ang batang 'to na stalker ng anak ko, without any proof."
"I'm sorry po, Sir," sabi ng sa tingin ko ay siyang bodyguard na tinutukoy.
"Kuya Andre?" narinig kong bulong ni Jackson. Nang balingan ko siya ay nakita kong nakatulala siya sa may likuran namin, kaya nsman nagtatakang napatingin din ako roon.
Pakiramdam ko ay namilog ang mga mata ko nang makita ko kung sinong nakatayo malapit sa amin. Naka long sleeve polo at naka pantalon na asul. Nakatali ang buhok niya sa likod, konting hibla lang ng buhok sa harap ang kumakawala sa may kaluwangan nitong tali. Si Shagkobe.
Nakita kong napatingin din siya sa akin. Nangunot ang noo niya saglit pero kaagad na binawi ang mga mata niya at pilit pinanormal ang ekspresyon ng mukha niya at bumaling uli kay Mr. Gulo.
Nag-iwas din ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong nailang. Ilan araw na nga ba ang lumipas magmula nang huling beses kaming magkita?
"I'm so sorry, Mr. Gulo. If you want I can give you another person to watch your daughter."
"Yes, please," ani ng matanda at bumaling sa amin ni Jackson. "And my sincerely apology for this mistake, Miss Sanchez."
Napakurap ako. Siguro dahil wala pa ako ay panay explain at depensa na si Jackson sa kanila kaya natanggap na nila ngayon ang mga explanations ni Jackson.
Hindi pa ako nakakasagot ay napatingin na ako kay Shaq nang tumikhim ito. Nang tingnan ko siya ay nakatingin na rin siya sa amin ni Jackson.
"I'm sorry, pagsasabihan ko ang tao ko," aniya at bumaling sa bodyguard na siyang humingi rin ng tawad.
Tumango lang ako at hindi nakapagsalita. Ang pagkailang na nararamdaman ko ay nadagdagan ng kaba.
Bakit ba? Wala naman siyang gagawing masama sa 'yo?
Pasimple akong humingang malalim habang lihim na sinusuway ang aking sarili.