AMARA:
Hindi nagtagal ay pinalabas na kami ni Mr. Gulo matapos niyang humingi ng dispensa sa nangyaring miss understanding.
"Ate, salamat dahil dumating ka, a. Akala ko hindi ka makakapunta dahil may trabaho ka," kumakamot sa may batok na sabi ni Jackson nang makalayo na kami sa opisina ni Mr. Gulo.
Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. "Buti nga pinayagan akong sa bahay na tapusin ang trabaho ko. Sa susunod nga 'wag ka nang gagawa ng kalokohan," sita ko. Saktong bumukas ang elevator kaya pumasok na ako roon na kaagad niyang sinundan.
"Wala naman akong ginawang kalokohan ngayon, ah! Judgemental lang iyong bodyguard ni Sophia."
"Hindi ba kalokohan ang pagsunod sa babae, Jax?"
Ngumiwi lang siya at humalukipkip. Marahil hindi rin niya alam kung paano dedepensa sa sinabi ko. Sasara na sana ang bakal na pinto ng elevator nang may pumigil doon. Natigilan ako nang makita kong si Shaq iyon. Tiningnan niya lang ako pero kaagad akong nag-iwas ng tingin. Umusog ako nang pumasok siya sa loob upang hindi kami magkalapit. Ewan ko pero naiilang pa rin ako. Siguro dahil sa sagutan namin nang huling beses kaming magkita.
"Ah, Sir?"
Mabilis akong napabaling kay Jackson nang kausapin niya si Shaq. Nakita kong bumaling sa kaniya si Shaq habang nakapamulsa.
"Kilala ninyo po ba si Andre Alonzo?"
"Jax!" suway ko, pero tiningnan niya lang ako at muling binalik ang atensyon kay Shaq.
"Bakit?" seryoso ang boses ni Shaq.
"Kamukhang-kamukha ninyo po kasi siya, e. Mas good boy lang siyang tingnan - I mean... Basta."
Pinigilan ko ang sarili kong matawa sa sinabi ni Jackson. Para niya nang sinabing salbaheng tingnan si Shaq. Ha, kung alam niya lang na kabaliktaran ni Andre ang Shaq na 'to.
Kumunot sng noo ni Shaq. Sinulyapan niya ako bago balingan uli si Jackson.
"'Wag kang mag-alala, I don't compare myself to anyone." Saktong pagkasabi niya niyon ay bumukas na ang elevator at dinala kami niyon sa basement. Lumabas kaagad siya at sinundan naman ni Jackson. My God! Anong trip ng kapatid ko?
Napipilitang sumunod ako. "Jackson! Tara na, ano ba?"
"Sir, about po sa kaso ni Sophia-"
Hinarap siya ni Shaq. "Humingi na ako ng pasensya sa miss understanding, 'di ba?"
Ngumisi si Jackson. "Hindi naman po ganoon kadali iyon. Napahiya kaya ako sa mga schoolmates ko."
Pinaningkitan siya ni Shaq saka ipinag-ekis ang braso niya sa may dibdib.
"On my defense, hindi naman nagpaka-judgemental lang ang tao ko. Hinahanap nila kung sino iyong stalker, nandoon ka at nakasunod nang nakasunod. Hindi rin naman kasi maganda ang image mo sa school, kilala kang isa sa mga frat ng school ninyo-"
"Ano?!" Natigilan sila pareho sa biglang singit ko. "Frat ka, Jax?"
Nagtaas ng kilay si Shaq. "Oh, hindi pa pala alam ng ate mo."
Nagtaas ng dalawang kamay si Jackson nang balingan niya ako dahil nilapitan ko silang dalawa.
"Ate, hindi! Kaibigan ko mga member ng frat, pero hindi ako kasali."
"Kahit na! Bakit ka nakikipagkaibigan sa mga kagaya nila? Para ka na rin isa sa kanila niyan."
"E, hindi nga ako frat."
"Jackson, hindi mo mapipigilan na isipin 'yan ng mga taong nakapaligid sa 'yo, dahil kung anong image ng kaibigan mo ay image mo na rin."
Bumuntong-hininga ako nang mapatango ako sa sinabi ni Shaq. Hindi ko na-imagine na darating ang oras na magkakapareho kami ng opinyon.
Humalukipkip si Jackson. "At least safe, hindi na ako nabu-bully dahil sa mga kaibigan ko sila."
Nagulat ako sa sinabi niya. "Nabu-bully ka?"
Napatingin ako kay Shaq nang marinig ko ang pag-ismid niya. "Kailan ninyo ba huling binisita ang eskuwelahan ng kapatid mo? Dalasan mo next time," sabi niya direkta sa akin. Hindi pa ako nakasasagot ay bumaling na siya kay Jackson. "Hindi por que gusto mong makaiwas o tantanan na ng mga bully, e, didikit ka na sa frat. Bakit naman ako, I provide safetiness but I'm not a frat."
Biglang napangiti ng malawak si Jackson. "E, ano ka o anong meron ka?"
"Tamang taong dapat kinakausap sa ganiyan. Hindi ka nagmumukhang matapang dahil lang sa may mga kasama kang basag-ulo, lalo ka lang magmumukhang duwag at pagtatawanan ng iba. Let adults handle that issue, so talk to your guardian." Pagkasabi niya niyon ay nagtuloy na siya sa isang itim na kotse. Pinatunog niya iyon gamit ang susi niyang hawak. Nang papasok na siya sa sasakyan ay huminto siya at lumingon sa amin. "At kung may gusto ka sa isang babae, 'wag kang sumunod lang. Ligawan mo, magtapat ka, nang sa ganoon ay hindi siya matakot sa 'yo."
Nag-salute sign si Jackson. "Yes, Master."
Nangunot-noo ako. "Ano? Master ka diyan? Hoy, diploma muna."
"E, Ate!"
Susuwayin ko pa sana uli siya pero sumingit nanaman si Shaq.
"'Wag mong higpitan iyang kapatid mo, lalo iyang kakawala. Isa pa, uso pa ba 'yon? Wala na yatang teenager ngayon na NBSB."
Umirap ako. "Hindi pakikiuso lang ang panliligaw o relasyon."
"Hindi naman makikiuso si Jackson, may tipo siyang babae at seseryosohin niya 'yon kung papayagan mo."
Inis na bumaling ako kay Jackson. Nakahalukipkip siya at ngumiti sa akin, na akala mo'y nagpapa-cute para sumang-ayon ako kay Shaq. Inirapan ko lang siya at muling bumaling kay Shaq. Naiiling na tumuloy na siya papasok ng kotse niya. Parang nawala ang inis ko nang may makita ko sa mukha niya bago siya tuluyang tumalikod. Nakangiti siya.
Hindi ko alam kung bakit, pero may kung ano sa akin na natuwang nakita ko iyon sa unang pagkakataon.
"Ate, ako lang ba? Pero kahit kamukhang-kamukha niya si Kuya Andre, pakiramdam ko ay magkaibang-magkaiba sila. Hindi ko sa kaniya nakita si Kuya Andre."
Tinagiliran ko siya ng ulo. "Hindi naman talaga, e, kasi-"
"Mas cool siya."
"Ano?" hindi ko makapaniwalang bulalas.
Ngumisi lang siya at naglakad na. "Sana maging kasing cool niya rin ako pagtanda ko."
Umirap ako. Pakipaalala nga sa akin ng eighteen-year-old na ang kapatid ko?
***
Ilang oras na rin akong nakatutok sa monitor ng computer. Kanina pagkauwi namin ni Jackson ay dumiretso na ako sa kuwarto para gawin ang marketing proposal na pinapagawa sa akin. Bukas na raw ito kailangan kaya naman kailangan matapos ko kaagad ito ngayong gabi. Pero ewan ko, pakiramdam ko ay ang bagal ko. Natatagalan ako sa sarili kong mag-isip. Siguro kasi hati ang utak ko. Hindi mawala sa isip ko ang interaction namin kanina kay Shaq. Naging mabait naman siya sa amin ni Shaq, pero bakit ang tigas niya kay Tita Celine?
Bumuntong-hininga ako. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nagbukas na ako ng isang tab at nag-search ng pangalan. Ang pangalan ni Shaq. Nakuha ko kanina ang apelyido niya dahil iyon ang tawag sa kaniya ni Mr. Gulo kanina. Ewan ko ba pero curious talaga ako sa buhay niya ngayon. Tama naman kasi si Landon, na marangya ang naging buhay niya at madali nang ibigay siya ni Tita Celine sa mayamang negosyante. Dapat ipagpasalamat niya pa iyon dahil hindi rin naman naging stable ang buhay ni Andre noong bata pa siya. Pero tama rin naman si Chloe, na hindi por que lumaking mayaman ay maganda na ang buhay. Baka doon nanggagaling ang sama ng loob niya kay Tita Celine, dahil hindi siya masaya sa pamilyang kinalakihan niya...?
Nang i-search ko ang Shaqkobe Dorantece ay kaagad na lumabas ang profile niya. Twenty-nine-years-old. He became a CEO at their company at twenty-three, and at twenty-six his father Shaqil Dorantece passed him his chair as a president of YA's (Your Ally's) Agency. YA's Agency is a security company who provide services for safetiness through their private agents/secret agents. Iyon lang ang nakita ko at ilan pang contact kung saan sila puwedeng i-contact. Wala rin ang address ng office dahil sekreto lang daw iyon. Nang tingnan ko naman ang profile ng dating president ay roon ko lang nalaman na pumanaw na raw ito, walang asawa at walang ibang anak. Si Shaq lang.
Naalala ko tuloy siya nang maabutan ko siyang tumitingin sa mga pictures nina Tita Celine. Hindi kaya buong pamilya ang kulang sa kaniya?
"Ate Amara?"
Halos mapapitlag ako nang buksan ni Jackson ang pinto ng kuwarto ko saka siya kumatok. Nang balingan ko siya ay nakasandal siya sa pinto.
"Bakit?"
"Dumating na si Kuya Flo. Sinabi kong may trabaho kang tinatapos kaya hindi ka na namin tinawag."
Tumango ako. "Kumain na ba siya? Ikaw?" Bago ako magkulong sa kuwarto ay siniguro ko nang may kakainin si Kuya pag-uwi. Si Jackson ang karaniwang gumagawa niyon dahil mas maaga siya sa aming umuuwi, pero dahil nandito ako ay ako na ang gumawa.
Tumango siya. "Actually, gusto ko lang magpasalamat. Hindi ako pinagalitan ni Kuya Flo, ibig sabihin ay hindi mo ako sinumbong. Thank you."
Napailing ako at natawa. "Kaya magpakatino ka na, kasi hindi habang buhay, e, pagtatakpan kita kay Kuya."
Sumimangot siya at tuluyan nang pumasok. Umupo siya sa kama ko na katabi lang ng study table na kinaroroonan ko.
"Wala nga akong kasalanan."
Umingos ako. "Kahit sino naman iyon ang iisipin. Didiskarte ka lang kasi, wrong timing pa."
"Ako kapatid mo, ako kampihan mo, Ate."
Nginitian ko lang siya ng sarcastic at napailing. Natigilan siya nang mapatingin sa monitor, kaya napatingin din ako roon at doon ko lang naalala na nasa profile nga pala ni Shaq ang bukas na tab.
"Ate, ni-search mo? Curious ka rin sa pagiging magkamukha nila, 'no?" Hindi pa ako nakakasagot ay mas lumapit na siya sa monitor para magbasa. "Wow! Kaya pala ang cool niyang tingnan, mayaman pala talaga siya," hindi niya matago ang pagkamangha sa mga nababasa.
"Oy, Jax, tantanan mo nga 'yan. May trabaho pa ako."
"Wait lang, Ate. Tingnan mo, oh! Agency pala ang negosyo niya, iyon siguro iyong sinasabi niya kanina na nagbibigay siya ng safetiness pero hindi siya frat."
Pumangalongbaba lang ako at hinayaan siyang magbasa roon. Kunwaring hindi interesado pero nakikinig din naman.
"Nag-aral din siya abroad with honors. Single pa rin siya at mukhang wala sa planong mag-asawa, kagaya ng ama niya."
Nagkunwari akong natawa. "Baka binabae."
Nagkibit-balikat siya. "Ate nag-train siya as an army. Hindi siguro."
Dumiretso ako ng upo. "Bakit ba inaalam pa natin 'yan. Tama na nga."
Ngumisi lang siya at ipinagpatuloy ang pag-scroll. Mayamaya ay nakangiti siyang bumaling sa akin.
"Open sila for trainees. Parang gusto ko."
"Ano? No! Hindi puwede, delikado 'yang mga security agencies, baka hindi mo alam? Mamaya mapa'no ka pa."
Sumimangot siya. "Wala naman sa trabaho 'yan, nasa pag-iingat. Tingnan mo si Kuya Andre, sa hotel lang siya nagtatrabaho e naaksidente pa. Lasing kasi nagmaneho pa."
Natigilan ako sa sinabi niya at napaiwas ng tingin. Hindi naman niya kasi alam na ako ang dahilan ng pag-inom ni Andre. Sa katunayan ay walang nakakaalam, kami lang nila Landon ang nakakaalam na nag-proposed sa akin si Andre at tinanggihan ko.
Tumayo na siya. "Sige Ate, tutulog na ako, ha. Salamat uli."
Hindi pa ako nakakapagsalita ay iniwan niya na ako at isinara ang pinto. Napailing na lang ako. Ano nanaman kayang pumapasok sa isipan ng batang iyon?
Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-ring iyon. Nang makita kong si Tita Celine ang tumatawag ay sinagot ko kaagad. Baka importante.
"Tita-" natigilan ako nang makarinig ako ng ilang hikbi. Alam kong si Tita Celine iyon. "Tita bakit po? May problema po ba?"
"Hija, alam kong may mga gastusin ka rin sa pamilya mo, pero kasi kailangang-kailangan ko na ng pera. Baka may maipauutang ka?"
Mabigat akong napahinga. Kaagad na nagkalkula ako sa utak ko kung may maipahihiram ba ako. Pero wala na dahil naka pag-advance na ako last month sa salary ko, pinangbayad namin sa hospital. Wala akong sasahurin ngayong buwan.
"Tita sorry po, gipit din po ako, e. Bakit po? Sinisingil na po ba kayo sa hospital?"
Isa pang pigil na hagulhol ang narinig ko. Napatayo na ako dahil sa kabang nararamdaman ko. Alam kong masyado nang malaki ang nagagastos namin para kay Andre, pero hindi ko pa rin kakayaning pabayaan lang siya. Hindi ko kaya.
"Gusto na nilang tanggalan ng life support si Andre. Hindi na raw kaya ng hospital na ibigay ang mga pangangailangan ni Andre."
Marahas akong umiling. "Tita, 'wag po kayong papayag. Hintayin ninyo po ako, ako pong makikipag-usap sa kanila."
Mabilis akong nag-ayos at umalis ng bahay. Hindi na ako nakapagpaalam kina Kuya Flo. Tuloy-tuloy ako sa kuwarto ni Andre at laking pasalamat kong naabutan ko pa siya roon. Pinatahan ko muna si Tita Celine na naabutan kong umiiyak bago dumiretso sa opisina ng Doctor at doon nakipag-usap.
"Iyong binabayad ninyo kasi, e, kulang na kulang pa para sa maintenance ng kailangan ni Andre. Lahat iyon ay sagot ng hospital, stay-in lang yata ang na babayaran ninyo. Kung magpapatuloy pa ito sa susunod na linggo ay baka maubos na ang pondo namin. Kawawa naman ang ibang mas nangangailangan."
Hindi makapaniwalang napailing ako. "Mas? Doc, nangangailangan din po si Andre. Pare-pareho lang naman pi silang may buhay at may pangangailangan." Hindi ko mapigilang maghihinakit sa docttor. Para akong sasabog sa sobrang sakit ng posibilidad na maaring mawala si Andre. Hindi kami lumaban ng ilang linggo para lang bitiwan siya basta-basta.
"I'm sorry, Amara. Ang ibig kong sabihin, e, iyong ibang pasyente na mas may chance pang mabuhay ng matagal. Let's admit it, hindi tayo sigurado kung magigising pa ang kaibigan mo. I'm sorry."
Tinakpan ko ng dalawang palad ko ang mukha ko at tuluyan nang napaiyak. Ang hapdi sa puso, lalo na't ako mismo ay hindi makatanggi na may punto ang doctor. Pero paano ko 'to tatanggapin? Hindi ko kaya.
"I'm really really sorry, Amara. But don't worry, hindi naman siya mawawala kaagad kapag tinanggalan namin siya ng life support, depende pa rin kung kakayanin ni Andre. For sure he can, Andre is fighter."
Nanghihina na tiningnan ko ang doctor. "Paano kung hindi?" halos magputol-putol ang boses ko kakaiyak. Para akong nalulunod sa sarili kong mga luha.
"I'm sorry," tanging nasabi niya.
"Doc, 'wag ninyo po siyang tatanggalan ng life support. Pangako ko po na magbabayad kami. Hindi ninyo po kailangang intindihin ang ibang pasyenteng naapektuhan sa pondo. Magbabayad po kami," magkakahalong pagmamakaawa at pag-asa na ang nababasa ko sa sarili ko. Hindi ko talaga kayang bitiwan si Andre.
Pumungay ang mga mata niya. "Ilan beses na rin 'yan nasabi ni Mrs. Alonzo, wala naman natutupad."
Humawak ako sa may dibdib ko para ituro ang sarili ko. "Ako po, ako po ang magbabayad. Please, isa pa pong chance. Babayaran ko po lahat iyan. Please."
Mukhang napipilitan na tumango ang doctor na halos ikatigil ng paghinga ko.
"Okay, fine. I will give you one week, kung hindi ninyo mababayaran ang mga utang ninyo sa hospital, itutuloy na namin ang plano. I'm sorry, Amara."